DUMULOG sa tanggapan ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman ang dalagang hinalay ng kandidato sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Caloocan City na si Along Malapitan upang makakuha ng case records na magagamit niya sa pagbubukas ng kanyang kaso.
Sa tulong ng abogadong si Trixie Angeles-Cruz ay lumiham ang biktimang itinago sa pangalang Mila, 21, ng Bagong Barrio, Caloocan City sa tanggapan ng DSWD-NCR upang makakuha ng kopya ng case records nito upang maisulong ang kaso nito laban sa anak ni 1st District Congressman Oca Malapitan na si Along.
Matatandaan na kamakailan ay lumapit na rin ang biktima sa tanggapan ng DSWD-NCR upang makakuha ng case records para sa kanyang kaso ngunit tinanggihan ito dahil sa dahilang “confidentiality policy” na ipinatutupad ng nasabing tanggapan.
Sa pamamagitan ng liham na ipinadala ng mga ito kay Secretary Soliman, sinabi ni Mila na dismayado ito sa ipinatutupad na polisiya ng DSWD dahil paano ito makakukuha ng katarungan kung ipagkakait ng naturang tanggapan na mabigyan sila ng kopya ng kanilang kinakailangan para mapabuksan ang kanyang kaso.
Ayon kay Angeles-Cruz, base sa batas, ang tanging ipinagbabawal lamang sa katulad ng mga ganitong kaso ay ang pagsasapubliko at paglalathala ng mga impormasyon higit sa lahat kapag wala itong pahintulot mula sa biktima.
“Denying her access to her own records is not only ridiculous, it is outright illegal,” sabi pa ng abugado ng biktima.
Sinabi pa nito, hanggang sa ngayon ay nahihiwagahan pa rin sila kung bakit hindi pa rin sila pinapayagan ng DSWD-NCR na makakuha ng case records ni Mila kahit na nakarating na sa tamang edad ang biktima na 16-anyos pa lamang nang maganap ang insidente.
Bagama’t dismayado ay ayaw pa ring maniwala ni Angeles-Cruz na may gustong protektahan ang DSWD-NCR kaya’t patuloy ang pagtanggi ng mga ito na bigyan sila ng case records ng biktima.
“Why does the DSWD-NCR want to prevent Mila from accessing her records, which incidentally include her court records? As she was a minor at the time her case against then Barangay Captain, now Congressional candidate Dale Gonzalo “Along” Malapitan for rape was being litigated, she knew very little of what was going on and had no say in the decisions made about her. Her records will reveal the full extent of the whys and wherefores of the dismissal of her case, as well as her own admission and custody in the DSWD,” paliwanag pa ni Angeles-Cruz. “But it seems, this victim is being victimized again,”.
Napag-alaman pa na ang biktima ay napunta sa pangangalaga ng DSWD mula April 2008 hanggang November 2011 matapos na maisampa ang kaso sa Caloocan City Prosecutor’s Office hanggang sa mapunta ito sa Regional Trial Court (RTC) Branch 131.
“Sometime last week, my staff and I went to DSWD to inquire about obtaining the records, particularly the judicial records of rape victim “Mila” who by then had become our client. We were informed that we needed to give a letter of request,” ayon pa kay Angeles-Cruz.
Dahil sa paghahangad ng abugado na Mila na mabuhay ang kaso kaya’t nagpupursige ito na makuha ang court records kung saan ay nahaharap sa kasong panghahalay si Malapitan, tiyuhin nito na umano’y namatay na, mga tanod na sina Joselito Lim, Roderick Antonio and Danilo Bautista, kagawad na sina Pedro Tolentino, mga alyas na sina Larry, Michael ang iba pang hindi na natukoy ang pagkakakilanlan.
“We followed up the next day and informed the Director’s staff that we needed the records ASAP (as soon as possible). The following day again, we followed up and we were informed that our request was going to be denied, but that they couldn’t give us a formal response yet because the Director was out of her office. We received the formal denial by email the day after that,” dagdag pa ng abugado.