Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Akusasyon ni AKB Rep. Alfredo Garbin vs NPA, pinabulaanan

$
0
0

PINABULAANAN ng Santos Binamera Command-New People’s Army ang akusasyon ni Ako-Bikol Representative Alfredo Garbin na diumano ay hinaras siya ng mga kasapi ng rebeldeng grupo

Sa isang interview sa lokal na midya, tahasang inakusahan ni Rep. Garbin na NPAang may gawa sa kanya ng diumano’y harassment. Batay sa kanyang pahayag, may 2 di-kilalang lalaking nakasakay sa motorsiklo na pumarada sa harap ng kanyang bahay sa Legazpi City nitong Mayo 2, 2013 na kaduda-duda ang itsura at wala pang plaka ang motor na sasakyan. Binanggit din ni Rep. Garbin na hindi niya hinarap ang mga lalaki at pinagdudahan niyang armado ang mga ito. Diumano’y sinundan pa siya ng mga lalaki pagpunta niya sa isang mall.

Ayon kay Florante Orobia,tagapagsalita ng komand, “walang yunit ang NPA na nasa erya ng Legazpi City noong Mayo 2, 2013 at higit sa lahat, labag sa disiplinadong panuntunan at hindi gawain ng NPA ang panghaharas ng sinumang indibidwal o entidad na sibilyan.

Sinabi ni  Orobia na walang kinalaman ang NPA sa diumano’y harassment kay Rep. Garbin. Malaking katanungan lamang sa bahagi ng grupo ay kung bakit agad-agad at halos tiyak-na-tiyak na itinuturo ni Rep. Garbin ang BHB bilang may gawa ng harassment laban sa kanya gayong sa mismong pagdedetalye niya sa nangyari ay malabong matukoy niya ang identidad na nang-haras sa kanya, kung ang mga ito nga ay armado at lalong-lalo nang malayong magkaroon siya ng kongklusyon na BHB ang sangkot.

“Inililinaw ng SBC laluna kay Rep. Garbin, na hindi ang mamamayang sibilyan at tanging mga military targets lamang ang pinopukusan ng anumang tipo ng gawaing militar ng NPA,” ayon sa pahayag ng grupo.

Ayon sa grupo ang sinumang mamamayan ay malayang makipagtalastasan sa anumang yunit ng BHB upang magtanong, magklaro at makipagpaliwanagan at walang dahilang matakot sa BHB at sa rebolusyonaryong hustisya kung wala silang krimen laban sa Rebolusyonaryong Kilusan at laban sa mamamayan.

Sinabi ni Orobia na posibleng gimik lamang ito sa pangangampanya ng AKB dahil sa napakababang ratings nito sa surveys.

Aniya, lantad na ang AKB bilang isang party list ng mayayamang kontraktor at ng mga milyunaryo.Nalalantad ang AKB  bilang kasabwat ng AFP sa kampanya nito sa pagpapakalat ng paninira sa  NPA.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>