Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Ex-police chief, driver utas sa pamangkin ng vice mayor

$
0
0

DAHIL lamang sa gitgitan ng sasakyan, pinagbabaril ng pamangkin ni Rosario, Agusan del Sur Vice Mayor Julie Chua ang dating chief of police ng Nasipit Police Station at ang drayber nito kaninang umaga, Mayo 12.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Sr./Insp. Abraham Mangelen, kasalukuyang assistant executive officer ng Provincial Public Safety Company at ang driver nitong si Joel Timbal, 35, residente ng Punta, Nasipit.

Sumuko naman agad sa pulisya at nahaharap sa kasong murder ang suspek na si Rezly Bution Chua, alyas Ugong, binata, at residente ng Barangay Sta. Cruz, Rosario. Si Chua na isang negosyante ay miyembro rin ng Rosario Gun Club.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:25 ng umaga sa national highway sa bayan ng San Francisco.

Ayon kay P/Supt. Rodelio Roquita, hepe ng San Francisco-PNP, nakagitgitan ng drayber ni Mangelen ang suspek na naka-motorsiklo sa may bayan ng Rosario.

Pagsapit naman sa bayan ng San Francisco na bahagi ng Agusan del Sur, pinagsabihan ni Mangelen ang suspek na magdahan-dahan sa pagmamaneho dahil baka makadisgrasya ito.

Nawala ang suspek at pagkalipas ng ilang minuto ay bigla itong sumulpot sa harapan ng biktima at agad itong binaril sa ulo.

Binaril din ng suspek ang drayber ni Mangelen nang magtangka itong tumakas.

The post Ex-police chief, driver utas sa pamangkin ng vice mayor appeared first on Remate.


Bahay ng bise-alkalde sa Alaminos nilooban

$
0
0

ALAMINOS, PANGASINAN – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga umano’y miyembro ng “akyat-bahay gang” na siyang nanloob sa bahay ni Alaminos Vice Mayor Earl James Aquino.

Kulang-kulang na P1 milyon ang natangay ng mga kawatan sa Don Simeon Cabrito St., Barangay Poblacion, sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, umaga na nang mapansin ng kasambahay na bukas ang main gate ng bahay kaya sinabi niya ito sa kanyang amo.

Nadiskubre ng kasambahay ni Aquino na nawawala na ang kanilang assorted jewelry at mga ilang mahahalagang gamit.

Sinabi ng pulis na baka kakilala nina vice mayor ang salarin dahil hindi man lang tumahol ang mga aso noong magyari ang insidente.

The post Bahay ng bise-alkalde sa Alaminos nilooban appeared first on Remate.

4 kelot, timbog sa holdap sa Pasay

$
0
0

KALABOSO ang apat na holdaper na pawang binubuo ng mga kabataan nang madakip ng mga nakatalagang pulis sa 34th ASEAN Association of Chief of Police (ASEANPOL) Conference kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla ang mga nadakip na suspek na sina Alvin Regino, 24, Anthony Enriquez, 25, Joel Hanz, 22, at Angelo Soriano, 22, pawang mga residente sa naturang lungsod.

Matatandaang iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima ang pagtatalaga ng 2,000 pulis na mangangalaga sa seguridad sa idaraos ngayong 34th ASEANPOL sa Sofitel Hotel sa CCP Complex, Pasay City.

Ala-1:30 ng madaling-araw nang magsagawa ng panghoholdap ang mga suspek, kasama ang isa pang hindi pa nadarakip, sa tatlong pasahero ng jeep sa Buendia Avenue.

Pumalag ang isa sa mga biktima habang sinasamsam ng mga holdaper ang kanilang mga gamit kaya nagpaputok ng baril ang isa sa mga suspek.

Nagkataong nagpapatrulya sa lugar ang mga kagawad ng Special Reaction Unit ng Pasay police kaya kaagad nilang nadakip ang tatlo sa limang suspek habang nasakote sa follow-up operation ng pulisya si Soriano.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang kalibre .22 na baril, isang kalibre .38 at isang kalibre .32 na ginamit sa panghoholdap.

The post 4 kelot, timbog sa holdap sa Pasay appeared first on Remate.

