Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Taxi driver todas sa tarak sa QC

$
0
0

TIGBAK ang isang taxi driver makaraang saksakin ng isang hindi pa kikilalang suspek sa Quezon City kaninang umaga, Mayo 16, Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Michael Pascual, 36, may asawa, ng No. 303 15th Avenue, Brgy. E. Rodriguez, QC.

Ayon kay PO2 Ric Roldan Pittong ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente alas-6:55 ng umaga sa Nawasa Pumping Station covered court sa may 15th Avenue E., Garcia St., Brgy Silangan, QC.

Ayon sa isang Rey Pascual, tiyuhin ng biktima, siya ay napagsabihan ng isang kapitbahay na ang biktima umano’y nasaksak sa kanilang lugar.

Agad na pinuntahan ng tiyuhin ng biktima ang nasabing lugar at nadatnan ang pamangkin na nag-aagaw-buhay.

Sa tulong ng kapatid ng biktima, agad na dinala si Pascual sa World City Medical Center subalit hindi na ito umabot na buhay.

Nagtamo ng saksak sa kanang bahagi ng dibdib at kaliwang bahagi ng palad ang biktima.

Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang naturang insidente.

The post Taxi driver todas sa tarak sa QC appeared first on Remate.


Ama hinalay ang anak na nene, timbog

$
0
0

rape-timbog

KALABOSO ang isang lalaki matapos umanong halayin ang anak sa Caloocan City, Huwebes ng gabi, Mayo 15.

Nakilala ang suspek na si Ramon Bragais, 40, ng Bagumbong ng lungsod.

Sa ulat, umuwi nang lasing ang suspek at hinalay ang 10-anyos na anak nito sa loob ng kanilang bahay.

Dahil nasa ibang bansa ang ina ng biktima ay sa tiyahin niya ito nagsumbong na dahilan upang samahan sa presinto ang nene at ipadakip ang suspek.

Inaalam na rin ng mga pulis kung gumagamit ng droga ang suspek.

The post Ama hinalay ang anak na nene, timbog appeared first on Remate.

Anak ng dating councilor, tigok sa road accident

$
0
0

PATAY sa naganap na road accident ang anak ng dating councilor sa lungsod ng Koronadal.

Kinilala ang biktima na si Francis Jade Calixton, 27, ng Guanzon Village, Barangay Morales, Koronadal City, anak ni dating Koronadal City Councilor Floro Calixton.

Ayon kay SPO3 Marmonejo ng Koronadal City Traffic, nag-overtake umano ang isang Fuso dropside na may plate No. KES 874 na minamaneho ni Joven Baguio, 38, ng Prk. 5, Barangay Lagao, General Santos City.

Nabangga ang minamanehong motorsiklo ni Calixton ang itim na XRM na motorsiklo.

Dito, na-side sweep ang motor ni Calixton na naging dahilan ng aksidente at kamatayan nito.

The post Anak ng dating councilor, tigok sa road accident appeared first on Remate.

Nigerian nat’l sugatan sa sunog sa QC

$
0
0

NASUGATAN ang isang Nigerian national sa sunog sa Christian church sa panulukan ng Kamuning Road at T. Gener Street sa Kamuning, QC.

Nagsimula ang sunog alas-6:45 ng umaga nang natupok ang bahagi ng simbahan ng Team Ministries International.

Matapos ang mahigit isang oras, alas-7:05 ng umaga naapula ang sunog na tumupok sa tinatayang P500,000 halaga ng ari-arian.

Sinabi ni F/Supt Jesus Fernandez ng QC Fire Department, nag-umpisa ang sunog sa kwarto na natutulog ang Nigerian na si Gerry Gideon, 29.

Nalapnos sa braso at na-suffocate ang dayuhan dahil sa insidente. Agad naman itong nadala sa katapat na Delgado Hospital.

Napag-alamang umuupa ang Christian group sa gusaling pagmamay-ari ng Maico Kanahashi.

Pansamantalang hindi nadaanan ang kalsada sa lugar dahil sa dami ng mga fire truck.

The post Nigerian nat’l sugatan sa sunog sa QC appeared first on Remate.

4 bata natusta sa sunog sa Dolores, Quezon

$
0
0

NATUSTA ang apat na bata matapos makulong sa nasunog na bahay sa Barangay Bulakin, Dolores, Quezon, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ella Prudencio Medrano, 8-anyos; Jonmar Prudencio Medrano, anim; Mark Prudenciano Rebenito, apat at Jasmin Prudenciano Rebenito, isa.

