Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Mag-asawang negosyante tinangayan ng P4-M ng Customs agents

$
0
0

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang pulisya laban sa grupo ng kalalakihan na nagpakilalang ahente ng Bureau of Customs at nakapagtangay ng mahigit P4 milyon halaga ng cellular phones at cash sa mag-asawang negosyante noong nakaraang linggo sa Pasay City.

Kanina lamang nakumpleto ng Pasay police ang imbestigasyon sa reklamo ng mag-asawang Lovely Choi, 33 at Evan Choi, ng 2 Barangay Capitol Hills, Quezon City na natangayan ng may 80 piraso ng bagong iphone 5s, P300,000 cash at dalawang ATM card ng mga nagpakilalalang ahente ng BOC.

Ayon kay Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, nakipagtransaksiyon sa mag-asawa ang isang Leah Larayna para sa pagbili ng mga bagong cellular phone at itinakda ang kanilang pagkikita sa lobby ng SM Sea Residences Condominium sa Macapagal Blvd. alas-6 ng gabi.

Gayunman, nang dumating sa lugar ang mag-asawa, nakausap nila sa cellphone si Larayna at sinabing ang kanyang asawa ang magtutungo sa lugar dahil nasa bangko pa siya at nagwi-withdraw ng pera.

Ilang sandali pa’y dumating ang isang lalaki na nagpakilalang asawa ni Larayna at tinanong kung dala na ng mag-asawa ang bibilhing cellular phone para mabayaran na niya ng cash.

Nang matiyak na dala na ng mag-asawa ang mga bagong iphone 5s, bumalik sa kotse ang lalaki upang kunin ang pambayad subalit nang magbalik ay may kasama ng tatlo pang kalalakihan na nagpakilalang ahente ng BOC at kinumpiska ang tatlong bag ng mag-asawa na naglalaman ng cellular phones, cash at kanilang ATM cards.

Hindi pa nasiyahan ay kinaladkad ng mga suspek ang ginang patungo sa nakaparadang Nissan Altera na may conduction sticker ng KD 1493 habang nagawa namang makatakas ni Evan.

Habang nasa kahabaan ng Coastal Road sa Parañaque City, hinihingan pa ng mga suspek ang ginang ng kalahating milyon kapalit ng hindi nila paghahain ng kasong smuggling na walang kaukulang piyansa.

Nagmakaawa ang ginang hanggang sa ibaba siya ng mga suspek sa tapat ng Bamboo Organ sa Las Pinas City hanggang sa makahingi siya ng tulong sa mga pulis.

The post Mag-asawang negosyante tinangayan ng P4-M ng Customs agents appeared first on Remate.


2 pumatay at naglibing ng kainuman, sumuko

$
0
0

KAPWA sumuko sa awtoridad ang dalawang magkaibigan na pumatay at naglibing sa kanilang kainuman noong nakaraang taon sa Camarines Norte.

Binagabag na kasi ng kanilang konsiyensya kaya sumuko na lamang ang magkaibigan na sina Fernando Bermejo, 52 at Bayani Orteza, 63, ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa salaysay ni Bermejo, sinabi nitong nagkainitan sila ng biktimang si Daniel Encinas, 52, noong gabi ng Disyembre kaya pinatay niya ito.

Sa tulong naman ni Orteza, nailibing nila ang biktima sa isang masukal na lugar sa nasabi ring barangay.

Pero sa tuwing gabi matapos ilatag ang krimen ay inamin ni Bermejo at ni Orteza na napakababaw lamang ng kanilang pagtulog dahil binabagabag sila ng konsyensya.

Kaya napagdesisyunan ng magkaibigan na isuko ang kanilang sarili sa opisyal ng barangay.

Itinuro na rin ng dalawa ang lugar na pinaglibingan kay Encinas.

The post 2 pumatay at naglibing ng kainuman, sumuko appeared first on Remate.

Kelot na naka-brief kung mangnakaw timbog

$
0
0

NASAKOTE ang lalaking naka-brief lamang kung magnakaw sa bahay na kanyang lolooban sana sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kakaibang estilo ng pagnanakaw ang nadiskubre sa suspek na si Jeff Velasco sa bahay ng negosyanteng Lorenzo Policarpio, na naka-boxer brief lamang.

Nilimas ni Velasco ang lahat ng alahas at pera ni Policarpio na nagkakahalaga ng P800,000.

