IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Leila De Lima sa NBI na palakasin ang manhunt kay dating police Superintendent Cezar Mancao na ngayon ay itinuturing nang pugante matapos manindigan na hindi siya susuko.
Una nang kinumbinsi ng kalihim si Mancao na sumuko sa kanya kanina.
Sinabihan pa ni De Lima ang dating police officer na bibigyan ng proteksyon hinggil sa banta sa kanyang buhay.
Kinumbinsi rin ni De Lima si Mancao na maghain ng motion for reconsideration sa Manila RTC kaugnay sa kautusan na siya ay ilipat sa Manila City Jail.
Si Mancao ay isa sa mga respondent sa Dacer-Corbito double murder case.