Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Terror alert 3, itinaas

$
0
0

ITINAAS na ang terror alert 3 sa buong bansa, ayon sa pahayag kaninang umaga, Huwebes, ng Philippine National Police (PNP), isang araw matapos ang dalawang pinahihinalaang terorista na nagdeklarang sumasampalataya sa Islamic State ay nadakip sa napigil na bomb attack sa Roxas Blvd. sa Manila.

“Nakaalerto na tayo, andyan na tayo sa level 3,” pahayag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa nang iprisinta ang mga suspek sa media.

“They (public) should expect strong checkpoints, they should expect the Oplan Sita anytime and they should expect some raids being conducted by all security forces on suspected terrorist personalities and lairs na pwedeng pagtaguan ng mga teroristang iyan,” dagdag nito.

Sinabi ni Dela Rosa na ang dalawang suspek, na naaresto sa Bulacan sa tulong ng isang tipster, ay parte ng Ansar Al Khalifa, na kaalyado ng terror groups na kabilang ang Maute Group.

Inamin ng mga suspek na sila ang nagplano ng pag-atake sa Roxas Blvd. para mapansin at pondohan ng ISIS, at maibaling ang atensyon ng state forces sa pakikibakbakan sa Maute fighters sa Lanao del Sur, ani Dela Rosa.

“Ang motive nila para luluwag iyong operations doon sa Maute Group. At saka gusto nilang ma-recognize ng ISIS na talagang they are pro-ISIS, they are aligned with ISIS kung nakapagpasabog sila ng bomba at nagkaroon ng malaking pinsala, malaking casualties,” pahayag nito.

Bago aniya ang tangkang pag-atake noong Lunes, tinangka rin pasabugin ng terrorists ang Luneta Park.

“Pumalpak lang doon, hindi sumabog kaya nilapat nila sa Roxas Blvd., malapit sa US Embassy.”

Hinahanting pa ng law enforcers ang tatlo pang kasabwat ng mga suspek, na ipinatawag ng kanilang commander pabalik ng Marawi, Lanao del Sur. BOBBY TICZON


Panibagong batalyon ng SAF, magbabantay sa bilibid

$
0
0

NAGTALAGA ng panibagong batalyon ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sila ang papalit sa naunang tropa ng PNP-SAF na nagbantay at nagpatupad ng seguridad sa bilangguan sa loob ng ilang buwan.

Nasa 410 na miyembro ng SAF na nagbantay sa bilibid ang pinalitan sa isinagawang pormal na turnover ceremony kaninang umaga, Biyernes.

Paliwanag ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director for Operations Rolando Asuncion, ang palitan sa tropa ay upang maiwasan aniya ang “unholy alliance” sa loob ng piitan.

Nagparating naman ng buong tiwala at suporta si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa sa tropa ng SAF na bagong mangangasiwa sa piitan.

Pero mahigpit ang bilin ni Dela Rosa sa mga tauhan ng SAF na huwag papaimpluwensya at huwag isasangkot ang sarili sa iligal na aktibidad sa bilangguan. JOHNNY ARASGA

13-anyos pinagparausan, 2 menor timbog

$
0
0

NASA kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang menor-de-edad na umano’y nasa likod ng panggagahasa sa 13-anyos na dalagita sa bayan ng Catanauan, Quezon.

Galing sa isang birthday party ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan ng kanyang kapatid.

Ngunit matapos ito, nagpaalam na ang dalawang suspek na uuwi na at napagpasyahan ng mga ito na isabay na ang biktima dahil lango na ito sa alak.

Ngunit sa halip na ihatid sa bahay, dinala sa isang kubo malapit sa dalampasigan ang dalagita saka doon ginahasa.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad habang nakatakda namang i-turnover ang mga suspek sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa karampatang disposisyon. JOHNNY ARASGA

Druglord na inginuso ni Kerwin, sumuko kay Bato

$
0
0

SUMUKO kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang isa pang druglord na itinuro ni Kerwin Espinosa na pinagkukunan niya ng droga.

