Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Magtiya nagtagaan dahil sa lupa, kapwa tigbak

$
0
0

KAPWA natigbak sa duwelo ang isang magtiyahin nang magtagaan gamit ang kanilang machete dahil sa away sa lupa sa Davao del Sur.

Dead on the spot dahil sa taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Esterlita Tumunas, 44, ng Sitio Malipayon, Barangay Managa.

Ilang sandali naman matapos tumakas, biglang bumulagta si Jeffrey Tumunas, 23, 60 metro ang layo sa lugar ng pinangyarihan dahil sa taga sa dibdib at tiyan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:30 nitong Huwebes ng umaga sa loob ng bahay ni Esterlita.

Ayon kay Senior Inspector Jeffrey Latayada, hepe ng pulisya sa lugar, bago ang pangyayari ay sinugod ni Jeffrey ang kanyang tiyahin para komprontahin hinggil sa parte ng lupa na kanilang pinag-aawayan.

Nang hindi magkaayos, idinaan ng magtiyahin sa duwelo ng machete ang kanilang pag-aaway.

Tinaga agad ni Jeffrey ang kanyang tiyahin na gumanti rin ng taga pero naunang tumimbuwang habang biglang bumagsak naman sa basketball court ang mas batang Tumunas.

Kapwa narekober ang dalawang machete na ginamit ng dalawa sa krimen.

The post Magtiya nagtagaan dahil sa lupa, kapwa tigbak appeared first on Remate.


Dalaga kritikal sa saksak ng dalagita

$
0
0

KRITIKAL ang isang dalaga matapos pasukin at pagsasaksakin ng dalagitang anak ng may-ari ng inuupahan na kuwarto ng una sa Caloocan City Biyernes ng madaling araw, Enero 3.

Inoobserbahan sa Tala Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Shiela Ann Cayaban, 27, empleyada ng Matatag st., Pangarap Village ng lungsod.

Nadakip naman si Cylpia Ashley Marinda, 16 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-12:45 ng madaling araw, natutulog ang biktima sa inuupahang kuwarto sa nasabing lugar nang pasukin at pagsasaksakin ng suspek.

Dahil sa kalabugan ay nakatawag ng pansin sa mga kasama sa bahay na naging dahilan upang dalhin ang biktima habang nadakip ang suspek ng mga tanod.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng suspek sa pananaksak sa biktima.

The post Dalaga kritikal sa saksak ng dalagita appeared first on Remate.

Bagets na nagpumilit umuwi, tepok sa malakas na agos

$
0
0

PATAY ang isang binatilyo nang tangayin ng malakas na agos matapos malunod makaraang magpumilit na umuwi sa kanilang bahay sa Brgy. Panipiason, Madalag, Aklan.

Kinilala ng awtoriad ang biktima na si  John Mark Rata, ng naturang lugar.

Sa report, nagkayayaan ang biktima at ang kanyang pinsan na tumawid sa ilog upang makauwi kahit na tumataas at lumalakas ang agos ng tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Nang marating ang kalagitnaan ng ilog ay tinangay ng agos ang dalawa ngunit masuwerteng nakaligtas ang kanyang pinsan pero ang biktima ay tuloy-tuloy na pumailalim sa ilog.

Makalipas ang halos tatlong oras ay narekober ng mga rescuer at ilang opisyal ng barangay ang katawan ng biktima.

The post Bagets na nagpumilit umuwi, tepok sa malakas na agos appeared first on Remate.

Rider, patay sa sagasa ng dump truck sa QC

$
0
0

PATAY ang isang lalaking naka-motor matapos masagasaan ng dump truck sa Quezon Avenue, Quezon City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Renee Boy Aquino, ng Barangay Bago Bantay, Quezon City pero tubong Ilocos Sur. Napisak ang mukha ng biktima matapos madaanan ng dump truck.Kwento ng nakakita, nawalan ng balanse ang biktima at nahulog sa motorsiklo nang biglang masagasaan ng paparating na trak.

Agad ding nahuli ng pulisya ang driver ng trak na si Joseph Caponpon.

Posibleng kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang drayber ng trak.

The post Rider, patay sa sagasa ng dump truck sa QC appeared first on Remate.

14 patay sa pagguho ng gusali sa India

$
0
0

UMAABOT sa 14 katao ang namatay sa pagguho ng isang gusali sa seaside tourist resort sa Goa, India.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga nasawi ay construction workers.
Ayon kay Sainath Kmorpant ng Doa police, inisyal na bilang pa lang ang kanilang hawak dahil nagsasagawa pa ng berepikasyon kung may mga naipit pa sa loob ng building.
Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw ang sanhi ng pagbagsak ng limang palapag na gusali.

