Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Dyowa ni misis, kinatay ni mister

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang patayin ng mister ng kanyang kasalukuyang ka-live-in sa Purok Diamond Valley, Brgy. Tambler, General Santos.

Kinilala ang biktima na si Christopher Carnisi, 33, ng Sigaboy, Davao Oriental habang ang suspek ay si Ronnie Narvasa, ng Brgy. Calumpang.

Sa imbestigasyon, nagselos si Narvasa nang malamang nakipag-live-in kay Carnisi ang kanyang nakahiwalayang misis.

Dahil dito, pinuntahan ng suspek sa bahay nito ang biktima hanggang sa nagkasuntukan ang mga ito.

Nang makakita ng patalim ay kinuha iyon ng suspek saka inundayan ng saksak ang biktima bago tumakas.

The post Dyowa ni misis, kinatay ni mister appeared first on Remate.


Beauty queen, mister natagpuang patay

$
0
0

PATAY na nang makita sa loob ng kanyang kotse ang dating Venezuelan beauty queen na si Monica Spear kasama ang kanyang mister na si Thomas Berry.

Masuwerte namang nakaligtas ang kanilang limang taong gulang na anak na babae bagama’t sugatan matapos tamaan ng bala ng baril sa binti.

Lumalabas na attempted robbery ang motibo sa krimen.

May mga impormasyon na tumigil sa gitna ng kanilang biyahe ang mag-asawa habang nasa main port na Puerto Cabello nang masiraan ng sasakyan na sinamantala naman ng mga armadong lalaki.

Taong 2004 nang tanghalin bilang Miss Venezuela ang 29-year-old beauty queen turned actress.

The post Beauty queen, mister natagpuang patay appeared first on Remate.

2 Romanian, timbog sa illegal recruitment

$
0
0

NAARESTO ang dalawang Romanian national ng mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) dahil sa kasong simple illegal recruitment at 2 counts of estafa sa Sitio Bulabog, Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Ang mga suspek ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Felixberto Olalia, Jr. ng Branch 8, RTC National Capital Judicial Region-Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Bogdan Pavel, 47, at Adriana Popesco, 32,  at kapwa pansamantalang naninirahan sa naturang isla at residente ng Buchavest, Romania.

Napag-alaman na may bail bond na tig-P40,000 ang mga suspek sa kasong simple illegal recruitment at tig P22,000 naman sa kasong 2 counts of estafa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga pulisya ang mga suspek at nakatakdang i-turn-over sa korte.

The post 2 Romanian, timbog sa illegal recruitment appeared first on Remate.

26 kaso ng tigdas, naitala sa Pangasinan

$
0
0

NAALARMA na ang pamunuan ng Provincial Health Office sa pagkakatala nila ng kaso ng tigdas sa lalawigan na umaabot na sa kabuuang 26, base sa kanilang monitoring simula pa noong Agosto ng nakaraang taon na una silang nagkaroon ng pitong kaso.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, provincial health officer sa lalawigan, dapat na mangamba ang publiko dahil sa patuloy na pagtaas nito kumpara noong taong 2012 na umabot lamang sa dalawang kaso.

Kabilang sa may pinakamataas na naitalang kaso ay sa bayan ng Rosales, 12; sunod ang bayan ng Mangatarem, San Nicolas, San Quintin at Natividad.

Nagbabala rin ito sa komplikasyon ng sakit na maaaring humantong sa pagkamatay ng isang pasyente kaya dapat lamang mag-ingat ang bawat residente sa pagkakaroon ng ganitong sakit dahil delikado ito.

Samantala, maaaring nakuha ng mga biktima ng tigdas ang sakit nang lumuwas sila ng Maynila upang gunitain ang Pista ng mga Patay at Kapaskuhan na sinasabing pinagmulan ng outbreak ng tigdas.

Samantala, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa DOH, umabot na sa 22 ang naitalang nagkasakit simula Nobyembre hanggang sa kasalukuyan.

Karamihan sa mga biktima ay mga bata na walang bakuna laban sa naturang sakit.

Dahil dito, patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health (DoH)  sa mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak, mga batang edad siyam na buwan hanggang limang taong gulang sa mga health center para sa libreng bakuna laban sa tigdas.

The post 26 kaso ng tigdas, naitala sa Pangasinan appeared first on Remate.

Parak sinuwag ng bus, tapyas ang tainga

$
0
0

NATAPYASAN ng tainga ang isang pulis nang mahagip ng rumaragasang pampasaherong bus sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Enero 8.

