Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

OFW, itinumba sa Isabela City

$
0
0

PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraang barilin ng kanyang nakaalitan sa bar sa Santiago City, Isabela, Linggo ng gabi.

Ayon sa kuha ng CCTV, nasa labas na ng bar ang biktima nang habulin ng suspek at barilin.

Kinilala ang biktima na si Silverio Banggot, Jr., habang ang suspek ay si Melenio Pulas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang pamamaril ay nagkaroon ng alitan ang dalawa sa loob ng isang bar sa nasabing lungsod.

Dito ay sinuntok ng suspek ang biktima na kumuha naman ng bato at binato ang salarin na ang tinamaan ay ang sasakyan ng huli.

Sa galit ay bumunot ng baril si Pulas saka hinabol si Banggot sa labas ng bar at binaril bago tumakas.

The post OFW, itinumba sa Isabela City appeared first on Remate.


3 patay sa away ng 2 pamilya sa Cotabato

$
0
0

PATAY ang tatlo katao nang sumiklab ang away ng dalawang pamilya sa North Cotabato, ayon sa ulat ng awtoridad.

Nabatid na nagkabakbakan ang pamilya nina Barangay Chairman Renz Tucuran at Kumander Abas Kudanding, ng 105th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Lomopog, Midsayap North Cotabato nitong Martes na umabot pa hanggang kagabi.

Dalawa sa mga namatay ay miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) na tauhan ni Kapitan Tucuran na kinilalang sina Daniel Baginer at Anaruddin Sambayan.

Isa rin sa MILF ang binawian ng buhay at dalawa ang nasugatan.

Pitong bahay rin ang nasunog sa insidente.

Agad namang naglagay ng karagdagang puwersa ang militar at pulisya para mangalaga sa seguridad ng mga sibilyan matapos ilang pamilya na ang lumikas sa lugar.

The post 3 patay sa away ng 2 pamilya sa Cotabato appeared first on Remate.

57 pasahero, nailigtas sa nagkaaberyang barko sa Sibugay

$
0
0

NASAKLOLOHAN kaagad ng isang fishing boat ang 57 na sakay ng isang passenger vessel na nagkaaberya sa karagatan sa pagitan ng bayan ng Olutanga at Talusan sa Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Zamboanga Station, nanggaling ang barko sa daungan ng Zamboanga City at papunta sa bayan ng Talusan nang salubungin ng malalakas na hampas ng alon na nagresulta para magkaaberya ang engine nito at pinasok ng tubig-dagat.

Natiyempuhan naman ang pagdaan ng fishing boat ng F/B Century sa lugar at namataan ang papalubog na barko kaya kaagad itong nilapitan at naisalba ng mga crew ang mga sakay nito kabilang ang ilang sanggol.

Isinakay sa fishing boat ang mga naisalbang pasahero at ibinalik sa Zamboanga City.

Walang napaulat na nasugatan sa insidente maliban na lamang sa matinding takot na dinulot sa mga pasahero.

Simula pa nitong nakaraang mga araw, nakararanas na ng sama ng panahon ang malaking bahagi ng Zamboanga Peninsula kaya una na ring pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga biyahero para makaiwas sa anomang sakuna sa karagatan tulad ng nangyari sa naturang passenger vessel.

The post 57 pasahero, nailigtas sa nagkaaberyang barko sa Sibugay appeared first on Remate.

College student, tepok sa aksidente sa motor

$
0
0

BINAWIAN ng buhay ang isang menor de edad nang masangkot sa aksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Legazpi City.

Sa kanyang Facebook page ay patuloy na bumubuhos ang mga mensahe ng pakikiramay sa biktima.

Nabatid na alas-3:45 kaninang madaling-araw, sakay ang civil engineering student na si Jan Sta. Ana sa motorsiklong minamaneho ng kaibigang si Gian Padilla at binabaybay ang kahabaan ng Rizal St., Brgy. 19, Cabangan, nang makabanggaan  ang isa pang motorsiklong minamaneho naman ni Liberato Sarmiento Abad, ng Brgy. Ilawod, Daraga, Albay kasabay ang kanyang dalawang back ride na sina Jonie Malejana, at Voters Martos, kapwa ng Brgy. Cabiguan, Pilar, Sorsogon.

Pare-parehong sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo na agad namang dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Sta. Ana.

The post College student, tepok sa aksidente sa motor appeared first on Remate.