Inaalam na ni Dela Rosa kung saan bahagi ng bansa nag-o-operate ang druglord na si Lovely Adam Impal.

Ayon kay PNP chief, nitong Linggo ng gabi sumuko si Adam at agad niyang iniutos sa PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ang pag-iimbestiga kay Adam.

Si Adam ang binabanggit ni Kerwin na kanyang pinagkukunan ng suplay ng droga.

Sa ngayon, patuloy pang ginigisa si Adam pero makakalaya din naman ito dahil wala pang kaso na isinampa laban sa kanya.

Aminado si Dela Rosa na wala pa siyang impormasyon patungkol kay Impal maliban sa pagkakadawit sa kanya ni Espinosa sa operasyon ng iligal na droga. BOBBY TICZON

Matobato, kinasuhan ng kidnapping sa Samal

$
0
0

NAHAHARAP pa sa iba pang kaso ang self-proclaimed Davao Death Squad hitman na si Edgar Matobato sa Samal Prosecution Office (SPO).

Sinabi ng abogado nito na si Atty. Jude Sabio, inabisuhan sila ng SPO na magsumite ng counter affidavit sa kasong kidnapping na isinampa laban sa kanyang kliyente.

Dahil aniya rito, maghahain sila ngayong araw (Lunes) ng mosyon na bigyan pa sila ng dagdag na 10 araw para makumpleto ang kanilang affidavit.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pangingidnap sa Turkish national na si Sali Makdum na una nang sinabi ni Matobato na kanyang pinatay noong taong 2002 dahil umano sa kautusan ni dating mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang isiniwalat ni Matobato sa isinagawang pagdinig sa Senado noong nakaraang Setyembre na may partisipasyon siya sa pagbihag kay Makdum, na tinawag nilang international terrorist.

Bahagi rin ng testimonya ni Matobato ang pagbihag kay Makdum mula sa Island Garden City of Samal at tuluyang pagpatay sa pamamagitan ng pag-chop-chop sa katawan nito. BOBBY TICZON

Pangatlong suspek sa tangkang pagbomba ng US Embassy, timbog

$
0
0

NATIMBOG ng pulisya ang isa pang suspek sa pagtatanim ng isang improvised explosive device (IED) malapit sa Embahada ng Estados Unidos sa Manila, ayon sa pahayag kaninang Martes ng umaga ni National Capital Region Police Office head C/Supt. Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na ang hindi pinangalanang suspek na ngayon ay nakadetine sa NCRPO jail ay ipiprisinta kay Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa bukas ng umaga.

Nahuli aniya ang suspect sa labas ng Metro Manila.

Naunang naaresto sina Rashid Kilala at Jiaher Guinar, 30, ng Marawi City, na kapwa umamin na sila ang nagtanim ng IED sa isang basurahan na ilan dipa lang ang layo sa US embassy.

Ayon sa pulisya, tinangka ng mga suspek na taniman ng IED ang Rizal Park, pero dahil hindi pumutok ay inilipat sa Roxas Blvd., malapit sa embahada.

“Una, radyo ang triggering device pero pumalpak, pinalitan ng cellphone pero pumalpak ulit. Nakonsensya na baka marami ang masaktan kaya nilipat sa Roxas Blvd.,” pahayag ni Dela Rosa sa isang press conference nitong nakaraang linggo.

Ang cellphone aniya na magpapasabog sa IED ay nakumpiska kay Guinar. BOBBY TICZON

17-anyos halinhinang ginahasa, 1 huli

$
0
0

HULI ang isa sa dalawang lalaking halinhinang gumahasa sa isang 17-anyos na senior high school student sa Caloocan City kaninang umaga, Disyembre 7, 2016.

Nakakulong na sa ngayon ang suspek na si Aron Santos habang pinaghahahanap pa ang kasama nitong si Jimbo Marcelino, kapwa ng Reparo St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Nabatid na ang mga suspek ay kaibigan at schoolmate ng hindi pinangalanang biktima sa STI-Quezon City.