Kapwa isinugod sa pagamutan ang biktimang si PO3 Reynaldo Tumala na natapyas ang itaas na bahagi ng tainga at gasgas sa braso at katawan habang nagtamo naman ng pasa at bukol sa mukha at sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na si Paolo Butin, drayber ng Admiral Bus lines nang gulpihin naman ito ng taumbayan.

Sa ulat, naganap ang insidente ala-9 nitong Miyerkules ng gabi sa may Congressional Avenue, Project 8, Q.C.

Bago ito, nagpapatrolya sa lugar si Tumala at pabalik na sa kanyang police mobile patrol na nakaparada sa kalsada nang mahagip ng bus na minamaneho ni Butin.

Pagarahe na si Butin kaya wala itong sakay na mga pasahero nang maganap ang insidente.

Imbes naman tulungan, tinangka pang sagasaan ni Butin si Tamala pero pinagbabato siya ng taumbayan at inakyat ang bus para bugbugin.

Nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 6 ang suspect na ang minamanehong bus ay sister company pala ng kontrobersyal na Don Mariano Transit na nasangkot kamakailan sa Skyway tragedy sa Parañaque City.

The post Parak sinuwag ng bus, tapyas ang tainga appeared first on Remate.

Manager ng shipyard sa Navotas, utas sa ambush

$
0
0
PATAY ang isang personnel manager ng pagawaan ng barko matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa ibabaw ng tulay, Miyerkules ng hapon, Enero 8, sa Brgy. Tanza, Navotas City.
Dead on the spot ang biktimang si Valentino Aquino, 39, ng Navotas Shipyard Corp. at residente ng 269-E Costudio St., Brgy. Santulan sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa likod.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang baril.
Base sa pinagsanib na imbestigasyon, alas-3:45 nang maganap ang insidente sa ibabaw ng Tanza bridge.
Ayon kay Navotas deputy chief of police Supt. Realito Esperida, si Aquino ay sakay ng Kymco motorsiklo (3794-PG) na pula at habang tinatahak ang nasabing tulay patawid ng Hulong Duhat ay rito na siya binaril ng suspek na agaran nitong ikinamatay.
Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crimes Operatives (SOCO) ng 3 cellular phone, motorsiklo at ang service fire arm ng biktima na kalibre 45 at mga bala.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ang nasabing krimen ay may kaugnayan sa unang pagtangkang paglikida sa una noong nakaraang October 2013  sa kanilang lugar sa Brgy. Santulan.

The post Manager ng shipyard sa Navotas, utas sa ambush appeared first on Remate.

Unang bagyo ngayong taon, tatawaging ‘Agaton’

$
0
0
PARATING na ang unang low pressure area (LPA) sa Pilipinas matapos mamataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, Biyernes.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Samuel Duran, nasa 1,400 kilometro Silangan ng Mindanao ang LPA at malaki ang tsansang maging bagyo.
Tatawagin itong Agaton.
Sabado lalapit ang bagyo sa Silangang Mindanao, Davao at CARAGA provinces, samantalang trough ng LPA ang mararanasan sa Mindanao.
Amihan o northeast monsoon sa Luzon ang nagpapaulan sa bansa nitong Huwebes.

Ang Palawan, Visayas at Mindanao ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, habang pulo-pulong mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

The post Unang bagyo ngayong taon, tatawaging ‘Agaton’ appeared first on Remate.

Mister, pinatay sa tabi ni misis

$
0
0

PATAY ang 45-anyos na vendor nang barilin ng hindi nakilalang mga suspek habang kausap ang kanyang misis sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Armando Magpayo, ng 931 Int. 15 San Cirilo St. Tondo, Maynila sanhi ng apat na tama ng bala sa katawan.
Nakatakas naman ang dalawang hindi nakilalang suspek matapos ang insidente.
Sa report, alas-9 kagabi nang naganap ang insidente sa tapat ng bahay ng mag-asawa.
Nabatid na habang masayang nag-uusap ang dalawa nang lapitan ng mga suspek, naglabas ng baril at sunod-sunod na pinagbabaril ang biktima.
Ayon sa pulisya, target lang ng mga suspek ang lalaki dahil hindi naman ginalaw ang misis nito.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

The post Mister, pinatay sa tabi ni misis appeared first on Remate.


Ginang, nakitang patay katabi ng mga aso

$
0
0

TANGING mga alagang aso lamang ang katabi ng 50-anyos na ginang hanggang sa bawian ng buhay sa loob ng kanyang tirahan sa Taguig City.

