Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Hepe ng task force na nakahuli kay Lee, sinibak

$
0
0

PAGKAGULAT ang naging reaksyon ni Task Force Tugis Chief, Senior Superintendent Conrado Capa sa pagsibak at paglipat sa kanya ng PNP sa ibang puwesto matapos matagumpay na mahuli ang negosyanteng si Delfin Lee.

Kinumpirma ni Capa na natanggap na niya nitong Miyerkules ang kautusan.

Ibig sabihin nito, mababakante na ang kanyang posisyon bilang task force head at malilipat siya bilang deputy regional director for operations ng Provincial Regional Office Region 7 (PRO-7).

Nagulat anya siya, “dahil wala pang isang linggo matapos kong makuha si Delfin Lee, naisyuhan na ako ng order. Hindi pa tapos ang report, na-relieve na ako rito.”

Una nang sinabi ni PNP Chief Alan Purisima na “stepping stone” sa promosyon at pagiging heneral ni Capa ang naturang pagsibak.

Reaksyon naman ni Capa: “Ang sa ‘kin lang po personally, kung talagang ako’y tatawagin [bibigyan] ng reward, ako naman po’y hinog na para ma-promote e.”

Kung gugustuhin anya ng PNP, may pwesto kung saan pwede na siyang ma-promote.

“Bilang pantatlo (na regional director) ‘yun pong pupuntahan ko ay maghihintay pa ako ng anim na buwan hanggang isang taon bago ma-promote.”

Maganda naman din anya ang kanyang performance sa mga nagdaang taon.

Pagkumpara pa nito, may mga kasabay siya sa PMA na nasa ‘pwesto’ na ngayon.

Suhestyon ni Capa kay Purisima: “sana pinalamig-lamig niya muna, pinalipas niya ng mga ilang linggo saka niya ako in-assign sa Cebu.”

Lalo’t may mga tanong at isyu pa aniya ukol sa pag-aresto.

Ngunit paglilinaw ni Capa, wala namang problema sa bagong destino. “Hindi naman demotion ‘yan. Medyo isang step pa.”

Samantala sinabi ni Capa na hiindi pa sila nagkakausap ni Purisima ukol dito.

Hindi rin anya siya binati ng PNP Chief nang mahuli nila si Lee na nahaharap sa syndicated estafa.

The post Hepe ng task force na nakahuli kay Lee, sinibak appeared first on Remate.


Lalaki patay sa riding-in-tandem

$
0
0

TODAS ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw, Marso 13.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Bryan Peñaranda, 26 ng Moderna St., Balut, Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa Shell House, Dagat-dagatan nang tabihan ng mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga una sa pamamaril.

The post Lalaki patay sa riding-in-tandem appeared first on Remate.

Remate lensman sinapak ng kagawad

$
0
0

SAPAK sa mukha ang inabot ng isang photojournalist nang pagbintangan ng isang barangay kagawad na siya ang nasa likod ng pagpapahuli sa mga ilegal nitong gawain sa Paco, Maynila.

Ayon sa reklamo ni Crismon Heramis, 33, photojournalist ng Remate Online kay MPD-Pandacan Police Station 10 P/Supt. Alfredo Opriasa,  alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ni Heramis.

Nauna rito, nakatambay si Heramis sa tabi ng isang computer shop nang dumating ang lasing na lasing na kagawad na si Wilfredo Cepe ng Barangay 829 Zone 90 sakop ng Mendiola Ext. Otis, Paco.

Nagsisigaw aniya si Cepe at minura si Heramis na hindi naman nito pinansin.

Pero lalong nagalit ang suspek nang hindi siya pinansin ni Heramis hanggang sa sapakin siya ni Cepe sa mukha.

Naawat din naman agad nang pumagitna ang anak ng kagawad.

The post Remate lensman sinapak ng kagawad appeared first on Remate.

Paslit hinalay, pinatay, pinutulan pa ng 2 paa

$
0
0

PINATAY na, pinutulan pa ng dalawang paa ang isang paslit na ginahasa sa Bukidnon kaninang umaga, Marso 13.