Sa imbestigasyon ng Dolores Police, napag-alamang nagsindi ng kandila ang panganay na kapatid ng mga biktima na si Juana Rebenito, 13 at iniwan ito dakong alas-9:00 ng gabi.

Makalipas umano ng 45 minutos, napansin nito na nasusunog na ang bahay kaya tumakbo ito sa labas para humingi ng tulong.

Nang ito’y makabalik. tupok na ang bahay na yari sa pawid, kawayan at sawali.

Magkakasamang nasunog sa bahay ang mga nakulong sa loob na apat na bata.

Napag-alamang wala sa tahanan ang mga magulang na nagtatrabaho sa San Pablo City nang maganap ang sunog.

The post 4 bata natusta sa sunog sa Dolores, Quezon appeared first on Remate.

Bus vs jeep sa QC, 9 sugatan

$
0
0

SIYAM ang sugatan nang magbangaan ang isang pampasaherong bus at jeep sa Quezon City kaninang umaga, Mayo 17.

Sa ulat, karamihan sa mga biktima na hindi nakuha ang mga pangalan ay pasahero ng jeep at nagtamo lamang ng minor injuries.

Matapos malapatan ng lunas sanhi ng tinamong iba’t ibang pinsala sa ulo at katawan ay pinauwi rin naman agad ang mga nasaktang biktima.

Kapwa naman inimbitahan ng pulisya ang drayber ng Mersan Bus (UVN-403) at ang nagmamaneho ng dyip na may plakang (TWR-788) na hindi nakuha ang mga pangalan para kunan ng pahayag.

Sa impormasyon mula sa MMDA, pasado alas-9:10 ng umaga nang maganap ang insidente sa may Commonwealth Avenue sa may bandang Philcoa.

Ayon sa nakasaksi, naghihintay ng pasahero ang naturang dyip sa lugar nang biglang banggain ng naturang bus

The post Bus vs jeep sa QC, 9 sugatan appeared first on Remate.

Mister utas, misis kritikal sa ambush sa Masbate

$
0
0

PATAY ang isang mister habang nasa kritikal na kondisyon ang misis nito sa naganap na ambush sa Masbate.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang may kaugnayan sa away sa lupa ang motibo sa pananambang sa isang pamilya sa Aroroy, Masbate.

Kinilala ang napatay na biktima na si Salvador Cedillo, 25, habang kritikal naman ngayon sa ospital ang 24-anyos na misis nitong si Beverly Cedillo.

Himala namang nakaligtas ang 4-anyos nilang anak na nagkaroon lamang ng mga galos sa katawan matapos bumagsak sa kalsada ang sinasakyan ng mga ito.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng pamilya ang daan sa Sitio Bungcayao, Barangay Mariposa pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng hindi mabilang na mga armadong lalaki at saka pinaulanan ng bala.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

The post Mister utas, misis kritikal sa ambush sa Masbate appeared first on Remate.

Coast guard, 1 pa todas sa bodyguard ng tatay ni Kim Chiu

$
0
0

OCCIDENTAL MINDORO- Dalawa ang patay kabilang ang isang miyembro ng coast guard matapos pagbabarilin ng isang miyembro ng Philippine Army (PA) at sinasabing bodyguard ng tatay ng aktres na si Kim Chiu sa Occidental, Mindoro.

Kinilala ang mga biktima na sina Joebert Egina, coast guard at si Charwen Martizano, ng Barangay Poblacion V. San Jose Occidental Mindoro, idineklarang dead-on-the spot sanhi ng mga tama ng bala ng mataas na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa follow-up operation, naaresto ang suspek na si Saldie Santillan, Philippine army at bodyguard ng negosyanteng ama ng sikat na young star na si Kim.

Sa imbestigasyon, alas-12:50 ng hatinggabi noong May 12 nang maganap ang insidente sa tapat ng Akong Bakery, sa nasabing lalawigan.

Sa pahayag ng saksing si Eutiquio Francisco, kasama niyang naglalakad pauwi ang mga biktima nang makasalubong ang kaibigang si John Paul Sombito na nagpapasaklolo dahil binugbog aniya siya sa tapat ng Akong Bakery.

Agad nilang pinuntahan ang lugar at nakilala agad si Santillan.

Hindi pa man nakakalapit ay sinalubong sila ng isang sekyu na kinilalang si Jerry Flores at binalaang ‘wag lalapit sabay paputok ng baril.

