Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trak swak sa bangin, 2 sugatan

$
0
0

diarrhea1DALAWA ang sugatan makaraang mahulog ang isang trak na may hilang trailer at puno ng mga bote ng softdrinks sa 20-metrong lalim na bangin sa Sitio Pamuhatan, Barangay Marilog, Davao City pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Nailigtas ng rumespundeng 911 Urban Search and Rescue Unit ang mga sugatan na sina Adonis Tambuli, 30, drayber ng Prime Mover Truck, nagtamo ng mga sugat sa mukha, ulo at katawan; helper nito na si Mike Cadayona.

Base sa salaysay mismo ni Tambuli, maingat naman umano siya sa pagmamaneho ngunit hindi lang talaga maiwasan ang aksidente.

“Sa itaas pa naka-high gear kasi ako tapos nung pababa na, nagpreno ako pero di na makaya kaya inihandos ko ang low gear ayaw nang pumasok kaya dumiretso na kami sa bangin.”

Agad na isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang mga biktima matapos ma-rescue.

Nabatid na galing sa Cagayan de Oro ang trak alas-5:00 ng hapon kahapon  papunta sana ng Ulas, Davao City upang i-deliver ang karga nito ngunit nadisgrasya at dumiretso sa bangin.

Kinumpirma naman ni PO3 Necson Paraguelles ng Marilog Police, na ang naturang lugar ay itinuturing na pinakadelikadong highway sa Marilog kung saan Nakapagtala na ng record mula taong 2012 na aabot na sa 10 sasakyan ang nadisgrasya at nahulog sa bangin kaya natanggal na ang karamihan sa railings sa gilid ng highway.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>