KASONG rape ang ikinaso ng isang misis sa kanyang dalawang kabarangay na ang isang ay menor-de-edad sa Brgy. Sulquiano, Dingras, Ilocos Norte.
Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Joy, naganap ang panggagahasa sa kanya ng
dalawa niyang kabarangay nitong Huwebes habang wala ang kanyang asawa.
Kasama niya aniya ang kanyang 3-anyos na anak at tinutukan siya ng patalim kaya hindi siya nakapalag sa pambababoy ng dalawa na ang isa ay 14-anyos lamang.
Agad na pinaghahanap ng pulisya ang mga salarin.