Forced evacuation sa Monkayo, Compostela ipinatupad

$
0
0

AGAD na ipinatupad ng pamahalaan ang sapilitang paglilikas sa mga residente nang gumuho ang lupa na ikinasugat ng dalawang katao sa Monkayo, Compostela Valley.

Batay sa ulat, dalawang landslide ang naganap sa Mount Diwata, sa Monkayo, Compostela Valley province dahil sa walang puknat na pag-ulan.

Sa nasabing landslide, dalawang bahay ang nawasak at isa ang sugatan.

Kaagad na ipinatupad ang forced evacuation dahil sa banta ng karagdagang pagguho ng lupa.

Napag-alaman mula kay Compostela Valley Provincial Police Office S/Supt. Camilo Casculan, naganap ang unang landslide kaninang madaling-araw na nasundan kaninang alas-9 ng umaga.

Ang unang landslide ay naganap sa Purok 1, ang pangalawang landslide ay naganap sa Purok 5 ng Mount Diwata.

Napag-alam na nasugatan sa insidente ang batang si Eizer Tagalog, 5.

Ang mga may-ari ng dalawang bahay na nasira ay kinilala namang sina Ivy Tagalog at Terilio Baginang habang totally damaged ang tahanan ni Edgar Carpentero.

Nasa Mount Diwala Elementary School sa Monkayo ang mga evacuee.

The post Forced evacuation sa Monkayo, Compostela ipinatupad appeared first on Remate.

Pulis-QC, tigbak na naman sa ambush

$
0
0

ISA na namang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang inambus ng motorcycle in tandem sa Quezon City, kaninang umaga, Enero 12.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si SPO1 Miguel Gayagoy, Jr., miyembro ng QCPD station 4.

Wala pang ideya ang pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay pero isa sa mga sinisilip ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang isang alagad ng batas.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-10 ng umaga sa Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Bago ito, nakatayo ang biktima sa kanyang bahay nang dumating ang suspek at sa hindi malamang dahilan ay biglang niratrat ito at saka tumakas.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung nakauniporme ang biktima nang ito ay pagbabarilin at kung kinuha ang service pistol nito.

Si Gayagoy Jr. ay pangatlong tauhan ng QCPD na itinumba sa loob ng halos isa’t kalahating buwan.

The post Pulis-QC, tigbak na naman sa ambush appeared first on Remate.

Away sa pukpok ng martilyo, 1 utas

$
0
0

PATAY ang 53-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kapitbahay dahil sa ingay ng pukpok ng martilyo sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Eliseo Emberos, 35, ukay-ukay vendor ng 3-B-3 Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Naaresto at nakakulong na sa MPD-Homicide Section ang suspek na si Jobert Laurente, 35, ng Blk.15-B Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Nauna rito, nag-away ang dalawa dahil  sa ingay ng pukpok ng martilyo sa ibabaw ng bubungan ng suspek.

Lumabas naman ang asawa ng suspek na si Brenda at sinaway ang biktima.

Gayunman, sa halip na sumunod ay nagbanta pa ang biktima sa mag-asawa at sinabihan sila na huwag masyadong mayabang.

Bagama’t narinig ng suspek ay hindi nito pinatulan ang biktima hanggang sa makipag-inuman ang huli sa kanyang mga kaibigan.

Nung mga oras na iyon ay nakainom na rin ang suspek kaya sumugod ito sa bahay ng biktima kung saan sinira ang kanyang bakod.

Dito na sinaksak ng suspek ang biktima sa dibdib.

The post Away sa pukpok ng martilyo, 1 utas appeared first on Remate.

Pogi pinapangit ng karibal sa Albay

$
0
0

NABAWASAN ang kaguwapuhan ng isang binatang nagpapa-load nang pagtulungang saksakin ng dalawang kabarangay sa Albay kaninang umaga, Enero 12.

Tig-isang saksak sa mukha at dibdib ang napala ng nagpapagaling na lamang sa pagamutan na si Marlon Dejucos, 31, ng Barangay 1, Pio Duran, Albay.

Hinahanting na para panagutin sa kimen ang mga tumakas na sina Eric Baniel at Ruben Arevalo, kapwa ka-barangay ng biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-10:25 ng umaga sa tapat ng isang tindahan sa Pio Duran, Albay.

Bago ito, nagpapa-load ang biktima sa tapat ng isang tindahan nang lapitan ng mga suspek at sa hindi malamang dahilan ay pinagsasaksak ito.

Hinala ng pulisya na posibleng karibal ng biktima ang isa sa mga suspek sa panliligaw sa isang babae kaya ang pinuntiryang sirain ay ang mukha ni Dejucos.