Natuklasan lamang ang bangkay ng biktimang si Leonora Mariano sa loob ng kanyang tirahan sa 174 M.L. Quezon St. Barangay Bagumbayan nang magtungo ang kapitbahay na si Aniceto Eisma, 43, sa pakiusap na rin ng negosyanteng si Camille Sumile, 44, ang matalik na kaibigan ng biktima makaraang hindi sumasagot sa tawag ng kaibigan.

Sa ulat, nag-iisa lamang sa kanyang tirahan ang ginang, kasama ang dalawang alagang aso matapos manirahan na sa ibang bansa ang dalawa niyang anak na kamakailan lamang ay dinalaw niya ang isa sa Australia.

Nang bumalik sa bansa ang ginang, dumaing ito ng pananakit ng balakang kaya’t sinamahan pa siya ng kaibigang si Sumile sa Parañaque Doctors Hospital upang magpasuri kung saan maayos naman ang resulta ng kanyang kalusugan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang nakitang palatandaan na biktima ng karahasan ang ginang kung saan kinailangan pang gumamit ng barena ang pulisya upang puwersahang mabuksan ang pintuan sa harapan ng bahay matapos masilip ni Eisma sa bintana ang nakahandusay na ginang habang katabi ang mga alagang aso.

Sa pahayag naman ni Sumile sa pulisya, noon pang Sabado, Enero 5 niya tinatawagan ang kaibigan subalit hindi na ito sumasagot sa telepono kaya’t makaraan ang dalawang araw na hindi pa rin tumutugon sa kanyang tawag ay nabahala na siya at pinakiusapan si Eisma na silipin sa bintana ang biktima.

The post Ginang, nakitang patay katabi ng mga aso appeared first on Remate.

3 huli sa sumpak, shabu, bala at pana

$
0
0

KALABOSO ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng sumpak, shabu, bala at pana sa pagsuyod ng mga pulis sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Enero 8.

Sa ulat, alas-11 ng gabi nang suyurin ng mga pulis ang Phase 6, Purok 4, Camarin nang mapansin si Ronnie Dinglasan, 33 na nagtatakbo pabalik ng bahay habang hawak ang sumpak.

Sinundan ng mga pulis si Dinglasan sa loob ng bahay at nakuha ang sumpak na may bala ng shotgun kung saan nakuhanan din ng sachet ng shabu at mga paraphernalia ng mga pulis.

Kasunod naman ay nakapkapan si Dexter Monteclaro, 28 at nakuhanan naman ng dalawang bala ng shotgun habang pana naman ang nakuha kay Rolly Periado, 27 na naging dahilan upang pawang dalhin sila sa presinto.

The post 3 huli sa sumpak, shabu, bala at pana appeared first on Remate.

21-anyos, arestado sa buy bust sa Taguig

$
0
0

KALABOSO ang 21-anyos na out of school youth sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa Taguig City.

Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng SAID-SOTG ang suspek na si Jericho Esquivel, ng JGL Compound, Barangay Napindan na nakuhanan ng dalawang sachet na naglalaman ng shabu at markadong salapi na ginamit sa pambili ng iligal na droga.

Napag-alaman na dalawang linggo na nilang minamanmanan si Esquivel matapos ang mga natanggap na reklamo sa mismong mga kapitbhay nito kaugnay sa ginagawang pagbebenta ng droga sa ilang mga kabataan sa kanilang barangay.

Nagawa namang makapagtransaksyon ang nagpanggap na buyer kay Esquivel at saktong tinatanggap niya ang markadong P1,000 kapalit ng ibinebentang shabu sa kanto ng Dinggin Baan at Dr. Natividad St., sa Ligid, Tipas, alas-5:30 ng hapon kahapon nang dakmain siya nina PO2 Dizon Tina at PO3 Joseph More ng SAID-SOTG.

Nakumpiska sa suspek ang dalawa pang sachet na naglalaman ng shabu at markadong salapi nang kapkapan ng mga pulis.

The post 21-anyos, arestado sa buy bust sa Taguig appeared first on Remate.

3-anyos patay sa baril ni tatay

$
0
0

PATAY ang 3-anyos na bata nang pumutok at tamaan ng pinaglaruang baril na pag-aari ng kanyang tatay na sekyu sa La Union.

Kinilala ang biktima na si Christian Dave Bocarille, nag-iisang anak ni Elpedio Bocarille ng Brgy. Nagsabaran, Balaoan, La Union.

