INAALAM na ngayon ng awtoridad ang bahay ng isang abortionist kasunod ng pagkakadiskubre sa hindi lang isa kundi tatlong fetus na inabandona sa loob mismo ng banyo ng isang simbahan sa Quezon City nitong nakaraang Sabado ng umaga.
Ayon sa Novaliches police station, isinilid sa isang kulay berdeng plastic shopping bag ang tatlong fetus na pawang may ambiblical cords pa at pinaniniwalaan na namatay sanhi ng panganganak.
Paniwala rin ng pulisya na malapit lamang sa Shrine of Our Lady of Mercy sa Quirino Avenue na pinagtagpuan sa mga fetus ang bahay ng abortionist dahil ito lamang ang ligtas lugar para pagtakpan ang ikinasang krimen.
Maalalang naglilinis ng banyo para sa babae si Flora Duran, maintenance worker ng nasabing simbahan nang madiskubre nito ang plastic bag na may tatlong fetus.
Sinabi naman ni SPO2 Edward Samilin, ngayon lamang nangyari na may tatlong fetus ang magkakasabay na itinapon kaya malaki ang kanyang paniwala na may abortionist na nag-oopersyon sa kanilang komunidad.