Kaagad na tumalon sa talahiban ang suspek at pumara ng tricycle.

Ngunit napansin ng driver ng tricyle na may dala-dalang ninakaw si Velasco kaya pinaikot-ikot ang kaniyang sasakyan hanggang sa makarating sila sa guwardiya ng subdibisyon.

Nakasuot na ng damit at may shorts na si Velasco nang isuko sa mga pulis.

The post Kelot na naka-brief kung mangnakaw timbog appeared first on Remate.

2-anyos patay sa tigdas sa Caloocan

$
0
0

ISA na namang bata ang binawian ng buhay dahil sa tigdas sa Caloocan City.

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Ruel Gundran ng Barangay 139, noong Disyembre 29, 2013, dinala niya ang kanyang anak na si Rodgene sa Caloocan Medical Center matapos lagnatin subalit dahil sa madami ang mga pasyente ay inuwi na lang muna nila ang bata.

Makalipas ang ilang araw ay lumabas ang sintomas na may tigdas ang bata na naging dahilan upang dalhin sa Manila Central University Hospital subalit hindi na naagapan dahil sa dehydration.

Lumalabas na isa ang lungsod na kasama sa “out-break” ng tigdas kung saan nabatid na noong nakaraan taon ay magkasunod na namatay ang isang magkapatid dahil din sa nasabing sakit.

Pinapayuhan naman ng Caloocan City Health Deapartment na huwag balewalain ang tigdas at agad na patingnan sa doktor kung may sintomas ang tatamaan ng nasabing sakit.

 

The post 2-anyos patay sa tigdas sa Caloocan appeared first on Remate.

3 patay sa aksidente sa NLEX

$
0
0

DEAD-ON THE SPOT ang tatlo katao makaraang mabangga ng kanilang sinasakyang van ang nakaparadang trak sa bahagi ng NLEX, sa Sta. Maria, Bulacan kaninang alas-6 ng umaga.

Nabatid na sakay ng Mitsubishi L-300 van (TKY 159) na minamaneho ni Juanito Ibañez sina Cynthia Medina, 49, Consuelo Repollo at Albert Manalili nang mabangga sa nakaparadang trak ni Erick Faktol, sa Bgy. Ligas.

Nasugatan naman sa aksidente si Ibanez, habang nasa presinto na si Faktol.

Nabatid na pauwi na ng Maynila ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

The post 3 patay sa aksidente sa NLEX appeared first on Remate.

Pangalan ng ’3 Hari’ di matukoy: 2 senglot nagduwelo, 1 tigok

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang makipagduwelo sa kanyang kainuman dahil sa ‘di pagkakaunawaan sa pangalan ng Tatlong Haring Mago na dumalaw kay Panginoong Hesu-Kristo sa sabsaban.

Agad namatay si Silverio Banggot, 40, makaraang mapuruhan ng bala sa maselang bahagi ng katawan, habang kinilala ang suspek na si Melanio Polas, pawang ng Purok 1, Brgy. Mabini, Santiago City.

Sa pagsisiyasat, nag-inuman sina Banggot at Polas nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa pagkakilanlan ng tatlong haring mago na dumalaw at nag-alay ng mga regalo kay Hesu-Kristo sa sabsaban.

Ang pagtatalo ay nauwi sa suntukan nang sabihin ni Banggot na sina Gomez, Burgos at Zamora (GomBurZa) ang mga ito hanggang bumunot ang isa’t isa ng dala nilang baril at nagduwelo.

Masuwerteng hindi tinamaan si Polas samantalang tinamaan sa dibdib si Banggot na kanyang ikinamatay.

The post Pangalan ng ’3 Hari’ di matukoy: 2 senglot nagduwelo, 1 tigok appeared first on Remate.

Dalagita ginahasa na, hiniwa pa ang dila

$
0
0

KAAWA-AWA ang kalagayan ng isang dalagita na ginahasa na ay hiniwa pa ang dila subalit masuwerteng nabuhay.

Naisugod sa ospital ang dalagita sa La Union matapos matagpuan sa kakahuyan na duguan dahil sa nahiwang dila at bibig sa Sitio Nalvo Barangay Dagop, Bagulin, nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Ruben Agsaullio, Lion minister sa bayan, habang pababa siya sa kakahuyan ay nakita niya ang 13-anyos na dalagita, ng La Trinidad Benguet na duguan ang mukha, may pasa sa braso at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inakala ni Agsaullio na may sira sa ulo ang babae ngunit nagulat siya nang humingi ito ng saklolo dahil hirap itong huminga at nauuhaw na.

