Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Cement mixer truck ikaklasipika na ‘dangerous vehicle’

$
0
0

PLANO ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na iklasipika ang mga cement mixer truck sa “dangerous vehicle” makaraang isang kolehiyala ang namatay sa Quezon City noong Martes ng umaga, matapos itong madaganan nang dambuhalang sasakyan.

Kasalukuyang klasipikado ang mga ‘concrete mixing transport truck’ sa ‘ordinary Class 8 truck’ kasama ang mga ‘trailer trucks’ at iba pa.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dapat nang isama sa dangerous vehicle ang mga mixer trucks kabilang ang mga ‘fuel tankers’. Ito ay dahil sa masyadong mabigat umano ang mga ito at malaki ang drum na nasa likuran kaya hindi makita ng driver ang likuran ng behikulo kahit na may rearview mirror.

Naglalagay ng ‘safety features’ sa katawan ang mga ganitong uri ng truck tulad ng mga security marking, at mga ilaw para mag-ingat ang mga kasabay na behikulo. Kailangan umano na higit sa 50 metro ang layo nito sa sinusundan at sumusunod na sasakyan.

Ang mga driver ng ganitong uri ng behikulo ay kinakailangan rin na may espesyal na uri ng lisensya na nagpapakita na may kasanayan ang mga ito na mag-operate at magmaneho ng naturang sasakyan ng ligtas sa publiko.

Sa datos ng MMDA, nakakapagtala sila ng isang kaso ng aksidente sangkot ang mga cement mixers trucks kada linggo sa Metro Manila. Karaniwan umano na nagmamadali ang mga driver ng naturang mga trak upang makahabol sa oras ng delivery kaya naaaksidente. May 90 minuto lamang umano ang mga cement mixer truck para maihatid ang karga sa destinasyon bago manigas ang semento.

Maaaring ang pagmamandali umano ng driver sa oras ang naging dahilan ng aksidente at pagkasawi ni Marie Cherrie Inzon na nadaganan ng tumagilid na cement mixer truck sa Quezon City.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129