Misis tangkang sunugin ni mister

$
0
0

KALABOSO ang isang mister nang tangkaing sunugin ang kanyang misis sa Ilocos Sur.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek na si Roderick Tubera, 39, habang ang biktima ay kinilalang si Jonalyn, isang overseas Filipino worker (OFW) na kapwa taga-Barbarit, Magsingal, nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng  pagtatalo mag-asawa dahil sa estado ng kanilang pamilya kung kaya nagalit ang mister.

Sa tindi ng galit, ikinulong ni Roderick ang misis na si Jonalyn sa kanilang kuwarto at sinilaban ang kanilang mga damit.

Mabilis na lumaki ang apoy at nadamay si Jonalyn na nalapnos ang katawan.

The post Misis tangkang sunugin ni mister appeared first on Remate.

Imbakan ng armas sinalakay ng CIDG

$
0
0

SINALAKAY ng operating units ng CIDG Northern Mindanao ang isang bahay na pinaniniwalaang imbakan ng iba’t ibang klase ng armas sa Barangay Molugan, El Salvador City, Misamis Oriental.

Narekober sa raid ang 1 caliber Garand rifle, 1 M4A1 caliber 5.56 rifle, 1 9mm pistol, dalawang rifle grenades, tatlong caliber .22 rifles, dalawang 12 gauge shotguns, at 431 assorted rounds of ammunition.

Ayon kay CIDG Chief Police Director Benjamin Magalong, ang raid ay batay sa ipinalabas na search warrant ng korte laban sa suspek na si Renif Roque Antonio Enercio na nakatakas ng matunugan ang paparating na CIDG operatives.

Sinabi ni Magalong na tinutugis na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

Nasa pag-iingat na ng CIDG Northern Mindanao ang mga narekober na mga baril.

The post Imbakan ng armas sinalakay ng CIDG appeared first on Remate.

7 patay sa diarrhea outbreak sa North Cotabato

$
0
0

SUMIPA na sa pitong katao ang namatay kaugnay sa diarrhea outbreak sa ilang barangay sa Alamada, North Cotabato.

Kinumpirma ni Alamada, North Cotabato Vice Mayor Samuel Alim ang napaulat na death toll sa naturang lugar.

Una rito, mahigit sa 100 residente ang nalason dahil sa kumalat na kemikal at napunta sa kanilang mga inumin sa naturang probinsya.

Ayon kay Alim, mistulang nagkaroon ng diarrhea outbreak sa kanilang lugar dahil dumaranas ng pagtatae, pagsusuka at pagsakit ng tiyan ang mga biktima.

Kagabi ay marami pa ang isinugod sa Alamada Community Hospital at sa barangay health center.

Ang ibang mga pasyente ay dinala na lamang ng mga kaanak sa mga pagamutan sa Midsayap.

Sinabi pa ng bise-alkalde na hanggang ngayong umaga ng Martes ay meron pa ring dinadala dahil umeepekto pa ang kemikal.

Sa inisyal na impormasyon, nabatid na nag-spray ang mga magsasaka ng kemikals sa palayan na ginagamit laban sa mga kulisap.

Pero nitong nakaraang Sabado ng gabi umulan ng malakas na siyang naging dahilan para humalo umano ang gamot sa tubig patungo sa inumin ng mga residente.

Maaaring dumaloy umano ang kemikal sa mga balon na ginagamit sa pag-inom at dito na nalason ang mga residente.

Ayon pa sa vice mayor, batay sa inisyal na imbestigasyon ng kanilang municipal health officer na si Dra. Bandala, posibleng ang ginamit na herbicide ang dahilan ng pagkalasonng mga tao.

Ngayong araw inaasahang magpapalabas ng opisyal na resulta ang mga awtoridad sa isinagawang laboratory test mula sa nakuhang specimen o tubig na nainom ng mga biktima.

The post 7 patay sa diarrhea outbreak sa North Cotabato appeared first on Remate.

2 bata todas sa meningo sa Maynila

$
0
0

PATAY sa meningococcemia ang dalawang batang babae sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman, Linggo ng gabi nang bawian ng buhay ang isang buwan na sanggol habang ang isa pang biktima na 4-anyos na babae ay noong isang linggo pa namatay.