Bukod sa tinamong kapansanan, may malaking sugat sa ulo ang biktimang si Jenny Cagampang, 4, ng Barangay San Luis, Malitbog, Bukidnon na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay.

Wala na ring saplot sa katawan nang matagpuan ang halos naaagnas na bangkay ng biktima sa isang madamo at masukal na lugar sa nabanggit na barangay.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang may kagagawan sa krimen pero malamang na lulong ito sa ipinagbabawal na gamot dahil na rin sa pamamaraan ng pagpatay nito sa biniktima.

Bago ito, idinulog na ng pamilya Cagampang sa pulisya ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay simula pa noong hapon ng  Marso 3.

Noong una, pinagtanong ng pamilya Cagampang sa kanilang mga kapitbahay kung nakita ang kanilang anak pero inabot ng halos sampung araw na ang nakalipas ay hindi pa rin nila ito nakita.

Pero sanhi ng masangsang na amoy, natunton ang naaagnas na bangkay ng biktima na ikinubli sa matataas na talahiban.

The post Paslit hinalay, pinatay, pinutulan pa ng 2 paa appeared first on Remate.

Lola patay sa ligaw na bala sa Caloocan

$
0
0

PATAY ang isang lola habang kritikal ang sinasabing magnanakaw matapos tamaan ng ligaw na bala ang una nang makipagbarilan ang huli sa dalawang pulis sa terminal ng bus sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Marso 12.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa leeg si Rebecca Sapelino, 60, ng Calumpit, Bulacan.

Inoobserbahan naman sa Caloocan Medical Center sanhi ng tama ng bala na tumagos sa dibdib ang suspek na si Elmer Orfano, 18, ng Olongapo City.

Sa pahayag ng saksing si John Navarro, alas-3:44 kahapon ng hapon nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone mula sa kanyang ina na nasa Olongapo at sinabi na napasok sila ng magnanakaw kung saan natangay ang dalawang cellphone ng kanyang kapatid na babae.

Sinubukang tawagan ni Navarro ang isa sa nawawalang cellphone subalit walang sumasagot hanggang sa i-text na lamang ng una ang nasabing cellphone.

May sumagot sa text at nagkasundong tutubusin na lang ni Navarro ang cellphone hanggang sa magkasundong magkita sa Bus Terminal ng Victory Liner sa Monumento ng lungsod.

Nauna sa Terminal si Navarro kung saan nang makita ang mga pulis na sina PO1 Cris Robert Castro at PO1 Jayson Gargarena ay humingi ng tulong at pagsapit ng alas-7:30 ng gabi ay nag-text ang suspek na nasa Terminal na rin.

Nang makita ng suspek na may kasamang pulis si Navarro ay naglabas ng baril at pinutukan ang dalawang pulis na naging dahilan upang gumanti at matapos ang palitan ng putok ay tinamaan si Orfano subalit nahagip din ang nasawi na nasa malapit sa lugar ng pinangyarihan.

Dinala ang suspek sa CMC kung saan nabawi ang Daewoo .9mm, dalang bag na naglalaman ng granada, mga bala, SM Advantage card ni Graciela Navarro at IPhone 5.

Inaalam na ng mga pulis kung kaninong bala ang tumama sa nasawi.

The post Lola patay sa ligaw na bala sa Caloocan appeared first on Remate.

Barangay captain todas sa motel

$
0
0

ISANG barangay official ang namatay sa isang lodging house sa Koronadal matapos makipagtalik sa isang hindi muna pinangalanang babae.

Kinilala ang biktima na si Barangay Chairman Rene Boy Dalenga, ng Tananzang, Lutayan, Sultan Kudarat.

Ayon sa inisyal na report, matapos makatulog galing sa pakikipagtalik ang local official, hindi na ito nagising pa nang subukang gisingin ng kasamang babae.

Agad naman umano itong dinala sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay.

Sa ngayon, hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Nagpapatuloy naman ang inbestigasyon ng Koronadal City PNP sa naturang insidente.

The post Barangay captain todas sa motel appeared first on Remate.

2 trak ng kemikal nagsuwagan, 31 patay

$
0
0

UMABOT sa 31 katao ang namatay matapos magsalpukan ang dalawang malalaking trak sa isang tunnel sa probinsya ng Shanxi sa China.