Dahil dito, agad nagpasaklolo si Agsaullio sa barangay at sa pamamagitan ng duyan ay binuhat nila ang nanghihinang dalagita at dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union.

Sa salaysay ng biktima, may mga lalaking nagyaya sa kanya na mamitas ng bulaklak ngunit hindi na niya maalala matapos suntukin ng ilang beses ang kanyang sikmura hanggang sa mawalan siya ng malay.

Napag-alaman din na isang lumang model na puting van ang nakita sa lugar bago natagpuan ang biktima.

Kagabi rin ay agad inilipat sa pribadong ospital sa lungsod ang dalagita upang operahan dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

The post Dalagita ginahasa na, hiniwa pa ang dila appeared first on Remate.

Diesel, kerosene bagsak presyo na

$
0
0

BAGSAK-PRESYO na ngayong araw ang diesel at kerosene.

Sa report, alas-12:01 ng madaling-araw kanina nang tinapyasan ng Shell at SEAOIL ng P0.45 kada litro ang diesel samantalang P0.25 naman ang rollback sa kerosene.
Hindi gumalaw ang presyo ng gasolina.
Nag-rollback din ng parehong halaga sa diesel ang PTT Philippines habang mas malaki ang kaltas ng Eastern Petroleum na P0.60 kada litro.

Alas-6:00 ng umaga kanina nang ang Phoenix Petroleum, Total at Petron naman ang nagbawas-presyong P0.45 kada litro sa diesel at P0.25 kada litro sa kerosene.

Bunsod umano ito ng pagbabago sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

The post Diesel, kerosene bagsak presyo na appeared first on Remate.


Murder suspect na 3-taon nagtago, arestado

$
0
0

ISANG murder suspect na 3 taon nang nagtatago sa batas ang nahulog sa kamay ng mga tauhan ng Malabon warrant section pulis kaninang umaga sa Panghulo Road Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Allan Abrigosa, 40, ng 38 Int. Pilapil Catmon, nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, alas-11:30 ng umaga nang masakote ang suspek sa kanyang pinagtataguan sa nasabing lugar.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang tanggapan ni Malabon pulis chief, Sr. Supt, Severino Abad  hinggil sa paglutang ng suspek sa nasabing lugar.

Inatasan ng opisyal ang kanyang tauhan na pinangunahan ni Chief Insp. Reynaldo Medina bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Zaldy Docena ng Malabon RTC branch 170 at nasakote ang suspek.

Batay sa rekord ng korte, si Abrigosa ay may kasong murder na isinampa ng kamag-anak ng pinatay nito noong March 9, 2011 sa nasabing barangay.

Dahil sa pagkadakip sa suspek, pinasalamatan ng kamag-anak ang pulis na makakamtan na nila ang katarungan.

The post Murder suspect na 3-taon nagtago, arestado appeared first on Remate.

Pera ng kompanya naholdap ng 3 sa Vale

$
0
0

PINAPUTUKAN muna ang unahang gulong at salamin ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang sinasakyan ng tatlong tauhan ng isang kumpanya bago hinoldap ang dalang pera sa Valenzuela City kahapon, Enero 6.

Sa pahayag ni Erlinda Wijangco, empleyada ng RJS Industrial Construction and Development Corporation, alas-4:10 ng hapon, pabalik na sila sa kanilang opisina matapos mag-withdraw ng P149,000 sa bangko at pagsapit sa Kabatuhan st., Centrum Cmpd., sa Mapulang Lupa ay pinaputukan ng mga suspek ang kanilang gulong.

Dahil naplatan ng gulong ay tumigil at salamin naman ng kanilang sasakyan ang dinale ng mga suspek bago nagsilapit at sapilitang kinuha ang bag kung saan nakalagay ang pera.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka kung saan inaalam na kung may naganap na inside-job sa nasabing isidente.

Inaalam na rin ng mga pulis kung sino ang mga suspek.

The post Pera ng kompanya naholdap ng 3 sa Vale appeared first on Remate.