Nabatid na huli na nang dalhin sa nasabing pagamutan ang mga biktima kaya hindi na nagawan pa ng paraan na maisalba ang kanilang buhay.

Sa tala ng San Lazaro, nasa 10 na ang dinala sa ospital dahil sa sakit na meningococcemia simula noong Enero, kabilang ang dalawang batang nasawi.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DoH) na hindi agad nakakahahawa ang naturang sakit na bacterial infection at nagdudulot ng impeksyon lalo na kapag mahina ang resistensya ng isang tao.

Ang sintomas nito ay lagnat, pagsusuka, pananakit ng ulo at rashes.

The post 2 bata todas sa meningo sa Maynila appeared first on Remate.

Sunog sa police HQ sa Taguig binubusisi na

$
0
0

BINUBUSISI na ng mga kinauukulan ang sanhi ng apoy na tumupok sa anim na units ng dalawang palapag na police quarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig kagabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:00 kagabi nang sumiklab ang apoy na umabot sa ikaapat na alarma bago naapula matapos ang dalawang oras.

Walang napaulat na nasaktan sa sunog, na inaalam pa ang dahilan.

Inaalam na ng arson investigator kung faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halagang pinsala nito.

The post Sunog sa police HQ sa Taguig binubusisi na appeared first on Remate.


Mag-ina nalitson sa Cavite fire

$
0
0

NALITSON nang buhay ang isang mag-ina nang ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Cavite kaninang madaling-araw, Mayo 13.

Sinabi ni Senior Supt. Joselito Esquivel, Cavite police director, na ang mag-ina ay nakilalang sina Susan Reglos, 37 at ang kanyang anak na si John Joey, 7.

Sa ulat, nag-umpisa ang sunog alas-3 ng madaling-araw sa bahay ng mag-ina sa Barangay Sta. Fe, Dasmariñas, Cavite.

Nadamay din ang tatlo pang kabahayan na pag-aari nina Gomerzindo Jacob, Amil Reglos at Ruelito Azardon bago tuluyang naapula ang sunog isang oras ang nakalipas, pahayag ni Esquivel.

Sa pahayag naman ni P/Supt. Carlos Barde, Dasmariñas police chief, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang apat na kabahayan habang ang ilan naman sa mga residente sa lugar ay nakatakas sa nagliliyab na apoy

Inaalam pa ng The Bureau of Fire kung ano ang pinagmulan ng apoy pero inihayag na ang mga nasuog na mga ari-arian ay umabot sa P2 milyon.

The post Mag-ina nalitson sa Cavite fire appeared first on Remate.

Lolo nahulog sa tricycle, patay

$
0
0

PATAY ang isang 80-anyos na lalaki matapos mahulog sa sinakyan tricycle sa Caloocan City, Martes ng umaga, Mayo 13.

Dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng pinsala sa ulo si Charlie Latuna, Sr., ng Tanigue St., Navotas.

Sumuko naman sa mga pulis si Cezar Avila, 49, ng Phase 3, Dagat-Dagatan, ng lungsod.

Ayon kay Senior Insp., Pablo Temenia, hepe ng traffic ng Caloocan Police, alas-10 ng umaga, pauwi na ang biktima matapos bumili ng kahoy at nakasakay sa likod ng tricycle na minamaneho ni Avila nang pagsapit sa Tanigue St., ng lungsod ay biglang nahulog.

Tumama ang ulo ng biktima sa sementadong kalsada na agad na dinala ni Avila sa PLM ngunit idenekalara nang dead-on-arrival.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

The post Lolo nahulog sa tricycle, patay appeared first on Remate.

Ginang inutas sa madyongan

$
0
0

UTAS ang isang ginang nang pagbabarilin habang nagma-madjong kasama ang kanyang kapitbahay sa Quezon City kahapon ng hapon, Lunes, Mayo 12.

Kinilala ang biktima na si Marissa Suntario, 43, balo, ng 8 Matias St., Brgy. Paltok, QC.