Ayon sa mga awtoridad, nauwi sa malakas na pagsabog ang insidente dahil sa mga lulang delikadong kemikal ng naturang mga trak.

Maliban sa mga namatay, siyam katao pa ang missing sa naturang pangyayari.

“A methanol leak from the front vehicle started a fire, which caused the blast and ignited other trucks and their loads in the tunnel,” bahagi ng statement ng city government news office.

Sinasabing mahigit sa 200,000 katao ang namamatay sa mga lansangan sa China taun-taon dahil iniisnab lang ang safety at driving standards.

The post 2 trak ng kemikal nagsuwagan, 31 patay appeared first on Remate.

Bangka sinalpok ng barko, 1 patay

$
0
0

ISA ang patay habang patuloy pa ring pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 iba pang mangingisda matapos salpukin ang kanilang bangkang pangisda ng isang barko sa karagatang sakop ng Cavite.

Nasa 12 rin ang nasagip makalipas ang 12 oras na nagpalutang-lutang sa karagatan habang nakahawak sa ilan nilang kagamitan na nawasak ng di napangalanang barko.

Sa ulat, alas-11:30 noong Miyerkules ng gabi nang  banggain ng barko ang fishing boat na FB Dan Israel na galing Navotas habang nakatigil at nagpapahinga ang mga mangingisda.

Isang barko ang nakabangga sa bangka sa pagitan ng Ternate at Caballo Island ngunit hindi nakuha ng mga survivor ang pangalan ng barko.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations sa nawawala pang mga mangingisda.

The post Bangka sinalpok ng barko, 1 patay appeared first on Remate.


Gusali ng Ajinomoto tinupok ng apoy

$
0
0

NASUNOG ang bahagi ng isang gusali ng Ajinomoto sa Makati City, kaninang madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang iulat ang sunog sa bahagi ng Buendia, kanto ng Nicanor Garcia Avenue, sa Barangay Bel-Air.

Alas-12:05 nang iakyat sa unang alarma ang sunog sa ikalawang palapag ng building na idineklara namang under control alas-12:30 ng madaling-araw.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Inaalam pa rin ang naging sanhi ng sunog.

The post Gusali ng Ajinomoto tinupok ng apoy appeared first on Remate.

4 tepok sa salpukan ng trak at kotse sa Cavite

$
0
0

NAMATAY ang apat katao sa banggaan ng trak at kotse sa bahagi ng Aguinaldo Highway sa San Agustin 1, Dasmariñas, Cavite, ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Dasmariñas Police Supt. Carlos Barte, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang Isuzu trailer truck (TXG 625) na minamaneho ni Rico Andes, ng Tandang Puyo sa Tanay, Rizal; at isang Honda SIR (WHF 898).

Kabilang sa mga binawian ng buhay ang drayber ng kotse na si Joan Toledo habang wala pang pagkakakilanlan ang tatlo pang namatay.

Ayon sa pulisya, patungong Tagaytay ang trak habang biyaheng Maynila naman ang sasakyan ni Toledo nang maganap ang aksidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak habang iniimbestigahan pa rin ang aksidente.

The post 4 tepok sa salpukan ng trak at kotse sa Cavite appeared first on Remate.

5-anyos na bata binoga ng tiyuhin, kritikal

$
0
0

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang 5-anyos na bata nang aksidenteng mabaril ng kanyang tiyuhin sa Ilocos Norte.

Nasa kustodiya pa rin ng PNP sa Dingras, Ilocos Norte ang suspek na nakabaril sa kanyang pamangkin na si Jeffrey Rico, 30, ng Barangay Elizabeth, nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, aksidenteng nabaril ng suspek ang biktima na si Jona Rose Ditad, 5, habang nilalaro ang kanyang baril na caliber 38 revolver.

Bigla na lang nakalabit ng suspek ang trigger ng baril at natamaan sa noo ang biktima.

Sa ngayon, nanatiling kritikal ang kondisyon ng biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac.

Dahil dito, posibleng mahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms ang nasabing suspek.

