NAGTAMO ng mga sugat ang suspendidong alkalde ng Victoria, Northern Samar at anak nito makaraang pagbabarilin sa kanilang mismong bahay sa Brgy. Poblacion I, Victoria, Northern Samar kagabi.
Bandang alas-8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril kung saan sinadyang inabangan ng dalawang suspek sa kanilang bahay ang mag-ama na sina Mayor Jose Ardales at anak nitong si George, kapwa ginagamot na sa Catarman Doctors Hospital.
Armado ng M16 armalite rifle ang mga suspek na kapwa hawak na ngayon ng awtoridad at sumasailalim sa imbestigasyon.