Idineklarang dead-on-arrival ang biktima sa Quezon City General Hospital (QCGH) dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ayon kay SPO1 Richard Managuelod ng QCPD station 2 Masambong, naganap ang insidente sa Matias St. Brgy Paltok, QC dakong 5:30 ng hapon.

Sa ulat, nakikipaglaro ng madjong ang biktima nang pasukin ng isang salarin na nasa 5’8 ang taas, mataba ang pangangatawan, naka-jacket at pantalon na itim, naka-helmet ang bahay na kinaroroonan ng biktima.

Malapitang pinagbabaril ang biktima at nang nakalugmok na ay binaril pa sa ulo para matiyak na patay ito.

Matapos ang pamamaril tumakas ang suspek sakay ng isang hindi naplakahang motorsiklo.

The post Ginang inutas sa madyongan appeared first on Remate.

Kelot timbog sa panghoholdap sa clinic

$
0
0

KALABOSO ang isang lalaki matapos holdapin at pagbantaang papatayin ang optometrist dahil may sakit umano ang anak ng una sa Valenzuela City, Lunes ng gabi, Mayo 12.

Nahaharap sa mga kasong robbery with threat ang intimidation at illegal possession of deadly weapon si Raymart Nota, 21, ng Doneza St., Balubaran, Malinta ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Donna Doma, 48, alas-6 ng gabi ay nasa loob siya ng kanilang clinic na De Guzman-Doma Optical sa Gov. Santiago, Malinta ng lungsod nang pasukin ng suspek at tutukan ng balisong.

Nagdeklara ng holdap ang suspek at sinabing “Kailangan ko ng pera”, subalit sinabi ng biktima na P100 lang ang pera niya.

Sumagot ang suspek na kailangan nito ng P500 dahil may sakit umano ang kanyang anak hanggang sa sabihin ng biktima na pakawalan siya at uutang sa mga kaibigan upang maibigay ang hinihingi ni Nota.

Sinabi ng suspek “magsusumbong ka lang, eh, sasaksakin kita kapag hindi ka nagbigay.”

Sa takot ay kinuha ng biktima sa kanyang bag ang P200 at iniabot sa suspek na agad nitong kinuha at tumakas.

Sumunod ang biktima hanggang sa makasalubong ng mga pulis at sinabi ang nangyari dahilan upang maabutan ang suspek at madakip.

Dinala sa presinto ang suspek at sinampahan ng mga nasabing kaso kung saan inaalam rin ng mga pulis kung totoong may sakit ang anak ni Nota upang kahit papaano ay matulungan sa pagpapagamot.

The post Kelot timbog sa panghoholdap sa clinic appeared first on Remate.

Yaya patay sa rumaragasang SUV

$
0
0

PATAY ang 28-anyos na yaya nang masagasaan ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV) habang naglalakad sa makipot na lansangan ng Protacio St., kagabi sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Laila Opiana, naninirahan sa 2628 Cabrera St. sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, naglalakad si Opiana patungo sa isang tindahan malapit sa 74th Street upang bumili ng mineral water nang mabundol ng rumaragasang Toyota Fortuner (NLQ-963) na minamaneho naman ni Hazel Mallari Chilton, 35 ng 20-A Joaquin St., San Lorernzo Villagem, Makati City.

Dahil sa lakas ng pagkakabundol, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima hanggang sa maipit pa ang katawan nito sa konkretong poste ng gate ng isang bakanteng lote.

Sumuko naman sa pulisya si Chilton makaraan ang insidente at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

The post Yaya patay sa rumaragasang SUV appeared first on Remate.

Kelot binoga sa loob ng kotse, utas

$
0
0

talosa

PATAY ang isang 34-anyos na lalaki matapos tambangan ng ‘di nakilalang suspek kagabi sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Laurete Tollosa.

Si Tollosa ay inabutan ng pulisya na nakaupo pa sa drivers seat ng kanyang sasakyang pula na Ford Explorer (XPL 800) sa Quezon Avenue sa kanto ng Carlos Palanca Street, sa Quiapo, Maynila alas-8:45 kagabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na tumagos sa ilalim ng tenga at batok.

Narekober naman sa sasakyan ng biktima ang dalawang basyo at isang deformed na bala ng 9mm pistol.