The post 14 patay sa pagguho ng gusali sa India appeared first on Remate.

In-unfriend sa FB: Dalagita, sinabuyan ng kumukulong tubig sa mukha ng binatilyo

$
0
0

SUNOG ang mukha ng isang dalagita sa India matapos sabuyan ng kumukulong tubig ng isang binatilyo na kanyang in-unfriend sa social networking site na Facebook.

Ayon sa pulisya, tumungo sa tahanan ng dalagita sa estado ng Bihar ang suspek na binatilyo at sinabing naiwan nito ang kanyang ID.

Tinabig nito ang ina ng biktima at binuhusan ng mainit na tubig ang mukha ng dalagita.

Batay sa report, 20 porsiyento ng mukha ng biktima ang nasunog.

Sinabi ng biktima na tumutungo sa bahay nila ang lalaki dahil ang kanyang ama ay isang guro.

Nagpadala ng friend request sa kanya sa social networking site na Facebook ang suspek na kanya namang tinanggap.

Subalit nitong mga nakaraang buwan ay umaabuso na raw ang suspek kaya kanyang in-unfriend.

Noong nakaraang Oktubre, isang 17-anyos na dalagita sa India ang nag-suicide matapos pagbawalan ng kanyang mga magulang na mag-Facebook.

The post In-unfriend sa FB: Dalagita, sinabuyan ng kumukulong tubig sa mukha ng binatilyo appeared first on Remate.

Away trapiko sa Pangasinan, driver napatay

$
0
0

NAPATAY ang isang driver matapos barilin ng kapwa driver na nag-away dahil sa trapiko sa Pangasinan,

Sa ulat, napatay ang driver ng Solid North Bus na si Joseph Villacorta, ng Barangay Camantilis, Urdaneta at drayber ng Solid North bus.

Kinilala ang suspek na si Frederick dela Cruz matapos magkasagian ang kanilang sasakyan habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Carmen, Rosales, sa Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa boundary ng Rosales at San Manuel, Tarlac.

Dahil sa insidente, nagdulot ng tensyon at pagsisikip sa trapiko ang pangyayari.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon habang nasa kustodiya ng pulisya ang nasabing driver ng pick up.

The post Away trapiko sa Pangasinan, driver napatay appeared first on Remate.

2 lalaki, timbog sa bitbit na granada sa Pasay

$
0
0

ISINAILALIM na ngayon ng PNP-HPG sa interogasyon ang dalawang suspek na naaresto sa bitbit na mga granada sa Arnaiz Avenue at Zamora Street sa Pasay.

Sa ulat ng mga awtoridad, nakuha mula kay Reynan Lucas at Patricia Abela na may-ari ng itim na Honda Civic (XMY 385) ang dalang granada.

Nadakip ang mga suspek matapos na binaril ng mga awtoridad ang gulong ng sasakyan nang tangkain nitong takasan ang mga sumisitang awtoridad.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa mga suspek na dinala na rin sa Camp Crame.

Dahil sa insidente, tumagal ng ilang minuto ang tensyon na kaagad ding kinordon ng mga pulis ang lugar.

The post 2 lalaki, timbog sa bitbit na granada sa Pasay appeared first on Remate.


Balikbayan tinigbak ng ka-Facebook

$
0
0

PALAISIPAN ngayon sa pulisya ang pagkamatay ng isang babaeng balikbayan na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City kaninang umaga, Enero 5.

Hindi malaman pa kung ano ang ikinamatay ng biktimang si Ruth Doepker, 50, balikbayan mula sa Guam, USA dahil habang isinulat ang balitang ito ay isinasailalim pa sa awtopsiya ang kanyang bangkay.

Bagama’t nangangapa pa, bumuo na agad ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ng police tracker team para hanapin ang kinaroroonan ng isang nagngangalang Dids, na ayon sa mga kapitbahay ay siyang huling nakitang kasama ng biktima sa kanyang bahay bago ito natagpuang patay.

Inilarawan ang suspek na matangkad, kayumanggi at maraming tattoo sa katawan at nakilala lamang ng biktima sa isang social networking.

Ayon sa boarders ng biktima, bago ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima ay napansin nilang may apat na araw nang hindi lumalabas ng kuwarto ang babae simula nitong pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi naman ng mga kamag-anak ng biktima, na kinatok na nila ang kuwarto ni Ruth ala-7:30 kaninang umaga subalit hindi ito tumutugon kaya sinira na nila ang pintuan at tumambad sa kanila ang bangkay nito.