The post Pogi pinapangit ng karibal sa Albay appeared first on Remate.


Sapatero kalaboso sa balisong sa Caloocan

$
0
0

KALABOSO ang isang sapatero matapos mahulihan ng balisong habang nakatambay sa Caloocan City kagabi, Enero 11.

Nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon si Castalito Meca Jr., 33 ng Taguig St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, ala-10 ng gabi, nagroronda ang mga pulis sa JP Rizal, Maypajo nang mapansin ang suspek na nakatambay.

Tinangka pa ng suspek na sibatan ang mga pulis subalit mabilis na nalapitan ang una at nang kapkapan ay nakuhanan  ng balisong na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Inaalam na ng mga pulis kung sangkot sa panghoholdap ang suspek.

The post Sapatero kalaboso sa balisong sa Caloocan appeared first on Remate.

Lola, pamangkin tiklo sa buy-bust sa Taguig

$
0
0

KALABOSO ang 58-anyos na lola gayundin ang pamangkin nito sa isinagawang buy-bust operation makaraang kumagat sila sa pain ng mga awtoridad kagabi sa Taguig City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Elenita Logica, at pamangkin nitong si June Joseph Oreza, 38, kapwa ng VP Cruz St, Lower Bicutan, naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, linggo ng nagsagawa ng “surveillance” ang pulisya hinggil sa iligal na aktibidad ng mag-tiyahin sanhi ng sumbong ng ilan nilang kapitbahay na nakakabatid sa ginagawa nilang pagbebenta ng iligal na droga.

Nang kumagat na si Logica sa pain nina PO3 Christopher Bonifacio at SPO1 Joel Briones na kapwa nagpanggap na buyer ng shabu, sinalakay na ng pulisya ang kanilang tirahan at nakumpiska ang may anim pang pakete na naglalaman ng shabu, mga paraphernalia sa paggamit nito at ang P1,000 markadong salapi na ginamit ng poseur buyer.

The post Lola, pamangkin tiklo sa buy-bust sa Taguig appeared first on Remate.

P.1M cash at alahas natangay ng gapos gang

$
0
0

TINATAYANG mahigit P.1 milyon halaga ng iba’t ibang klase ng alahas at cash ang natangay ng dalawang armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng “Gapos gang” makaraang pasukin ang isang pawnshop kahapon sa Las Pinas City.

Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya sina Rodel Caluberan, 42, security guard, at isang Dante Sacayanan, 45, makaraang pasukin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang Acme Pawnshop sa Alabang Zapote Road, Barangay Almanza 1, alas-5 ng hapon.

Batay sa ulat na isinumite kay S/Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Pinas police, habang nasa loob ng naturang pawnshop sina Caluberan at Sacayanan ay pumasok ang dalawang suspek at nagpanggap na mga  kustomer.

Ilang sandali lamang ay naglabas na ng baril ang mga suspek at nagdeklara ng holdap kung saan ay iginapos ng mga ito sina Caluberan at Sacayanan.

Kinuha ng mga suspek ang service firearm ni Caluberan at pinagsabihan pa ang mga ito na babarilin sila kapag gumawa ng ingay.

Tinangay ng mga suspek ang lahat ng mga alahas at pera sa loob ng vault at agad na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya laban sa mga nakatakas na suspek.

The post P.1M cash at alahas natangay ng gapos gang appeared first on Remate.

Kano nang-hostage ng kahera ng apartelle

$
0
0

NANG-HOSTAGE ang isang American national ng isang kahera ng apartelle sa Brgy. Scout Triangle, Quezon City kaninang hapon, Enero 12, 2014.

Kinilala ang suspek na si Robert Mark Stasaitis, American national at pansamantalang nanunuluyan sa Paradise Apartelle sa Timog cor. Morato, QC.

Kinilala naman ang biktima na si Alma Cordero, cashier ng Paradise Apartelle.

Nabatid na naganap ang insidente sa  Paradise apartelle, ala-1:50 ng hapon.

Sinabi sa ulat na tinutukan ng patalim ng suspek ang kahera at habang isinusulat ang balitang ito patuloy pa rin ang negosasyon para sa pagpapalaya sa biktima.

Hindi pa rin alam ang dahilan at motibo ng pangho-hostage ng suspek.

The post Kano nang-hostage ng kahera ng apartelle appeared first on Remate.

Wildfire sa Australia: 1 patay, 27 bahay naabo

$
0
0

ISA ang patay habang 27 kabahayan ang tinupok ng nananalasang wildfire sa Perth, Australia.