Nabatid na alas-12:30 ng tanghali noong Enero 7, 2014 nang nakarinig ang mag-asawa ng putok kasabay ng pag-iyak ng biktima.

Nang tunguhin ay nakita nila ang anak na duguan at hawak pa ang homemade .38 na baril ng kanyang ama.

Nabatid na kinuha ng bata ang baril sa bag ng kanyang ama na isang security guard saka pinaglaruan.

The post 3-anyos patay sa baril ni tatay appeared first on Remate.

18 patay sa car bombing sa Syria

$
0
0

UMABOT sa 18 katao ang namatay matapos sumabog ang isang car bomb malapit sa eskuwelahan sa Al-Kafat, Central Syria.

Ayon sa Britain-based Syrian Observatory for Human Rights, posibleng lumobo pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami sa mga sugatan ay nasa kritikal na kondisyon.
Ang lugar ng Al-Kafat ay nasa probinsiya ng Hama, ang lugar ng mga miyembro ng Ismaili Shi’ite Muslim minority.

The post 18 patay sa car bombing sa Syria appeared first on Remate.

16 sugatan sa banggaan ng bus at jeep sa QC

$
0
0

UMABOT sa 16 pasahero ang sugatan sa banggaan ng bus at jeep sa Commonwealth Avenue, Tandang Sora sa Quezon City, kagabi, Huwebes.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Rolito Borosan, 44 ang Taguig Metro Link bus (TYX-732) habang ang jeep naman (TWD-336) ay minamaneho ni Rolly Atulier sa westbound lane ng Commonwealth Ave., nang magkabanggaan.

Kapwa nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries dahil sa insidente.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.

The post 16 sugatan sa banggaan ng bus at jeep sa QC appeared first on Remate.

Apo ni Willie, maayos na ang kondisyon

$
0
0

NASA mabuti nang kondisyon ang apo ni Willie Nepomuceno na pinagbabaril sa Marikina Heights sa Marikina City, Huwebes ng madaling-araw.

Ito ang kinumpirma ng amang si Willie Wilson Nepomuceno, ng biktimang si Sean Gabriel bagama’t iniinda pa rin ng anak ang tama ng bala sa balakang.

Hindi rin nakaligtas sa tama ng bala ang atay ng biktima.

Samantala, hawak na ng Marikina Police ang isa sa mga suspek na Mark Bersilla, 30-anyos.

Salaysay ng ama, batay sa nasabi sa kanya ng anak, apat anya ang suspek. Tinutugis pa rin ang iba pa sa ngayon.

Isasailalim ngayong araw sa inquest proceedings ang suspek sa kasong grave threat at frustrated murder.

The post Apo ni Willie, maayos na ang kondisyon appeared first on Remate.


Cyber sex den sinalakay, 11 dakip

$
0
0

UMABOT sa 11 katao ang nadakip sa isinagawang pagsalakay sa cyber sex den sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw, Enero 9.

Kasamang dinala sa presinto ang businesswoman na sinasabing maintainer na si Nia Serrano, 27, ng St. Ignatius St., Barracks 2, Tala ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na ginagawang cyber sex den ang isang bahay ni Serrano sa nasabing lugar na naging dahilan upang salakayin alas-12:30 ng madaling-araw.

Naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na nagsasagawa ng mga mahahalay na bagay sa harap ng computer kapalit ng pera na naging dahilan upang dakpin kasama ang mga ginagamit na mga computer.

Nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso ang mga nadakip.

 

The post Cyber sex den sinalakay, 11 dakip appeared first on Remate.

Gasolinahan sa Kidapawan City, hinoldap; sekyu, niratrat

$
0
0

HINOLDAP na niratrat pa ng apat na hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang security guard ng gasolinahan na kanilang tinarget sa Kidapawan City nitong Huwebes ng gabi, Enero 9.

Dead on arrival sa Kidapawan Medical Specialist Center sanhi ng tama ng bala ng AK-47 rifle sa iba’t ibang parte ng katawan ang guwardiyang si Wahab Kanacan, ng Zedma Force Security Agency (ZFSZ).

Wala namang ideya pa ang Kidapawan City Police Office, kung sino ang nasa likod ng panghoholdap pero tinitiktikan na nila ang isang grupo na kilalang mga holdaper sa lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:30 nitong Huwebes ng gabi sa isang mini-gasoline station sa Barangay Sudapin, Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City chief of police Supt. Leo Ajero, bigla na lamang sumulpot sa harap ng Motolane gasoline Station ang apat na mga suspek at pinaputukan ang biktima gamit ang AK-47 rifle.