Hinimok ni Eutiquio ang mga kasama na umuwi na subalit bigla na lamang pinukpok ng baril sa batok ng ilang beses si Joebert hanggang sa magpambuno ang dalawa at mag-agawan sa baril.

Dito na umalis si Santillan at sa kanyang pagbabalik ay may dala na itong armas at pinagbabaril sina Joebert at Martizano,

Sumisigaw naman ng hustisya ngayon ang pamilya ng dalawang pinaslang na ayon na rin sa imbestigasyon ay dati nang kaalitan ng suspek.

The post Coast guard, 1 pa todas sa bodyguard ng tatay ni Kim Chiu appeared first on Remate.


Nigerian sugatan sa nasunog na simbahan

$
0
0

SUGATAN sa sunog ang isang dayuhan nang tupukin ng apoy ang isang Christian church na kanyang tinutuluyan sa Quezon City kaninang umaga, Mayo 17.

Isinugod agad sa Delgado Hospital sanhi ng lapnos sa kanang braso at supokasyon ang biktimang si Gerry Gideon, 29, isang Nigerian national.

Sa ulat ng QC Fire Department, naganap ang insidente alas-6:45 ng umaga sa Team Ministries International na nasa kanto ng Kamuning Road at T. Gener Street sa Barangay Kamuning, QC.

Ayon kay F/Supt Jesus Fernandez, hepe ng QC Fire Department, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na nagmula ang apoy sa mismong kuwarto na tinutulugan ni Gideon.

Makalipas naman ang halos 20 minuto ay naapula na ang apoy pero nasunog ang kanang braso ni Gideon.

Umabot sa kalahating milyong piso ang danyos ng sunog.

Napag-alamang umuupa ang Christian group sa gusaling pagmamay-ari ng isang Maico Kanahashi.

Dahil sa insidente, nagsikip ang trapiko sa lugar dahil sa dami ng mga fire truck na rumesponde.

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog.

The post Nigerian sugatan sa nasunog na simbahan appeared first on Remate.

Presong yumari sa pari, tigbak sa jailguard

$
0
0

NAPATIMBUWANG ng awtoridad ang isang presong nagtangkang mang-agaw ng M16 rifle sa kanyang police escort sa Northern Samar nitong Biyernes ng umaga, Mayo 16.

Nagtamo ng tama ng bala ng 9mm service pistol sa ulo at dibdib ang presong si Gerry Espera, 39, tubong Mondragon town.

Pansamantalang kinumpiska sa nakabaril na si jailguard Nick Magdaraog ang kanyang 9mm service pistol habang iniimbestigahan sa nasabing pangyayari.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-8 ng Biyernes ng umaga sa compound ng Northern Samar sub-provincial jail sa Allen town.

Ayon kay Provincial jail warden na si Benito Lim, ilalabas pa lamang ng kulungan si Espera para dumalo sa kanyang kasong forcible abduction with rape na nakasampa sa Allen regional trial court nang agawin nito ang M16 rifle na hawak ng isang jailguard na nakilala lamang na Espada.

Binaril naman agad ni Magdaraog si Espera na isang military intelligence officer na nadismis sa serbisyo at nahaharap sa isa pang kasong kriminal  dahil sa pagpatay kay Fr. Cecelio Lucero, na isang kilalang human rights activist sa probinysa noong Setyembre 6, 2009.

Si Espera ay nakaditine sa Dancalan provincial jail sa Bobon town at dinala lang sa Allen para sa pagdinig ng kanyang kaso.

The post Presong yumari sa pari, tigbak sa jailguard appeared first on Remate.

Iniwan ng ka-live-in, sekyu nagbigti

$
0
0

TODAS ang isang sekyu matapos magbigti makaraang iwan ng ka-live nang maghinala ang huli na may ibang babae ang una sa Caloocan City, Biyernes ng gabi, Mayo 16.

Kinilala ang biktima na si Mark Fortunado, 32, ng Tanigue St., nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, naglilinis sa tapat ng kanilang bahay ang kapitbahay ng nasawi na si Alma nang mapansin ang nakabitin na katawan ng nasawi na naging dahilan upang humingi ng tulong.

May katigasan na ang bangkay ng biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis kung saan nakakuha ng suicide note na may nakasaad na “Gang mahal na mahal kita, alagaan mo si Shen, kahit kailan ikaw lang ang minahal ko kaya lang hindi mo ko pinagbigyan, sawa na ako mag-isang matulog, sobrang lungkot ko”.