Lotto winner muntik pang maligaw sa Manila

$
0
0

SA takot na mabiktima ng manloloko at masasamang loob sa pagluwas papuntang Metro Manila, kamuntik nang hindi makubra ng 50-anyos na lalaki ang mahigit P43 milyong premyo sa 6/45 Mega Lotto makaraang lumabas ang tinayaan nitong kombinasyon noon pang Disyembre 27 ng nagdaang taon nang maligaw sa kanyang pagtungo sa Manila.

Naglakas loob na lamang na magtungo sa lungsod ang mapalad na nagwagi mula sa Dumaguete City makaraang ipagkatiwala ang kanyang sarili sa Panginoon upang gabayan ito sa kanyang pagluwas kung saan ay dumiretso ito sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City upang kubrahin ang P43,195,580.00 premyo mula sa tinayaang mga numero na 26-27-15-21-29-45 na mula sa petsa ng kaarawan ng kanyang mga anak at kapatid.

Mismong si PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang nagbigay ng premyo sa instant milyonaryo kung saan ay tiniyak pa nito ang kanyang kaligtasan sa loob mismo ng gusali dahil tulad niya ay may mga kababayan din siyang Visaya sa tanggapan, bukod pa sa sapat na bilang ng mga security personnel.

The post Lotto winner muntik pang maligaw sa Manila appeared first on Remate.

9 sinagpang ng asong ulol sa Cebu

$
0
0

SIYAM katao kabilang ang isang buntis ang sinakmal ng gumagalang asong ulol sa Cebu City kaninang umaga, Enero 7.

Inoobserbahan  ngayon sa pagamutan ang kondisyon ang mga biktimang sina Bernadith Inocian, 26, 5 buwang buntis; Norma Inocian, 48; Niño Waga, 4; Estrella Baclohan, 52; Irene Belenia, 33-anyos; Ashley Marie Morsua, 4-anyos; Ryan Arcaya, 16-anyos; Edmund Abada, 22-anyos; at Melvin Arallo, 4-anyos.

Iniutos na agad ng Department of Agriculture (DA) ang pagputol sa ulo ng nasabing nakakagat na aso upang malaman kung mayroon itong rabies.

Ayon naman kay Barangay Malubog Councilor Boy Bulacano, tinurukan na ng anti-rabies ang mga biktima para mapuksa ang rabies sa kanilang katawan.

Lumabas din aniya sa imbestigasyon na positibo sa rabies ang naturang aso kaya ikinababahala ang kondisyon ng mga biktima.

Inaalam din ngayon kung ano ang posibleng epekto ng insidente sa ipinagbubuntis ni Inocian.

Samantala, inako naman ng Department of Health Region-7 ang mga gamot na kakailanganin ng mga biktima.

The post 9 sinagpang ng asong ulol sa Cebu appeared first on Remate.

Pulis, 3 kasama dakip sa pagbatak ng shabu

$
0
0

KASAMANG nadakip ang isang pulis at ang tatlo pang lalaki habang bumabatak ng shabu sa Caloocan City, Martes ng hapon, Enero 7.

Kinilala ang mga suspek na sina PO3 Amador Runez, Jr., 47, nakatalaga sa San Simon Police Station sa Pampanga; Enrique Dizon, 47, kapwa ng Dorotea Road, Balintawak, Quezon City; Rodrigo Cruz, 54 at Aiza Canuto, 25, kapwa ng Heroes Del 96, Caloocan City.

Sa ulat, alas-5 ng hapon, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na ginagawang batakan ng shabu ang bahay ni Cruz sa nasabing lugar.

Nang puntahan ay inabutan ng mga pulis ang mga suspek na bumabatak ng shabu at nakuhanan ng isang sachet ng shabu at mga paraphernalia na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

The post Pulis, 3 kasama dakip sa pagbatak ng shabu appeared first on Remate.

Live wire, pumulupot sa leeg ng paslit, todas

$
0
0

PUMULUPOT sa leeg ng isang paslit ang live wire habang nagkukumpuni ang mga tauhan ng Aklan Electric Cooperative Inc. (AKELCO) kaninang umaga, Enero 9.

Sa takot na makuryente rin, hindi na nailigtas pa sa kamatayan ng kalaro at mga residente ang biktima na nakilalang si Piol Ike Padasas, 3, ng Sitio Bulak, Barangay Palay, Batan, Aklan.

Nakuha na lamang ang bangkay ng biktima mula sa pagpulupot sa kawad nang dumating na sa lugar ang mga tauhan ng AKELCO.

