Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

No.1 wanted sa droga sa Davao swak sa selda

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang wanted sa kasong droga matapos ang apat na taong pagtatago sa  batas ng madakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya noong April 24, 2013 sa Davao City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling pugante na si Jason Taladua Buhisan, alias Echang/Richard Buhisan, 28, mangingisda  ng Purok 2,Barangay 76-A, Davao City na itinuturing na numero uno sa target ng mga awtoridad  sa Davao.

Ayon kay Cacdac, si Buhisan ay nadakip sa bisa ng isang warrat of arrest na ipinalabas  ng Branch 9 Davao City RTC ng mga tauhan nina PDEA Regional Office 11 (PDEA RO11)  Director Emerson Rosales, Davao City Police Office (DCPO), at Sta. Ana Police Station, sa lugar nito sa Barangay 76-A, mga bandang alas 7:30 ng umaga .

Sinabi ng PDEA ang operation ay may kaugnayan sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II,  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Buhisan ay pansamantalang detenido sa DCPO-Investigation and Detection Management Branch (IDMB) Jail Facility, sa Camp Capt. Leonor, San Pedro Street, Davao City.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>