NANINDIGAN si Colonel Cesar Mancao na walang siyang kasabwat sa kanyang pagtakas noong Huwebes ng madaling araw sa National Bureau of Investigation (NBI).
Umapela rin si Mancao na huwag ng idamay ang mga gwardiyang nakaduty nang ito ay tumakas dahil wala silang kinalaman dito.
Inamin ni Mancao na pinalitan niya ang kandado at susi na hawak ng mga guradiya kaya ito nakatakas.
Ayon kay Atty. Reynaldo Esmeralda, NBI Deputy Director for Intelligence Services, posible hindi nagsisinungaling si Mancao sa pagsasabing walang siyang kasabwat at pinalitan nito ang mga kandato at susing hawak ng mga gwardya.
“That’s possible also dahil consistent naman sa nangyari at makikita naman natin very clear sa CCTV footage natin,” ayon kay Esmeralda.
Gayunman, idadaan pa rin ni Esmeralda sa pagsusuri ang mga kandado.