Ayon pa sa kaanak ni Doepker, nawawala rin ang ilang gamit nito kabilang na ang samurai na nakatago sa aparador ng biktima.

Dahil sa nakalap na mga ebidensya at hindi rin makita pa si Dids, naniniwala ang kamag-anak ni Doepker na  may kinalaman ang misteryosong lalaki sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

The post Balikbayan tinigbak ng ka-Facebook appeared first on Remate.

Mag-amang Canadian swak sa manhole sa Boracay

$
0
0

IMBES makapagbakasyon ng masarap, sa pagamutan pinulot ang mag-amang Canadian national nang mahulog sa ginagawang manhole sa Isla ng Boracay kaninang umaga, Enero 5.

Bilang tugon naman ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ini-refer naman agad ang reklamo ng mag-amang Shaun Gray, 28, at ang na si Ashley Gray, 3, kapwa pansamantalang naninirahan sa Barangay Balabag sa isla sa Tourism Infrastracture and Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa kaukulang disposisyon.

Base sa ulat ng  BTAC, naganap ang insidente alas-8:45 ng umaga sa Access Road ng Isla ng Boracay.

Bago ito, naglalakad si Gray karga ang anak sa nabanggit na lugar nang hindi mapansin ang open  manhole na inaayos ng TIEZA ang drainage system.

The post Mag-amang Canadian swak sa manhole sa Boracay appeared first on Remate.

Kuliglig sinuwag ng bus, 4 kritikal

$
0
0

KRITIKAL sa aksidente ang tatlong miyembro ng pamilya at isa pang kamag-anak nang suwagin ng pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang kuliglig sa Isabela kaninang madaling araw.

Nagtamo ng iba’t ibang kapansanan sa ulo at katawan at ginagamot na sa pagamutan ang mga biktimang sina Prudencio Alcantara Sr, Prudencio Jr., Juler Alcantara, misis ni Prudencio Sr. at ang kanilang kamag-anak na si Juanito Rivera, pawang residente ng Barangay Gayong, Cordon, Isabela.

Imbes naman dalhin sa pagamutan ang mga biktima, tumakas ang bus driver na si Richard Cabanilla, 37, ng Barangay Arellano, Quezon, Isabela.

Pero nasabat si Cabanilla sa isang police check point habang itinatakas ang kanyang minamanehong Florida Bus Line (TXN-709).

Naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling araw sa kahabaan ng Barangay Tarinsing, Cordon sa Isabela.

Ayon sa Cordon-Philippine National Police, papuntang Norte ang mga biktima nang biglang araruhin ng nasabing bus na nasa kabilang kalsada o kasalubong ng naturang kuliglig.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima kaya nagtamo ng malulubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

The post Kuliglig sinuwag ng bus, 4 kritikal appeared first on Remate.

16-anyos anak ng kumpare pinitas ng construction worker

$
0
0

GINAPANG at tuluyang nakuha ang pagkabirhen ng 16-anyos na dalagita ng construction worker na kumpare ng kanyang ama makaraang pasukin ito ng suspek sa kanyang silid habang natutulog kaninang madaling-araw sa Taguig City.

Personal na nagtungo sa himpilan ng Taguig City police ang biktima na itinago sa pangalang “Christina”, 4th year high school student, residente ng Lower Bicutan, Taguig City, kasama ang kanyang pamilya upang ireklamo ng panghahalay ng suspek na nakilalang si Ricky Santiago na agad tumakas matapos isagawa ang nabatid na insidente.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nagtungo ang suspek sa bahay ng ama ng biktima upang magbuhos ng sama ng loob sa kanyang asawa matapos ang kanilang pag-aaway.

Niyaya ng suspek ang ama ng biktima na uminom ng alak at nang malasing ay nakiusap na doon na siya matutulog upang palipasin ang sama ng kanyang loob.

Dahil magkaibigan at magkumpare, nagtiwala ang ama ng biktima na patulugin sa kanilang bahay ang suspek subalit habang mahimbing na ang tulog ng pamilya, ginapang na ng suspek ang dalagita sa loob ng kanyang silid.

Sa pahayag ng biktima sa pulisya, tinakot at pinagbantaan siyang papatayin ng suspek, pati na ang kanyang pamilya sa oras na gumawa ng ingay kaya’t naisakatuparan nito ang panghahalay. Tumakas ang suspek matapos ang ginawang krimen.