Hinala ng pulisya, maaaring malapitan ang pagbaril sa biktima dahil may powder nur nito sa ulo.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung kaninong fingerprint ang nakita sa sasakyan ng biktima.

Nabatid pa na nakabukas pa ang pinto at umaandar pa ang makina ng sasakyan ng biktima nang datnan ito ng mga imbestigador.

The post Kelot binoga sa loob ng kotse, utas appeared first on Remate.

Adik na miyembro ng BIFF, kinumpirma ng PDEA

$
0
0

KINUMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na gumagamit ng iligal na droga ang ilang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang isinagawang kumpirmasyon ay kasunod ng ginawang pagsalakay ng PDEA, PNP at Philippine Army sa barangay Sapakan sa Raja Buayan sa Maguindanao na napasabak sa bakbakan ang mga awtoridad sa 10 armadong lalaki na miyembro ng BIFF sa pamumuno ng isang commander Marok.

Ayon kay PDEA ARMM Director Yogi Ruiz, naaresto nila ang isang Datu Naut Salilia alyas Akwanok at narekober ang mga armas at isang sachet ng shabu.

Dahil dito, sinabi ni Ruiz na unti-unti na nilang nakukumpirma ang kanilang hinalang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga miyembro ng BIFF bilang pantawid gutom at pampalakas-loob sa kanilang pakikibaka sa grupong militar.

The post Adik na miyembro ng BIFF, kinumpirma ng PDEA appeared first on Remate.


Salvage victim natagpuan sa Ilocos Norte

$
0
0

BANNA, ILOCOS NORTE – Isa umanong biktima ng “summary execution” ang isang lalaking natagpuang patay sa bayan ng Banna, Ilocos Norte.

Kinilala ng Banna Philippine National Police (PNP) ang biktima na si Jose Cacao, 56, ng Barangay Sinamar, sa nasabing bayan.

Ayon kay Banna chief-of-police Sr. Insp. Jepreh Taccad, halos maputol na ang leeg ng biktima sa mga taga.

Sinabi pa ni Taccad na puro taga ang katawan ng biktima.

Ayon sa pulisya, ito na ang pangalawang beses na may natagpuang salvage victim sa bayan ng Banna.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

The post Salvage victim natagpuan sa Ilocos Norte appeared first on Remate.

Kelot todas sa trailer truck

$
0
0

SUMEMPLANG muna bago nasagasaan ng isang trailer truck ang nakagitgitan nitong rider sa Quezon City kaninang madaling-araw, Mayo 14.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktima na kinilalang si Paul Joseph Ignacio.

Tumakas naman agad ang hindi nakilalang drayber ng trak na ngayo’y pinaghahanap na para panagutin sa krimen.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 3 ng madaling-araw sa isang bisinidad sa Mindanao Avenue, Q.C.

Ayon sa nakasaksi, nakagitgitan ng biktima ang isang trailer track na hindi nakuha ang plaka kaya ito sumemplang sa kalsada.

Sa pagtimbuwang ng biktima, minalas na nasagasaaan pa ng naturang trak ang mismong ulo nito.

Hindi naman nahagilap pa ang trak na nakasagasa nang dumating ang mga rumespondeng traffic investigators.

Bagama’t may natagpuang helmet sa lugar, maaring hindi ito suot ng biktima.

The post Kelot todas sa trailer truck appeared first on Remate.

Gunman sa shooting spree sa Fairview, handang mamatay

$
0
0

BAGAMA’T may nadampot na ang pulisya na mga suspek sa Fairview shooting spree nitong nakaraang Linggo ng madaling-araw, patuloy pa ring hinahanting ng Quezon City Police District (QCPD) operatives ang mismong ‘gunman’ sa pamamaril.

Kaya para makatulong na mahuli agad, inilabas na kaninang umaga, Mayo 14, ng QCPD ang larawan ng suspek sa publiko na nakilalang si Mohamad ‘Walad’ Mautin Sandigan.

Pero agad namang nagbabala si QCPD Criminal Investigation and Detection Unit head Chief Inspector Rodel Marcelo na ang suspek ay lubhang mapanganib dahil magaling itong mamaril.