Nabatid na naging malulungkutin ang biktima nang iwan ng ka-live-in na si Vilma makaraan ang pagtatalo ng dalawa.

The post Iniwan ng ka-live-in, sekyu nagbigti appeared first on Remate.

Trike driver utas sa riding-in-tandem

$
0
0

TIGBAK ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Commonwealth, Quezon City kagabi, Mayo 16, 2014.

Kinilala ang biktima na si Bio Goma, 52, ng 223 San Pascual St., Bgy. Commonwealth, QC.

Si Goma ay namatay noon din dahil sa maraming tama ng bala ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa harap ng General Dental Clinic sa Villongco St., Bgy. Commonwealth, alas-10:40 kagabi.

Sinabi ng witness na si Randy Perez sa pulisya na kasalukuyan siyang nakatayo sa naturang lugar nang dumating ang suspek na armado ng baril saka pinagbabaril ang walang kalaban-laban na biktima.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente ang 3 basyo ng kalibre .45 na baril na ginamit sa biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis para madakip ang suspek.

The post Trike driver utas sa riding-in-tandem appeared first on Remate.

Mediamen na nakinabang kay Napoles inilabas na

$
0
0

MALALAGAY sa kahihiyan ang iba pang mediamen na nakinabang kay Janet Lim-Napoles ngayong panibagong listahan ang inilabas ng hindi pa malamang kampo.

Matatandaan na nauna nang nakaladkad ang pangalan ng TV host na si Erwin Tulfo noong mga nakaraang buwan.

Sa panibagong ulat, ilan sa mga bagong nakaladkad na pangalan ay sina Korina Sanchez, Mike Enriquez, Deo Macalma, Rey Pacheco at isang Mon Arroyo.

Kaugnay nito, kanya-kanyang tanggi naman ang mga taong isinasangkot sa isyu.

Ayon kay Enriquez, maglalabas siya ng pahayag kapag nakita na niya nang buo ang laman ng testimonya pero ngayon pa lang ay tinawag na niya itong matinding kalokohan.

Sa panig naman ni Sanchez, wala aniya siyang kinalaman sa mga regalong galing kay Napoles.

Kung sinoman ang tumanggap ng regalo ay wala na silang kinalaman doon.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang ilang pangalang nababanggit sa bagong pagbubunyag.

The post Mediamen na nakinabang kay Napoles inilabas na appeared first on Remate.

1 patay sa pamamaril sa QC

$
0
0

PATAY ang isa katao habang sugatan ang isa pa sa nangyaring pamamaril sa Samonte Road sa Barangay Holy Spirit kaninang madaling-araw sa Quezon City.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Michael Bersamin, 37, habang sugatan naman sa paa ang pedicab driver na si Renato Calanao.

Sa inisyal na pagsisiyasat, ala-1:00 ng madaling-araw, nasa bahay ng kaibigan ang dalawang biktima nang bigla na lamang binaril ng hindi pa nakilalang suspek.

Ayon naman sa salaysay ng mga saksi, nakita nilang magkausap sina Calanao at ang suspek sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril.

Matapos ang pamamaril, tumakas na naglalakad lamang ang suspek na nakasuot ng sumbrero, naka-shorts ng maong at naka-t-shirt saka sumakay sa isang motor na ‘di naplakahan.

The post 1 patay sa pamamaril sa QC appeared first on Remate.

Pastor natagpuang patay sa kanyang bahay

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad ang naging sanhi ng pagkamatay ng 40-anyos na pastor ng isang Evangelical Church sa Sorsogon.

Nabatid na nakita na lamang na nakahandusay sa loob ng kanilang bahay ang biktima na si Jose Vidal, namumuno sa simbahan sa bahagi ng Bgy. Siuton, Magallanes, Sorsogon.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagulat na lamang ang mga kasama nito sa bahay nang matagpuang nakahandusay ang katawan nito sa loob ng kanilang silid at wala ng buhay.

Sa ngayon, tinutukoy pa kung may foul play sa naganap na insidente.

The post Pastor natagpuang patay sa kanyang bahay appeared first on Remate.


Dahil sa tsismis, 4-anyos inutas ng kapitbahay

$
0
0

PINATAY sa pamamagitan ng lason ang apat na taong gulang na babae ng kanyang kapitbahay sa Isabela City.