Sinasabing nagsimula ang wildfire sa natumbang poste na lalong pinaigting ng malakas na hangin.

Ayon sa Western Australia fire and emergency services department, posible pang madagdagan ang pinsala habang nagpapatuloy ang assessment.

Daan-daang mga residente ang lumikas at ayon sa firefighters, hindi pa kontrolado ang sunog.

Nabatid na naranasan ang heatwave sa Perth nitong weekend kung saan umabot ng 40 degrees Celsius ang temperatura.

The post Wildfire sa Australia: 1 patay, 27 bahay naabo appeared first on Remate.

Binata utas sa pananaksak ng 2 senglot

$
0
0

PATAY ang isang binata habang sugatan naman ang ate ng una nang pagsasaksakin ng dalawang lasing na kapitbahay kagabi, Enero 12,  sa Kadima Letre Rd. Tonsuya, Malabon City.

Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malaban (PBM) si Fredirick Ajon, 18, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang nakatatandang kapatid  ng namatay na si Nerissa Ajon, 28, ng nasabing barangay.

Arestado ang isa sa salarin na si  Rowel Quiñones, 32, kapitbahay ng una habang nakatakas naman si Joseph Rubenecio, 29.

Sa imbestigasyon, alas-10:00 kagabi nang maganap ang insidente sa isang inuman sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan nito nang dumating si Quiñones at si Joseph at nakihalo.

Nang malasing ang suspek  kinursunada nito si Sadam na bisita ni Fredirick, umalis naman si Rowel at pagbalik ay may dala ng patalim at dito na pinagsasaksak ang biktima.

Tinangka namang tulungan ni Nerissa ang kapatid subalit siya naman ang pinagbalingang saksakin ng suspek saka tumakas dala ang patalim.

The post Binata utas sa pananaksak ng 2 senglot appeared first on Remate.

Sapatero pinatay na pinagkawan pa

$
0
0

PINAGSASAKSAK at pinagpapalo ng matigas na bagay hanggang sa napatay bago tinangay ang kita at kagamitan ng 53-anyos na sapatero ng dalawang di nakikilalang mga suspek sa Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si Mateo Buyron, binata at walang permamenteng trabaho, sanhi ng saksak at palo sa mukha at katawan.

Tumakas naman ang mga hindi nakilalang suspek.

Nabatid na alas-2:23 ng madaling-araw kanina nang naganap ang insidente sa kanto ng Malabon at Mendoza Sts., Sta Cruz, Manila.

Isang concerned citizen ang nag-report sa nakitang duguang nakahandusay na lalaki sa nasabing lugar.

Batay sa kuha ng CCTV, makikita na natutulog ang biktima nang lapitan ng mga suspek, pinagpupukpok at pinagsasaksak bago nilimas ang mga gamit.

Umabot ng mahigit dalawang minuto ang pagpatay sa biktima, base sa record ng CCTV.

Hindi rin naman makilala ang mga suspek dahil may kalabuan ang kuha ng CCTV.

The post Sapatero pinatay na pinagkawan pa appeared first on Remate.


LPA lumiit ang tsansa na maging bagyo

$
0
0

LUMIIT ang tsansa na maging bagyo ang namataang Low Pressure Area  (LPA) sa bisinidad ng Surigao del Sur.

Ito ang sinabi kanina ni Jaime Bordales weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).

Ayon kay Bordales, lumiit ang tsansa na maging bagyo ang namataang LPA dahil sa malakas na hanging Amihan sa bahagi ng Mindanao at Visaya’s region.

Sinabi ni Bordales na magpapatuloy ang pag-ulan sa mga lugar na sakop ng LPA sa ilang bahagi ng Mindanao region at Visayas area.

Nabatid pa sa PAGASA na makararanas ang rehiyon ng Mindanao, Eastern at Central Visayas ng masungit na papawirin at malalakas na pagbuhos ng ulan na maaaring magdala ng flashfloods at landslides.

Sinabi pa ng PAGASA na ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ay dala ng  LPA na namataan sa bisinidad ng Surigao del Sur.

Ayon pa kay Bordales, maaaring magtagal ang pag-ulan ng 2 hanggang 3 araw sa  mga lugar ng Visayas at Southern Luzon region.

The post LPA lumiit ang tsansa na maging bagyo appeared first on Remate.