Bukod pa rito, tiyak na bukod aniya sa handa itong pumatay at mamatay ay kargado ito ng malalakas na klase ng armas para ipagtanggol ang sarili.

Magaling rin aniya si Mautin sa paggamit ng baril dahil ang halos ng kanyang binaril sa Fairview shooting spree ay sa ulo ang tama.

Si Mautin at isa pang kasamahan, ang itinuturong walang habas na namaril sa limang katao sa magkakahiwalay na insidente sa may Regalado Avenue sa North Fairview noong Mayo 11, alas-3 ng madaling-araw.

Nitong Martes ng hapon lamang, dinampot sa isang follow-up operation ang anim na kalalakihan sa kanilang hideout sa Fairmont subdivision.

Pero dalawa rito na ang isa ay menor-de-edad ay pinakawalan din habang ang isa naman ay dinidiin na siyang angkas ni Mautin sa motorsiklo at ang tatlo naman ay pinasinungalingan na may kinalaman sila sa insidente. Ipinakustodiya na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naturang menor-de-edad.

Nabatid din na ang isang kulay pulang motorsiklo na may plakang 1483 na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril ay nasangkot na rin sa fatal shooting sa isang jeepney driver noong Oktubre 2013.

Sa kabilang dako, hindi pa rin malaman hanggang ngayon ang tunay na motibo sa pamamaril.

“Kung babasahin mo ang naging aksyon nila, parang walang dahilan para mamaril sila unless may sarili silang kadahilanan o galit na namamayani sa kanila,” dagdag pa ni Marcelo.

The post Gunman sa shooting spree sa Fairview, handang mamatay appeared first on Remate.

Konsehal, misis tiklo sa droga at armas

$
0
0

NAKUWELYUHAN sa drug-bust operation ang isang konsehal at asawa nito sa Maguindanao, kaninang umaga, Mayo 14.

Hindi na nakapalag pa nang ihain ng pulisya sa suspek na si Nasser Buat, municipal councilor ng Matanog, Maguindanao at sa kanyang misis na si Tarhata ang isang search warrant na ipinilabas ni Judge Bansawan Ibrahim ng Regional Trial Court (RTC) Branch 13.

Bukod sa nakumpiskang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P130,000, nasamsam din ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ARMM ang tatlong loose firearms kabilang ang isang M16 rifle at dalawang kalibre .45 baril at iba pang drug paraphernalia at bala.

Kabilang si Councilor Buat sa 12 target sa listahan ng PDEA-ARMM habang nasa watchlist naman ang asawa nito.

Kinumpirma ng PDEA na naaresto na rin noong 2009 si Buat sa parehong kaso.

Nakakulong na ang dalawa sa PDEA-ARMM at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at RA No. 10591 o Illegal Possession of Firearms.

The post Konsehal, misis tiklo sa droga at armas appeared first on Remate.

Buntis na inmate muntik mapaanak sa selda

$
0
0

MUNTIK nang manganak sa selda ang buntis na nakulong dahil sa kasong pakikiapid sa Caloocan City, Martes ng gabi, Mayo 13.

Babae ang naging anak ni Joanna Castañeda, 35, ng Matahimik St., ng lungsod.

Sa record ng mga pulis, alas-7 ng umaga noong Mayo 11, 2014 nang madakip si Castañeda kasama ang kalaguyo na si Marlon Corcelles, 46, sa nasabing lugar dahil sa reklamong adultery ng asawa ng una na si PO3 Sherwin Castañeda, 37, nakatalaga sa Novaliches Police Station.

Isinelda ang buntis kahit kabuwanan na at alas-7 ng gabi nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang una dahil malapit nang manganak.

Agad na iniutos ni SPO4 Alexander Vergara, hepe ng Caloocan City Police Jail Section sa kanyang mga tauhan na dalhin na sa Caloocan Medical Center.

Pagsapit sa CMC ay kailangang mase-caesarian ng buntis at kailangan ng pera subalit walang dala na naging dahilan upang mag-ambagan ang mga naka-duty sa Jail Section.

Nagawa naman makumpleto nina Vergara ang kailangan at agad na isinalang ng buntis ang sanggol na babae.

The post Buntis na inmate muntik mapaanak sa selda appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>