Ayon sa biktima, inimbitahan umano siya ng dalawa na mag-dinner nitong Lunes ng gabi sa pangakong ihahatid din siya sa kanilang bahay.

Nagpaunlak sa paanyaya ang biktima dahilan sa kakilala naman niya ang mga ito.

Pagdating sa bahay ng suspek ay nagkainuman ang mga ito hanggang sa makatulog dala ng kalasingan ang biktima.

Nagising na lamang ng biktima dakong 1:00 nitong Martes ng madaling-araw na halihinan na siyang hinahalay ng dalawa na umabot nang hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Nang makauwi ay agad na nagsumbong at humingi ng tulong sa ina ng kanyang boyfriend ang biktima na siyang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkaaresto kay Santos. RENE MANAHAN

2 tulak pumalag sa parak, dedo

$
0
0

DEDBOL ang dalawang drug pushers matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust opertation kaninang madaling-araw sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief S/Supt. Dante Novicio, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (SAID-SOTG) laban sa suspek na si Egay Sigua, alyas Egay Piñgol, sa Miguel St., Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) pasado alas-2:00 kahapon ng madaling-araw.

Nang matunugan na isang pulis ang kanyang katransaksyon ay agad itong bumunot ng baril at pinutukan ang nasabing pulis, na mabilis naman ding nagantihan ng mga awtoridad na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Nakarekober sa pinangyarihan ng isang cal. 38 revolver na may apat na live ammunition at isang empty shell.

Ilang metro lamang ang layo kay Sigua kung saan nagsagawa ng anti-criminal operation ang Station Intelligence Branch (SIB) ay kanila namang nakita ang grupo ng kalalakihan sa Lacson St., Brgy. NBBN habang nakikipagtransaksyon ng iligal na droga.

Nang matunugan ng grupo na napalilibutan sila ng mga pulis ay agad nagsitakbuhan ang mga ito subalit naglakas-loob si “Ron-Ron” na pumalag na agad namang ginantihan ng putok ng mga awtoridad na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Isang kalibre .38 revolver at isang sachet ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa bangkay ng suspek. ROGER PANIZAL


2 pusher patay sa buy-bust operation sa QC

$
0
0

BUMULAGTA ang dalawang hinihinalang drug suspek makaraang manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kagabi Disyembre 7, 2016 (Miyerkules).

Kinilala ni QCPD district director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang nasawing suspek na sina Marlon Quinalayo, 44 at isang alyas Pat nasa pagitan ng 28 hanggang 32-anyos, at miyembro ng Sigue Sigue Sputnik at kapwa resident eng No. 23 San Simon St. Brgy. Holy Spirit, QC at umano’y kilalang drug pushers sa Barangay Holy Spirit.

Ayon sa ulat ni Supt. Lito Patay hepe ng QCPD station-6 Batasan, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng naturang police station sa pangunguna ni chief inspector Sandi Caparroso laban sa mga suspek dakong 7:05 ng gabi nitong nakalipas na Miyerkules.

Habang nagaganap ang bentahan nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ng baril ang mga ito saka pinutukan ang mga pulis.

Sa palitan ng putok ng baril, nasugatan ang mga suspek at mabilis na isinugod sa East Avenue Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival.

Narekober ng SOCO team sa crime scene ang dalawang kalibre .38 na baril at dalawang maliit na plastic sachets ng hinihinalang shabu at P500 buy bust money. SANTI CELARIO

Ex-LTO employee, mister niratrat sa kotse

$
0
0

KAPWA bumulagta sa loob ng kotse ang isang dating empleyado ng Land Transportation Office (LTO) at mister nito nang ambusin ng armadong kalalakihan sa General Santos City nitong Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang mag-asawang sina Akmad Sambulawan, 43, at Jennifer Sambulawan, 40, kapwa ng Phase 1, Blk 22, Lot 24, Gensanville Subd., Brgy. Bula.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay pero isa sa sinisilip ay may kaugnayan sa pagiging dating empleyado ng LTO ng babaeng biktima.