Samantala, agad na iniutos ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis sa kanyang mga tauhan ang manhunt operation laban sa nakatakas na suspek.

The post 16-anyos anak ng kumpare pinitas ng construction worker appeared first on Remate.

Gilas Pilipinas, 2013 Athlete of the Year

$
0
0

PINILI  bilang 2013 Athlete of the Year ang Philippine national basketball team o mas popular sa tawag na “Gilas Pilipinas” dahil sa ipinakitang determinasyon at lakas ng loob sa mga nakaraang laban.

 Mula sa malalaking pangalan sa larangan ng isports na nagbigay karangalan sa bansa, mas pinili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Team Pilipinas ni head caoch Chot Reyes.
Kinapos man sa pinakaaasam na ginto sa nakalipas na FIBA-Asia Men’s Championship, ibinulsa naman ang silver medal ng Gilas-Pilipinas para sa sambayanang Pilipino.
Nangangahulugang maglalaro ang Gilas sa 2014 FIBA-World Cup sa Spain at kauna-unahan sa Pilipinas matapos ang halos 40 taon.
Magsisilbi namang guest of honor at speaker sa PSA Awards si eight division world champion Manny Pacquiao na gagawin sa Enero 25.

The post Gilas Pilipinas, 2013 Athlete of the Year appeared first on Remate.

3 sugatan sa nang-hostage na adik

$
0
0

TATLO ang sugatan kabilang ang 8-buwan na baby matapos i-hostage ng isang lulong sa droga sa Quezon City kaninang umaga.

Nabatid na alas-6 ng umaga kanina nang magtungo ang suspek na si Jerry Lou, 22,  sa bahay ng kanyang tiyahin na si Jocelyn sa Bgy. Sta. Teresita saka inutusan ang kanyang pinsan na si John Carlo na bumili sa tindahan.

Pero pagbalik ni John Carlo at kulang ang binili ayon na rin sa utos ng suspek ay nagalit ito at kumuha ng patalim.

Agad na hinostage ang kanyang ina, tiyahin, pinsan na sina John Carlo at 8-buwan  na baby.

Sa una ay humiling ang suspek na makausap ang isang tomboy na kinilala sa pangalang Jack pero nang hindi mahagilap ay nahimok ang suspek ng mga pulis na ang tatay na lang nito ang kausapin sa cellphone.

Nang buksan ng suspek ang gate para kunin ang telepono sa negosyador na pulis ay dito na siya dinkma ng awtoridad.

Lumalabas na may problema sa pamilya ang suspek at madalas umanong pagalitan ng mga magulang dahil sa pagkakulong sa ilegal na droga.

The post 3 sugatan sa nang-hostage na adik appeared first on Remate.

200 pasaway na pulis iuumang sa Pista ng Quiapo

$
0
0

MAHIGIT 2,000 pulis, kabilang ang 200 pasaway na parak ang ilalagay ng NCRPO para magbantay sa seguridad ng Pista ng Quiapo.

Nabatid na Miyerkules pa lang ay ilalatag na ang nasabing mga pulis para sa Pista ng Nazareno sa Huwebes, Enero 9.

Kabilang sa nasabing puwersa ang 200 parak na sumailalim na sa refresher course makaraang maharap sa kasong administratibo at makitaan ng hindi maayos na personalidad sa pagkakaroon ng mahahabang balbas, malaking tiyan at maruming pananamit.

The post 200 pasaway na pulis iuumang sa Pista ng Quiapo appeared first on Remate.


PCG member patay, 6-anyos anak sugatan sa ambush

$
0
0

PATAY ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) habang sugatan naman ang 6-anyos niyang anak matapos pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang pababa sa kanilang sasakyan kagabi sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Abdurasid Iskan, nakatalaga sa K9 unit sa Basilan at residente ng Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.

Nauna rito, pababa ang biktima sa kanilang Toyota Fortuner kasama ang anak  na si Cara upang magdasal sa isang mosque sa Barangay Tetuan nang paulanan sila ng bala ng di nakilalang suspek.

Masuwerte namang sa braso lamang tinamaan ang bata subalit binawian ng buhay si Abdurasid dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

The post PCG member patay, 6-anyos anak sugatan sa ambush appeared first on Remate.

Ina pinagsasaksak ng durugistang anak

$
0
0

SWAK sa rehas ang isang durugistang anak matapos pagsasaksakin ang sariling ina sa loob ng kanilang  bahay sa Brgy. Maysilo, Malabon City.

