IMBES na ngayong araw, Sabado ay iniurong sa Lunes ang libing ng kolehiyalang napisak ng cement mixer truck sa Quezon City.
Si Marie Cherrie Inzon, isang graduating student ng College, ay ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Himlayang Pilipino sa Tandang Dora, Q.C sa Lunes.
Matatandaang nauna nang inanunsyo na ang labi ni Inzon ay ililibing ngayong araw.
Nito lamang nakaraang Martes ng umaga namatay si Inzon matapos madaganan ng isang cement mixer na bumagsak sa isang passenger jeep sa Araneta Avenue.
Minalas naman na nakatayo sa lugar si Inzon at naipit sa pagitan ng dalawang nagkabanggaan na sasakyan.
Pitong iba pa ang nasugatan sa nasabing insidente.
Pinalaya naman ang naarestong driver ng cement mixer matapos patawarin ng Pamilya Inzon.