MASANGSANG na ang bangkay ng isang lalaki ng matagpuan ito sa inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Maynila kagabi.
Kinilala ang biktima ng caretaker ng NIC apartment sa Manrique St., Sampaloc na si James Reyes, 45.
Sa report ni SPO2 Milbert Balinggan, dakong alas 11:15 nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa kanyang tinutuluyang kuwarto na puno ng dugo ang katawan habang nakaupo pa sa isang plastik na upuan nang kanilang matagpuan.
Napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo ng tanghali habang bumibili ng yelo sa kapitbahay.
Ayon kay Balinggan mabilis na naagnas ang katawan ng biktima dahil na rin sa init ng panahon.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ni Reyes.