Dalaga kulong sa pananapak ng ex-o

$
0
0

IKINULONG ang isang dalaga matapos sapakin ang kanilang barangay executive officer na umawat habang nakikipag-away ang una sa Caloocan City, Linggo ng tanghali, Enero 12.

Nahaharap sa kasong assault against agents of person in authority si Raquel Galang, 39 ng San Marcos St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:30 ng tanghali, may kaaway ang suspek na hindi na nakilalang tao sa Tambakan St., Maypajo na naging dahilan upang respondehan ng ex-o na si Ernesto Constantino Jr., 59 at mga tanod.

Nang awatin ni Constantino ang suspek ay nagalit at sinapak ang una na naging dahilan upang dalhin ng mga tanod sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.

The post Dalaga kulong sa pananapak ng ex-o appeared first on Remate.

Matapang sa Valenzuela patay sa 3

$
0
0

PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek na binuweltahan ng una makaraan makaaway dahil natitigan ng masama ng mga huli sa kalsada sa Valenzuela City, Linggo ng gabi, Enero 12.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan si Michael Juliano, 20, ng F. Dulalia st., Lingunan ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan na si Mark Anthony Gacelo sa nasabing lugar nang makasalubong ang mga suspek at natitigan ang mga una.

Sinita ng biktima ang mga suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa hampasin ng stick ng isa sa mga huli si Gacelo na naging dahilan upang hatakin ang nasawi at tumakbo.

Nang makalayo ay binalikan ng biktima ang mga suspek at nakipagsagupa subalit walang nagawa ang tapang ng una nang pagtulungang bugbugin at bago tumakas ang mga suspek iniwanan ng saksak ang nasawi na dinala sa VGH.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.

The post Matapang sa Valenzuela patay sa 3 appeared first on Remate.

Fish kill sa Agusan River, naitala

$
0
0

NAGSILUTANGAN ang mga patay na isda sa Agusan River ng Cagayan de Oro City.

Kuwento ng mga residente, napansin nilang nag-umpisang lumutang ang mga isda nito pang Sabado ng hapon.

Ilan sa mga isdang nakuha ay may mga lokal na pangalang Dalampakan, Bunak, Damagan at Pigoc na niluto at kinain ng mga residente.

Pero ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), delikadong kainin ang mga isdang mula sa fish kill batay na rin sa isinagawang water sampling.

Iniimbestigahan na ng city local government at natural resources office ang pinag-umpisahan ng fish kill.

The post Fish kill sa Agusan River, naitala appeared first on Remate.

Rider utas sa salpukan sa Parañaque

$
0
0

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas kung saan ay nadamay pa ang dalawa pang motor rider makaraang salpukin ng minamanehong motor ng namatay ang reserbang gulong ng kasalubong na pampasaherong jeep kagabi sa Parañaque City.

Dead on arrival sa Florencio Bernabe Memorial Hospital ang biktimang si Ryan Juanico Binban, ng 27 10th St., UPS-5 Brgy San Isidro, sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang nasa kritikal naman kalagayan ang kaangkas niyang si Genery Paclibar Palma, 22, na isinugod naman sa San Juan De Dios Hospital.

Sugatan din sa naturang insidente sina Bryan Pascua, 24 na nagmamaneho rin ng isang motorsiklo, pati na ang kanyang kaangkas na si Nathaniel Tiama, 21 ng Villamor Air Base, Pasay City.

Lumabas sa pagsisiyasat ni Paranaque police traffic investigator PO1 Allan Laverez na tinatahak na minamanehong jeep ni Edgardo Grejaldo, 35, na may plakang PYD-510 ang kahabaan ng Quirino Avenue patungong Mia Road nang salubungin siya ng motorsiklong minamaneho ni Binban na may plakang 8971-XR at salpukin ang reserbang gulong na nakakakabit sa gilid ng jeep alas-9:10 ng gabi.

Sa lakas ng pagkakabangga, natanggal ang reserba at tumilapon patungo sa isang nakaparadang motorsiklong pag-aari ng isang Esmeraldo Manlangit na naging dahilan ng pagkasira nito habang ang motorsiklong minamaneho ni Binban ay sumalpok naman sa isa pang motorsiklong may plakang 8363-TG na minamaneho naman ni Pascua at kaangkas nito si Tiama.

Dahil sa pagkakasalpok, tumilapon si Binban at kaangkas nito habang sugatan din ang dalawa pang sakay ng isang motorsiklong kanilang nabangga.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide and multiple physical injuries si Grejaldo sa piskalya ng Parañaque.

The post Rider utas sa salpukan sa Parañaque appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>