Nakatakbo pa ang nasabing security guard sa loob ng CR ngunit sinundan ito ng mga suspek at saka niratrat pang muli.

Kinuha ng mga salarin ang pera sa cashier na nagkakahalaga ng P3,000 at 12 gauge shotgun ng biktima at saka tumakas lulan ng dalawang motorsiklo.

The post Gasolinahan sa Kidapawan City, hinoldap; sekyu, niratrat appeared first on Remate.

Miyembro ng sindikato ng shabu, tiklo sa text

$
0
0

DAHIL sa programa ng pamahalaan na Text-JRT, tiklo ng mga pulis ang isang miyembro ng bigtime na tulak ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng hapon .

Kinilala ang suspek na si Roven Pascual, 53, ng M. Naval St., Tangos ng lungsod.

Lumalabas na nakatanggap ng text si Navotas Mayor John Rey Tiangco na talamak ang pagbebenta ng suspek sa nasabing lugar.

Alas-5 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation sa nasabing lugar kung saan nang iabot ng suspek ang sachet ng shabu kapalit ng P300 ng pulis na umaktong poseur buyer ay agad dinamba si Pascual.

Nakuha sa suspek ang apat na sachet na shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Nabatid na si Pascual ay miyembro ng malaking sindikato ng shabu sa Camanava Area kung saan hinahanting na ang mga kasama na sina Jerry Roldan at isang Alejandro Ang.

The post Miyembro ng sindikato ng shabu, tiklo sa text appeared first on Remate.

Presinto ng pulisya, buking sa iligal na koneksyon ng tubig

$
0
0

PINAGPAPALIWANAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Carmelo Valmoria ang hepe ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa Pasay City makaraang mabuking ang iligal na koneksyon ng tubig sa naturang presinto sa isinagawang sorpresang inspeksyon.

Sa inspeksyon ni NCRPO Regional Logistic Service head Supt. Romeo Macapaz sa PCP-3, nadiskubre na ang water meter base ng naturang police precinct ang nagsu-supply ng tubig sa katabing barangay hall.

Ang sorpresang inspeksyon ay isinagawa ng NCRPO makaraang madiskubre na aabot sa halos P304,000 ang binayarang bill sa tubig ng naturang presinto mula noong buwan ng Mayo hanggang Disyembre ng taong 2013 na katumbas ng halos P38,000 kada buwan.

Sa panayam naman kay Chairman Jun Ty ng Barangay 40 Zone 5, inamin niya ang iligal na koneksyon subalit nilinaw na wala siyang kinalaman dito dahil kauupo lamang niya noong Disyembre 2013.

Nabalitaan aniya niya na noong panahon ng kampanya, ang tinalo niyang incumbent barangay chairman ay nagpapaigib araw-araw nang libre sa kanilang mga kababayan subalit hindi niya alam na nakakonekta pala ang suplay ng tubig sa kalapit na presinto.

Hindi naman makuhanan ng pahayag si Chief  Insp. Antonio Sotomayor, ang kasalukuyang hepe ng PCP-3 dahil wala ito sa naturang presinto, ayon sa kanyang desk officer.

Gayunman, napag-alaman na noon lamang Disyembre nanungkulan si Sotomayor bilang hepe matapos italaga ng dating Pasay City police officer-in-charge Senior Supt. Mitchel Filart sa puwesto.

The post Presinto ng pulisya, buking sa iligal na koneksyon ng tubig appeared first on Remate.

7-anyos bata, patay sa swing sa paaralan

$
0
0

PATAY ang 7-anyos na estudyante makaraang tamaan ng swing sa loob ng isang paaralan sa Santiago, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Jeymar Lavaro.

Sa imbestigasyon, inamin ng ina ng bata na si Marilyn na habang isinasagawa ang PTA meeting sa North Santiago Elementary School ay nagpaalam ang kanyang anak na makikipaglaro sa kanyang mga kabigan sa swing sa loob ng paaralan.

Nabatid na sakay ng swing ang dalawang kaklase ng biktima habang ang huli ang tagatulak.

Nang mapalakas ng tulak ang biktima sa swing ay nadapa ito pero pagbalik ng swing ay tumama iyon sa ulo at dibdib ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Agad namang inalis ang swing sa naturang paaralan.

The post 7-anyos bata, patay sa swing sa paaralan appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>