Sa ngayon, hinihintay ng Benito Soliven Police Station ang resulta ng laboratory test sa ilang organs ng bata na nilason ng kanilang kapitbahay sa Bgy. Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela para gamiting ebidensiya sa isasampang kaso.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Rosita Rodriguez, inamin na ng suspek na siya ang nagpainom ng lason sa bata dahil sa matinting galit sa kanya.

Nabatid na nag-ugat ang galit ng ginang na hindi muna ibinunyag ang pangalan, dahil sa palagi nilang pag-aaway ng nanay ng biktima dahil sa tsismis.

Para makaganti sa bata, lason umano na ginagamit na pamatay sa daga ang inihalo ng suspek sa ipinainom sa bata.

Ayon naman kay P/S/Insp. Fredimar Quitevis, hepe ng Benito Soliven Police Station, nakahanda na ang pagsasampa ng kaso sa piskalya laban sa suspek.

Nasa kanilang pag-iingat na ang sinumpaang salaysay ng barangay kapitan ng Maluno Norte dahil sa kanya nagbigay ng salaysay at umamin ang misis na lumason sa bata.

The post Dahil sa tsismis, 4-anyos inutas ng kapitbahay appeared first on Remate.

Adik na mister, ipinakulong ng misis

$
0
0

KALABOSO ang 29-anyos na mister matapos ipakulong ng kanyang misis dahil sa pambubugbog.

Nakakulong ngayon Manila Police District-Women’s Desk ang suspek na si Albert Astroga.

Sa reklamo ni Jackilyn Freza, 30, ng 532 Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila, lagi siyang sinasaktan at binubugbog ng mister simula nang malulong ito sa droga.

Kagabi habang nagtitinda si Freza nang tawagin siya ng suspek at pinaakyat ng bahay para lamang bugbugin.

Hindi na aniya matiis ang ginagawa ng suspek kaya minabuti na lamang niyang dumulog sa pulisya upang pormal na magsampa ng reklamo sa kinakasama.

The post Adik na mister, ipinakulong ng misis appeared first on Remate.

Pintor tinaniman ng bala tigok

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN na ng kapulisan ang pamamaril sa isang pintor sa Gaisano relocation, Matina Pangi Davao, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Carlos Nukira, 38, ng nabanggit na lugar.

Ayon sa live-in partner nitong si Arlene, alas-7:20 ng umaga, sinundo ang biktima ng isang hindi kilalang lalaki sa kanilang bahay para magpintura sa bagong gawang bahay.

Ngunit matapos makalayo ng 200 metro mula sa kanilang bahay, nadinig na lamang niya ang limang putok ng baril.

Tatlong tama ng bala ng baril bala sa tiyan, isa sa likod at isa sa ulo ang agad na ikinamatay ng biktima.

Sinubukan pang iligtas ang biktima pero natuluyan din.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

The post Pintor tinaniman ng bala tigok appeared first on Remate.

1 patay, 2 sugatan sa tumbukan ng motor sa Capiz

$
0
0

PATAY ang isang motorista habang dalawa ang sugatan sa salpukan ng dalawang motor sa bayan ng Pilar, Capiz.

Namatay ang driver ng isang motorsiklo na si Rey Culliarat habang matinding nasugatan ang kanyang sakay na Elvic Culliarat at ang driver ng nakabanggaang motor.

Agad na dinala ang dalawa sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.

The post 1 patay, 2 sugatan sa tumbukan ng motor sa Capiz appeared first on Remate.

Kawatan pinagbabaril sa Malabon, tigok

$
0
0

PATAY ang isang kilabot na holdaper, karnaper, magnanakaw matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin  habang ang una ay nakaupo kaninang tanghali sa Bgy. Tañong Malabon City

Dead-on-spot si Dennis Salamat, 30, ng Blk 71 2nd St., Desierto, Tañong, sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.

Tumakas ang tatlong suspek na armado ng mga baril na naglalakad lamang sa kahabaan ng 2nd St. at parang walang nangyari.

Sa imbestigasyon, alas-12:30 kanina nang maganap ang pamamaril sa kanto ng 1st at 2nd  St., sa nasabing barangay.

Nakaupo ang biktima nang lapitan ng mga  suspek na pawang nakatakip ng panyo ang mukha at pinagbabaril.

Nabatid na may nakapendeng na warrant sa biktima dahil sa mga kinasasangkutang kasong carnaper, holdap at pagnanakaw sa iba’t ibang lugar ng lungsod.

The post Kawatan pinagbabaril sa Malabon, tigok appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>