Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pinay ginahasa ng 10 kelot sa Papua New Guinea

$
0
0

WALA sa bokabularyo ng embahada ng Pilipinas sa Papua New Guinea na pabayaan ang mapait na sinapit ng isang Pinay OFW na halinhinang ginahasa ng 10 armadong kalalakihan sa Mount Hagen.

Bagama’t ‘di pa batid kung nakarating na sa Malakanyang ang ulat, pilit pa ring itinatago sa publiko ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong insidente kung saan isang dayuhan pa na kasama ng Pinay ang pinaslang.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa local authorities sa Port Morseby, Papua New Guinea kaugnay ng naturang ulat.

Una rito, lumabas ang ulat na kasama ng kababayan ang isang Australian national na kinilalang si Robert Purdy, nang harangin sila ng mga suspek sa Mount Hagen na nasa western highland ng naturang bansa.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA)  spokesperson Raul Hernandez na naiparating na sa embahada ang nasabing insidente at kasalukuyan nang gumagawa ng imbestigasyon ang local authorities.

Pinaslang ng mga suspek ang dayuhan habang pinagtulungang gahasain ang kasama nitong Filipina.

“The embassy is coordinating with the authorities in Papua New Guinea to determine what happened.. The Filipina is requesting privacy,” giit pa ni Hernandez.

Kung matatandaan, isang 32-year old American woman din ang na-gang rape sa Papua New Guinea.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>