NAWALAN ng kabahayan ang may 200 pamilya habang tatlo naman ang nasugatan nang matupok ng apoy ang isang squatters area sa Quezon City kaninang umaga (Abril 30).
Ang sunog sa squatters area sa Sitio Militar, Barangay Bahay Toro, Project 8 ay nagsimula dakong 9:25 a.m.
Umabot ang sunog sa Task Force Bravo bago pa ito naapula ng mga bumbero.
Sinabi ni Superintendent Jesus Fernandez, Quezon City fire chief, na may 100 kabahayan ang natupok ng sunog.
Tatlo aniyang katao ang iniulat na nasaktan.
Aabot sa P2.5 milyon ang naging abo na mga ari-arian.