Ayon kay C/Insp. Arman Geligo, Jr. ng SOCO, naganap ang insidente dakong 10: 44 p.m. sa tapat ng bahay ng mag-asawa.

Bago ito, kapaparada pa lamang ng kotseng Mitsubishi Lancer (LDB-327) ng mag-asawa sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at pinaulalan ng bala ang kinauupuan nila.

Narekober sa crime scene ang limang empty shells at isang bala ng caliber .45

Nabatid na dating empleyado ng LTO-Sarangani ang babaeng biktima subalit sa hindi malamang dahilan ay nagnegosyo na lamang ito ng insurance. BOBBY TICZON

2 dedo, 5 sugatan sa N. Cotabato ambush

$
0
0

DALAWANG katao ang nalagas habang lima naman ang sugatan nang ratratin ang kanilang sasakyan sa North Cotabato kaninang madaling-araw, Disyembre 9.

Namatay noon din ang biktimang sina Alenor Mantitayan at isang nagngangalang Sultan Lumayon Aloyodan, ex-barangay kagawad sa lugar.

Si Mantitayan ay anak ni Busaon Brgy. Chairman Panantaon Mantitayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5 a.m. sa national highway ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, kasamang nakasakay ni Chairman Mantitayan ang kanyang mga kamag-anak at ilang opisyal ng barangay sa isang multicab nang ambusin sila. Lulan ng isang motorsiklo ang anak nito na nasa unahan ng convoy.

Sugatan din ang matandang Mantitayan at maging ang apat pang iba na sina Bibo Mantitayan, Naylon Mantitayan, Maisara Uni, barangay secretary at isang Momoy Saligan.

Isa sa sinisilip na motibo sa pag-take ay “rido” o clan feud. BOBBY TICZON

4 patay, 2 parak sugatan sa shootout

$
0
0

APAT ang patay kabilang ang isang babae habang dalawang pulis ang sugatan sa limang-oras na barilan sa Caloocan City kagabi, Disyembre 8.

Kinilala ni Caloocan City Police chief S/Supt. Johnson Almazan ang mga nasawing sina Noel Aventura, alyas “Toto”, 34, ng Lot 9, Blk. 3, Psalm St., Sto. Tomas Village 4, Brgy. 168 Deparo; Jaime Santiago, Jr., 41, ng Diamante St., Sterling 1, Deparo II; isang Richard Arroyo, umano’y drug courier at isang hindi pa nakikilalang babae na pinaniniwalaang lover ni Aventura.

Ayon kay Almazan, rumesponde ang mga tauhan ng PCP 6 dakong 8:00 ng gabi makaraang makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y pagpapaputok ng baril ni Aventura sa loob ng kanilang compound.

Pagdating sa naturang lugar, kinumbinsi ng mga awtoridad ang suspek na sumuko subalit agad nitong pinaputukan ang pulisya kung saan tinamaan sa balikat si Insp. Henry Taule habang sa likod naman si PO2 Ernesto Alberto.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang nasabing mga pulis na ngayo’y ligtas na ang mga ito sa kapahamakan.

Dakong 9:30 nang pansamantalang nag-utos ng ceasefire si Almazan makaraang mabatid na may mga bata sa loob ng naturang bahay na posibleng madamay at sa pamamagitan ng megaphone ay kinumbinsi ni Almazan at ng ina ni Aventura na palabasin ang mga bata.

Nang makalabas ang mga bata ay patuloy pa ring kinumbinsi ng pulisya na sumuko na lamang ang mga ito subalit muli silang pinaputukan ng mga suspek.

Nagawang makapasok sa loob ng gate ng mga pulis at dito na tuluyang nagkaputukan na nagresulta sa pagkamatay ng apat.

