Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Motorsiklo ng parak naglaho sa Camp Crame

$
0
0

NADALE ng mga magnanakaw ang motorsiklo ng isang pulis sa loob mismo ng Camp Crame, ang punong himpilan ng Philippine National Police sa Quezon City, nitong nakalipas na Huwebes.

Ayon sa PNP Highway Patrol Group, nadiskubre ang pagkawala ng bagong Honda XRM motorcycle ni PO3 Jeare Agra, nakatalaga sa Directorate for Investigative and Detective Management (DIDM) dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng kampo.

Ayon sa pulis, nakaparada ang kanyang motorsiklo malapit sa National Headquarters Office bago ito nawala.

Wala pa umanong plaka ang motorsiklo pero inalarma na ng PNP ang lahat ng units nila upang matunton ang nawawalang sasakyan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>