TADTAD ng saksak ang isang lalaki nang makita ng kanyang kaibigan habang nakahandusay sa kalsada matapos manggaling sa sinasabing tulak ng shabu sa Caloocan City Sabado ng gabi, Abril 27.
Dead on arrival sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Roy Abesamis, 45, ng Talipapa, Quezon City.
Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, naglalakad ang kaibigan ng biktima na si Alfred Alvite sa Road 6, GSIS Village, Talipapa, Caloocan City nang mapansin si Abesamis na duguang nakahandusay sa kalsada.
Agad na dinala sa QCGH ang biktima na huling nakitang buhay papasok sa Road 5, GSIS Village ng lungsod kung saan nakatira ang sinasabing tulak ng shabu na isang Nenita Taela.
Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa droga ang nasabing insidente at kung sino ang suspek.