Narekober sa pinangyarihan ang isang M14 assault rifle, shotgun, caliber .45 pistol, caliber .38 revolver, anim na sachet ng shabu at drug paraphernaplia. RENE MANAHAN

2 sa 7 mangingisda na nawawala sa Pangasinan, patay nang lumutang

$
0
0

INFANTA, PANGASINAN – Dalawang sa pitong mangingisda ang bangkay na ng matagpuan kahapon (December 11) na naiulat na nawawala mula sa karagatan ng Barangay Cato sa Infanta sa nasabing lalawigan.

Kinilala ng Infanda police ang dalawang biktima na sina Christopher Mongje at Junjun Amor, ng naturang bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ng police na noong Biyernes, tumulak ang isang grupo ng mangingisda para hanapin ang mga nawawalang kasamahan.

Napag-alaman na nagpadala ng isa pang bangka para sunduin ang mga bangkay matapos silang makitang palutang-lutang sa dagat, 92 milya ang layo mula sa Barangay Cato.

Sa salaysay ni Johnel Pulido, isa sa mga nag-retrieve ng mga bangkay ay naagnas na ang dalawang biktima dahil sa matagal na pagkakalubog sa tubig.

Walang Philippine Coast Guard (PCG) rescue team na kasama ang mga mangingisda na lulan ng bangkang “John Paul II” para sa isinagawang retrieval operation.

Sa ngayon, naghihintay ang mga taga-Barangay Cato sa pagdating ng mga bangkay at umaasang buhay na makakauwi ang limang mangingisdang hindi pa rin nahahanap.

Matatandaan na nawala ang mga mangigisda matapos pumalaot noong November 28 sakay ng bangkang “John Paul.”

Sa kasalukuyan, limang mangingisda pa rin ang nawawala, na kinilalang sina Pedro Amor, Jomar Gamboa, Alfredo Bautista, Carding Mical, at isang kinilala sa pangalang “Jerry.” ALLAN BERGONIA

PDuterte, tuloy ang giyera vs droga

$
0
0
HINDI pa handa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na iatras ang kanyang kampanya laban sa pagsugpo ng iligal na droga.
 
Kaya humingi ito ng “sorry” sa publiko dahil hindi niya magawang ibaba ang  kanyang momentum na tuldukan ang sindikato ng illegal na droga sa bansa.
 
“No, it has to stop because it is not fair to the people. Dito sa drugs, balikan ko na lang. Patawarin na po na ako ninyo talagang…Hindi ako pwedeng mawalan ng momentum dito. We will… I will address the problems of extrajudicial killing. It is not our job. Maniwala kayo. Even before the elections. Please look back in the hands of time and you would notice that marami nang nagpatay-patayan,” ani Pangulong Duterte.
 
Binigyang-diin nitong hindi siya titigil hangga’t hindi natatapos ang problema sa iligal na droga na matagal nang salot sa bansa.

Aniya, ang kanyang idineklarang giyera laban sa droga ay “matter of survival” para sa bansa. 
Magugunitang simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte ay tumaas ang bilang ng mga nasasawi na may kaugnayan sa iligal na droga.
 
Dahilan ito para batikusin naman siya ng human rights groups dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na hanggang ngayon ay walang matibay na katibayan na ang pangulo ang nasa likod bito..
 
Iginiit ni Pang. Duterte na hindi kailan kinukunsinti ng pamahalaan ang extrajudicial killings sa bansa.

Sinabi nito na kahit noong bago ang eleksyon, marami na ang patayang nagaganap at lumalala nung pangalanan ang ilang heneral na sangkot sa drugs.

Darating aniya ang tamang panahong tutugunan niya ang isyu ng extrajudicial killings dahil para sa Chief Executive, ang ejk ay isang maruming trabaho o “dirty job” kasabay sa kanyang pagtanggi sa pagkakasangkot ng gobyerno sa krimen na ito. KRIS JOSE

Van sinuwag ng trak, 4 dedo, 8 sugatan

$
0
0

APAT ang nalagas habang walo naman ang sugatan nang suwagin ng isang trak ang binubuntutan na van sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) kaninang umaga, Sabado.