Kinasuhan ng frustrated parricide sa piskalya ang suspek na si Dennis Medina, 28, ng Angela St., Maysilo, naturang lungsod.

Inoobserbahan naman sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital ang biktimang si Nelia Medina, 63, sanhi ng mga saksak sa mukha at braso.

Sa imbestigasyon, alas-10:35 ng umaga nitong Sabado nang maganap ang insidente  sa loob ng kanilang bahay.

Lango sa ipinagbabawal na gamot ang suspek nang komprontahin ang kanyang nanay sa balitang ipapakulong siya nito.

Hindi pa man nagsasalita ang ina ay kumuha na ng gunting ang suspek at limang ulit na sinaksak ang kanyang ina.

The post Ina pinagsasaksak ng durugistang anak appeared first on Remate.

Hip-Hop pinagbabaril sa QC patay

$
0
0

ISANG tama ng bala ng baril sa dibdib at ulo ang tumapos sa buhay ng isang hip-hop matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Quezon City kaninang madaling-araw, Enero 6.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Jon-Jon”, nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng grey na t-shirt, black and white na shorts, medyo kulot ang buhok, payat ang pangangatawan at mayroong tattoo ng Sputnik sa katawan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente ala- 1:00 ng madaling-araw malapit sa Commonwealth Market, QC.

Nabatid sa security guard na si Allan Abiera, nakarinig siya ng ilang ulit na putok ng baril.

Nang kanyang tingnan ay nakita na lamang niya ang isang lalaki na nakabulagta at mayroong tama ng bala sa dibdib at ulo dahilan kung kaya humingi siya ng tulong sa awtoridad.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

The post Hip-Hop pinagbabaril sa QC patay appeared first on Remate.

2 patay sa nasunog na bus sa Urdaneta

$
0
0

WALA na ang planong pagpapakasal sa kanyang kasintahan ng isang driver ng motorsiklong sumalpok sa Partas bus habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Anonas, Urdaneta kaninang madaling-araw, Enero 6.

Ayon sa salaysay ni Carlota Toribio, kapatid ng namatay driver ng motorsiklo na si Joseph Iban, seaman at residente ng barangay Ballige, Laoac, Pangasinan, nagbakasyon lamang ito sa Pilipinas upang pakasalan ang kanyang nobya.

Dahil sa pangyayari ay labis ang hinagpis ng kasintahan nito na matagal na panahon ding naghintay sa nobyo.

Samantala, kinilala na rin ang isa pang namatay sa malagim na aksidente na si Julius Pulido, 23, habang kritikal sa ospital ang isa pang angkas ng motorsiklo na si John Lyndon Ordonez, 18.

Ayon kay Insp. Benny Centino ng Urdaneta City PNP, ang Partas bus na may 49 pasahero ay galing sa Candon, Ilocos Sur at patungo sana sa Pasay City.

Lumalabas na lango sa alak ang driver ng motorsiklo dahil pasirko-sirko ang pagtakbo ng kanilang sasakyan na nagresulta sa pagbangga nila sa kasalubong na bus na minamaneho ni Juanito Zalasar, 35, ng Bangar, La Union.

Sinasabing pumutok ang makina ng motor na nagdulot ng sunog at pagliyab ng bus kung saan walang nailigtas na gamit ang mga pasahero na mabilis namang nakababa ng sasakyan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus.

The post 2 patay sa nasunog na bus sa Urdaneta appeared first on Remate.

Lola dedo sa trak sa Iriga City

$
0
0

DEAD-ON THE SPOT ang isang matanda matapos mabundol ng truck sa pagitan ng bayan ng Buhi at Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Natividad Raciles, 66.

Galing ito sa senior citizen meeting kasama ang ilan pang matanda nang mabundol ng isang truck na minamaneho ni Elvis Naron.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na habang binabaybay ni Naron ang tulay sa naturang lugar, bigla itong huminto upang magbigay daan sa kasalubong na mga tricycle sa one-way lane.

Subalit hindi napaghandaan ng pampasaherong jeep ang biglang paghinto ni Naron kung kaya nabundol ng jeep na minamaneho naman ni Edgar Ravino ang hulihang bahagi ng truck.

Sa lakas ng pagkakabundol ay umusog ang truck at nahagip ang matanda na nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan.

Sa ngayon, nakatakdang sampahan ng karampatang kaso ang dalawang driver.

The post Lola dedo sa trak sa Iriga City appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>