Sa ulat, naganap ang insidente als-9:15 ng umaga sa nasabing barangay.

Bago ito, ang biktima ay naglalaro sa lugar habang nagtatayo naman ng poste ang mga tauhan ng AKELCO nang biglang naputol ang kanilang ikinakabit na mainline wire.

Sa kamalasan, hindi lang nahulugan kundi pumulupot pa sa leeg ng bata ang naputol na live wire.

Inaalam na ngayon  kung ano ang dahilan ng pagkaputol ng mainline ng AKELCO at kung pananagutin ang nasabing kumpanya sa pagkamatay ng biktima.

The post Live wire, pumulupot sa leeg ng paslit, todas appeared first on Remate.

Medico-legal officer ng BuCor, itinumba

$
0
0

PATAY ang isang medico-legal officer ng Bureau of Corrections (BuCor) nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kahapon sa Muntinlupa City.

Dead on arrival sa Alabang Medical Clinic si Dr. Juan Villacorta II, naglilingkod din bilang part-time physician sa naturang pagamutan at residente ng Block 29 Lot 1 Marang St., Camena Spring Ville, Bacoor, Cavite sanhi ng apat na tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sa isinumiteng ulat kay Muntinlupa police chief Senior Supt. Roque Vega, kasama ng biktima ang nurse ng BuCor na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) na si Nayaflor Abe, 41, alas-3:45 ng hapon sa 3N Bakery sa Nestor III Siopao Center, National Road, Brgy. Putatan nang biglang pagbabarilin ng nag-iisang suspek na sumulpot sa kanilang likuran.

Agad na tumakas ang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo matapos pagbabarilin ang biktima.

Ayon kay Muntinlupa Police Criminal Investigation Unit PO3 Marlou Jacob, nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng suspek.

The post Medico-legal officer ng BuCor, itinumba appeared first on Remate.


Problemado sa pamilya nagpatiwakal

$
0
0

HINIHINALANG problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang Korean sa Las Pinas City.

Nalaman lamang sa himpilan ng pulisya ang pagpapatiwakal ni Kim Jin Seok, 45 kahapon makaraang personal na magtungo sa tanggapan ni Las Piñas police chief Senior Supt. Adolfo Samala, Jr., ang kababayan nitong si Jo Jung Kym, 34.

Sa imbestigasyon, alas-8:30 ng umaga nang magtungo si Jo Jung Kym sa bahay ng biktima sa 16A Rosewood St. Phase 2, Casimiro Village upang dalawin ito.

Pero laking gulat ni Kym nang bumulaga ang biktima na nakabitin at wala nang buhay sa loob ng kanyang tirahan, gamit ang plastic straw na ipinulupot sa kanyang leeg habang ang kabilang dulo ay itinali sa kahoy na pinagpapakuan ng kisame.

Napag-alaman na may matagal nang problema sa kanyang pamilya ang dayuhan at dalawang ulit na nitong tinangkang magpakamatay bagama’t napipigilan at naililigtas lamang ng kanyang mga kaibigang Pilipino.

Iniutos na ni Samala kay SPO1 Joren Lorenzo, may hawak ng kaso, na ipabatid sa Korean Embassy ang pagpapakamatay ng biktima.

The post Problemado sa pamilya nagpatiwakal appeared first on Remate.

Bebot natagpuang patay sa tapat ng sariling bahay

$
0
0

PATAY na nang makita ang isang babae na nakasubsob sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay sa Caloocan City Martes ng gabi, Enero 7.

Nakilala ang biktima na si Jennifer Canlilas, 32, ng Doña Ana, Camarin ng lungsod.

Sa pahayag ng pinsan ng biktima na si Marina Alegado, alas-8:52 ng gabi nang makita niya ang biktima na nakasubsob sa tapat ng main door ng kanilang bahay.

Wala nang hininga ang biktima na naging dahilan upang itawag sa pulis kung saan huling nakitang buhay ang biktima ala-1 ng hapon.

Inaalam na ang dahilan ng pagkamatay ng una.

The post Bebot natagpuang patay sa tapat ng sariling bahay appeared first on Remate.

Traffic re-routing bukas inilatag na

$
0
0

NAGPALABAS na ng bagong  traffic re-routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit na ipatutupad sa gagawing traslacion o prusisyon ng Poong Itim na Nazareno bukas .