Nabatid na ang magulang ng biktima ay parehong nagtatrabaho sa abroad at iniwan nila ang kanilang anak sa tiyuhin nito.

The post 5-anyos na bata binoga ng tiyuhin, kritikal appeared first on Remate.

UPDATE: Kapitan utas sa sex enhancer

$
0
0

NATIGBAK sa loob ng motel ang isang barangay chairman matapos lumaklak ng sex enhancers para maangkin ang kanyang inupahang guest relation officer (GRO) sa Korodonal.

Ang biktimang si Reneboy Sulay Dalenga, tserman ng Barangay Tananzang, Lutayan, Sultan Kudarat ay pinaniniwalaang inatake sa puso matapos makipagtalik kay Jovel Mae Ringcal Loreto, GRO sa Beerlights KTV bar.

Sa ulat ng Koronadal City PNP, natuklasan ang krimen alas-4:45 p.m. nitong nakaraang Huwebes sa loob ng isang kuwarto sa nasabing Jenny’s lodging inn.

Ayon kay Loreto, bago ang insidente ay niyaya siya ng biktima na lumabas para magtalik at sa tamang presyo ay pumayag ito.

Pero nang makaisa na ang biktima, nakatulog na ito pero hindi na nagising pa.

Isasailalim naman sa awtopsiya ang bagkay ng biktima para malaman kung gumamit ito ng sex enhancing drugs bago nakipagtalik sa naturang GRO.

The post UPDATE: Kapitan utas sa sex enhancer appeared first on Remate.

UPDATE: Patay sa banggaan ng barko sa Cavite, 2 na

$
0
0

UMAKYAT na sa dalawa ang patay sa banggaan ng barko at fishing boat sa Cavite.

Sa pagpapatuloy ng search and rescue operations, Biyernes ng umaga, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Arman Balilo na natagpuan na ang bangkay ng isa sa 10 nawawala.

Kinilala itong si Vincent dela Cruz.

Nakita ang labi sa loob ng lumubog na F/B Dan Israel.

Una nang narekober ang isang bangkay nitong Huwebes.

Miyerkules ng gabi nang banggain ng hindi natukoy na malaking barko ang fishing boat sa bahagi ng Ternate at Caballo Island.

Dalawang barko naman ang iniimbestigahan ng PCG sa Port of Manila na posibleng may kinalaman sa insidente.

The post UPDATE: Patay sa banggaan ng barko sa Cavite, 2 na appeared first on Remate.

Japan niyanig ng magnitude 6.3 na lindol; 17 sugatan

$
0
0

NIYANIG ng magnitude 6.3 na lindol ang Japan, Biyernes ng madaling-araw.

Batay sa report ng public broadcaster NHK, 17 ang nasugatan sa malakas na pagyanig pero wala namang kritikal sa mga biktima.

Binalaan ng mga opisyal ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagguho ng lupa matapos ang pagyanig.

Wala pa namang naiulat na malaking pinsala at wala ring itinaas na tsunami warning.

Batay sa tala ng USGS, tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa layong 13 kilometro hilaga ng Kunisaki-shi.

The post Japan niyanig ng magnitude 6.3 na lindol; 17 sugatan appeared first on Remate.

Binatilyo patay sa birthday party

$
0
0

PATAY ang isang binatilyo matapos barilin ng kalabang gang habang nakikipag-inuman ang una sa birthday party ng kaibigan sa Caloocan City, Huwebes ng gabi, Marso 13.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jayson Arcega, 16, ng Gen. Mascardo St., Bagong Barrio.

Nadakip naman si Jimboy Gomez, 19, ng Kalayaan St., Bagong Barrio habang nakatakas ang hindi pa kilalang mga kasama.

Sa ulat, alas-10:45 ng gabi, nakikipagsaya at nakikipag-inuman ang biktima sa birthday party ng kaibigan na si John Michael Santos sa Milagrosa St., Bagong Barrio nang sumulpot ang mga suspek at putukan ang mga nag-iinuman kung saan nahagip ang biktima.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek na kalabang grupo ng nasawi habang dinala naman sa MCU ang biktima kung saan nadakip si Gomez sa isinagawang follow-up operation habang nakatakas ang mga kasama.

