MASASABING buwena mano sa katatapos na inagurasyon ng bagong tanggapan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), sa NAIA Terminal 1, ang pagkakahuli sa isang Nigerian national nang madeskubre sa kanyang dalang bagahe ang may 3 kilo ng shabu matapos lumapag sa airport sa Pasay City.
Kinilala ni NAIA-IADITG Task Group Commander at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling si Sunday Michael Owoborode, isang negosyante sa Lagos City, Nigeria.
Batay sa ulat, dumating si Owoborode sa bansa lulan ng Thai Airways Flight TG624 galing Bangkok, Thailand ng siyay arestuhin bandang alas 9:30 ng gabi noong Biyernes, April 19, 2013, sa Arrival Area ng NAIA Terminal 1.
Ito’y matapos ang isinagawang inspeksiyon ng Duty Customs Examiner sa kanyang bagahe kung saan nadeskubre ang tatlong pakete na naglalaman ng iligal na droga na nakasiksik sa kaliwat kanang bahagi sa likuran ng dalang bag.
Batay sa imbestigasyon sa biyahe ni Owoborode, ito’y nanggaling sa bayan niya sa Nigeria patungong Cairo, Egypt bago tumuloy sa Bangkok, Thailand bago dumating sa Pilipinas dala ang iligal na droga.
Pansamantalang pinigil sa PDEA NAIA-IADITG. Ang dayuhan habang inihahanda na ang mga kasong importation of dangerous drugs (Section 4), Article II, Republic Act 9165, o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,ALEX CHING.
Ang pagkakahuli sa Nigerian ay iilang oras pa lamang ang nakakalipas matapos ang inagurasyon ng NAIA-IADITG Operations Center sa NAIA Complex, Terminal 3 na naging pangunahing pandangal si US Ambassador to the Philippines Harry K. Thomas.