Eksakto  alas-12:00 ng madaling-araw bukas  ay isasara na ang Katigbak Drive at South Drive na patungo ng Quirino Grandstand.

Ang mga apektadong motorista na manggagaling ng northern part ng Maynila at dadaan ng southbound ng Bonifacio Drive ay maaaring kumaliwa sa Katigbak patungo ng Anda Circle, kanan sa A. Soriano patungong Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos at saka diretso sa Lagusnilad via Taft Avenue.

Maaari namang  kumanan sa Kalaw patungo sa kanilang destinasyon ang mga sasakyan na manggagaling ng southern part ng Maynila na dumadaan sa northbound bound lane ng Roxas Blvd. mula Kalaw hanggang P. Burgos.

Pinayuhan naman ng Traffic Bureau  na gamitin  ng mga motorista  ang Jones o Quezon Bridge patungo sa kanilang destinasyon imbes na dumaan sa McArthur bridge.
At   ang mga  gagamit ng northbound ng Taft Avenue ay pinapayuhan na kumanan sa UN Avenue at kaliwa sa P. Guazon patungo sa destinasyon.

Samantala, umpisa alas-5:00  ng umaga  bukas, isasara na sa trapiko ang southbound lane ng Quezon Blvd sa Quiapo, mula Andalucia hanggang Plaza Miranda.

Isasara rin sa traffic ang Recto, SH Loyola, P. Casal at Carlos Palanca; pati na ang A. Villegas, kanto ng Taft Avenue at Kalaw; kanto ng Taft Avenue at UN Avenue, Maria Orosa, P. Burgos corner Roxas Blvd, TM. Kalaw, Bonifacio Drive at 25th Street; Gen. Luna hanggang A. Soriano sa Rizal Avenue dire-diretso hanggang Recto; Tomas Mapua hanggang Recto; Juan Luna hanggang San Fernando.

Inaabisuhan din ang publiko na asahan na ang mabigat na trapiko sa Maynila dahil sa road blockade at re-routing habang nagpapatuloy ang prusisyon.

The post Traffic re-routing bukas inilatag na appeared first on Remate.

Lalaki tumalon sa 5/flr ng St. Lukes Medical Center, tigok

$
0
0

PATAY ang isang lalaki matapos tumalon sa ika-limang palapag na gusali ng St. Lukes Medical Center sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City kaninang tanghali, Enero 8, 2014.

Ayon kay  PO2 Lucy Paradero ng Quezon City Police District Station 11 Galas, galing ng probinsya si Jose Burdeos, 31, at pinapa-check up lamang sa St. Lukes Medical Center dahil sa karamdaman nito sa pag-iisip nang biglang tumalon dakong 12:10 ng tanghali.
Sinabi sa ulat na kasama ng biktima ang kanyang kapatid na kumuha sa kanya sa probinsya ng Masbate nang maganap ang insidente.
Nabatid na sinubukan pang iligtas ang biktima pero binawian din ng buhay makaraan ang ilang sandali.
Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang naturang  kaso.

The post Lalaki tumalon sa 5/flr ng St. Lukes Medical Center, tigok appeared first on Remate.

Mag-asawa patay sa labis na pag-ibig

$
0
0

KAPWA patay na nang matagpuan ang isang mag-asawa sa Brgy. Tubod, Barili, Cebu kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodelito Georandoy, 45, at Marictel Georandoy, 33, kapwa may tama ng bala ng baril sa sentido.

Sa imbestigasyon, lumalabas na binaril muna ni Rodelito ang misis bago siya nagbaril sa ulo.

Sa pahayag ng nanay ni Marictel, inuwi niya muna kagabi ang mga anak ng mag-asawa makaraang mag-away ang mga ito kagabi.

May ilang kapitbahay naman ang nagsabing ang pinag-aawayan ng mag-asawa ay selos dahil labis umanong mahal ng lalaki ang kanyang misis at ayaw nitong makitang may kasama o kausap na ibang lalaki ang babae.

Ilang sandali pa ay may narinig silang dalawang magskasunod na putok ng baril.

Nang tahimik na ang bahay ng mga biktima ay nagpasya ang kanilang mga kapitbahay na pasukin na at nakitang patay na ang dalawa.

Narekober sa lugar ng krimen ang .45 at 357 na kalibre ng baril na may isang magasin at dalawang live ammunitions.

The post Mag-asawa patay sa labis na pag-ibig appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>