The post Binatilyo patay sa birthday party appeared first on Remate.


Pinakamayaman sa Northern Ireland patay sa helicopter crash

$
0
0

KASAMA sa apat na namatay sa helicopter crash sa eastern England ang pinakamayaman na tao sa Northern Ireland.

Si Lord Ballyedmond o mas kilala sa tawag na Edward Haughey ay sakay sa twin-engine helicopter nang bumagsak malapit sa bayan ng Beccles sa Norfolk.

Sinasabing ang dahilan ng aksidente ay dahil sa mahamog na panahon.

Ang 70-anyos na si Haughey ay founder at chairman ng Norbrook, isang veterinary pharmaceuticals company.

Ayon sa Rich List of 2013 ng pahayagang The Sunday Times, may kabuuang yaman si Haughey na umaabot sa £860 million ($1.43 billion) o nasa 1.0 billion euros.

The post Pinakamayaman sa Northern Ireland patay sa helicopter crash appeared first on Remate.

7 patay sa suicide bombing sa Pakistan

$
0
0

SUOT ang 14 kilong pampasabog, umatake ang suicide bomber sa Peshawar, Pakistan.

Umabot sa pitong katao ang namatay at hindi bababa sa 28 ang sugatan sa nasabing suicide bombing attack.

Ayon kay Peshawar police spokesman Faisal Kamran, target ng suspek ang armored personnel carrier at nang makalapit dito ay saka pinasabog ang sarili.

Wala pang grupo na umaako sa pag-atake.

The post 7 patay sa suicide bombing sa Pakistan appeared first on Remate.

Bebot nag-shoplift ng corned beef tiklo

$
0
0

TIKLO ang isang babae matapos mag-shoplift sa isang establisyemento sa Dinagaan, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si Geraldine Ranada, 26.

Ayon sa ulat ng Albay Police Provincial Office, nabatid na papalabas na sana sa 7/11 ang suspek nang harangin ni Magelyn Luna, 23.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang McNeil at Libby’s corned beef na nagkakahalaga ng P212 na hindi pa nababayaran.

Agad namang dinala sa PNP ang naturang suspek na kinasuhan ng theft.

The post Bebot nag-shoplift ng corned beef tiklo appeared first on Remate.

17 SAF members sugatan sa aksidente

$
0
0

NILALAPATAN na ng lunas ang 17 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) makaraang maaksidente sa Poblacion, Kiamba, Sarangani Province kaninang alas-2:50 ng madaling-araw.

Nabatid na pabalik na sa General Santos City ang 35 pulis sakay sa isang truck nang maganap ang aksidente mula sa Palembang, Sultan Kudarat.

Napag-alaman na nawalan ng kontrol ang driver  na si Po3 Clemente sa kurbadang bahagi ng National Highway Poblacion sa nabanggit na bayan.

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot ang mga biktima sa Mindanao Medical Center sa General Santos City.

The post 17 SAF members sugatan sa aksidente appeared first on Remate.

10-wheeler truck sinuwag ang motor, 3 tepok

$
0
0

PATAY ang tatlong sakay ng motorsiklo nang salpukin ng 10-wheeler truck sa Butuan.

Namatay noon din ang mga biktima na sina Jun Leonard Mañego, ng Brgy. Banza nasabing lungsod at John Michael Donaire na taga-Mandacpan, Brgy. San Vicente.

Nadala pa sa ospital ang driver na si Eldrian Gurnea, 27, binata at residente ng Emenville Subdivision sa Brgy. Ambago ngunit namatay din pagkalipas ng ilang minuto.

Nalaman sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang mga biktimang nakasunod sa truck at  binabaybay ang highway ng Brgy. Baan Km. 4 pasado alas-nueve Biyernes kagabi, nang bigla na lang lumiko ang driver ng truck  kaya na-sidesweep ang motorsiklo at tumilapon ng halos 30 metro ang mga biktima.

Na-impound na sa Butuan City Police Station 1 ang truck habang patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng driver na tumakas upang managot sa naturang insidente.

The post 10-wheeler truck sinuwag ang motor, 3 tepok appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>