Dead-on-the-spot sanhi ng iba’t ibang pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang pawang hindi nakuha ang pangalan at pasahero ng van.

Isinugod naman sa iba’t ibang ospital sa Rosales, Pangasinan ang mga nasugatang biktima na hindi nabatid ang pagkakakilanlan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:25 a.m. sa Anao, Tarlac portion ng TPLEX.

Bago ito, nanggaling ng Taguig ang mga biktima at papuntang Baguio City para magbakasyon habang ang trak naman ay papuntang Pangasinan.

Pero pagsapit sa lugar, sa hindi malamang dahilan ay biglang sinuwag ng trak ang kasunod nitong van.

Sa lakas ng pagkakasalpok, bumaligtad ang van sa kalsada at lahat ng mga namatay na biktima ay nakaupo sa hulihang bahagi ng van.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng trak na hinihinalang nakatulog o lasing, ayon sa pulisya. BOBBY TICZON


2 binatilyo dedo sa rambol

$
0
0

DALAWANG binatilyo ang patay matapos magkasagupa ang dalawang grupo ng kabataan sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, nagrambulan ang grupo ni Jayvee Agustin at Genesis Tolentino .

Imbes naman na umawat ang ama ni Genesis na si Efren ay nakisali pa ito at kumuha nang panaksak kung saan nasaksak si Jayvee at kasamahan nitong si Neil Yamson, 20.

Ayon kay Armi, ina ni Neil, nadamay lamang ang kanyang anak sa away ng kanyang mga kaibigan gayunman, hindi aniya dapat kinunsinti ng matandang Tolentino ang away ng kanilang mga anak.

Nabatid na sa barangay ay may rekord din si Jayvee matapos nitong awayin ang isa ring bata sa lugar.

Tiniyak naman ng pamilya ng mga nasawi na tuloy ang kanilang pagsasampa ng kaso sa mag-amang suspek.

Si Efren na nagtamo rin ng sugat sa mukha ay inaresto ng mga pulis sa ospital.

Tumakas naman ang anak nito sakay ng motorsiklo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

16-anyos, tigok sa 40 saksak

$
0
0

BAGUIO CITY – Isang 16-anyos na high school student ang patay matapos 40 beses pagsasaksakin sa nasabing siyudad kahapon, December 13.

Dead-on-arrival ang biktimang si Kenneth Velasco, ng Brgy. Labsan, Baguio City, na natagpuan sa isang kalsada malapit sa isang public high school.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), agad na dinala si Velasco sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na umabot nang buhay sanhi ng 40 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“Wala naman siyang kaaway. ‘Di siya kasama sa frat. School at bahay lang talaga siya. Sana sa gumawa nito makonsensya ka. ‘Di mo na lang iniwan ‘yung anak ko nang buhay,” ani Claire, ina ng biktima.

Samantala, hinala ng mga pulis, biktima si Velasco ng robbery-holdup dahil nawawala ang kanyang cellphone at P200 cash.

Sinabi ng ina ng biktima na palagi niyang pinaalalahanan ang kanyang anak na umiwas sa mga kalsadang madidilim at walang tao papuntang school.

Sa ngayon, nagsasagawa ng follow-up investigation ang BCPO hinggil sa insidente. ALLAN BERGONIA

Mag-asawa sa Malabon, tumba sa tandem

$
0
0

TUMBA ang isang mag-asawa nang lapitan ng riding-in-tandem at pagbabarilin sa 13 M.H. del Pilar St., Tugatog, Malabon City kagabi.

Nabatid na magkatulong sa pagtitinda ng mami ang mag-asawang sina Rodita Rarugal, 50, at Angelito Rarugal, 49, nang unang humandusay sa tabi mismo ng kanilang mamihan si Rodita, habang nakatakbo pa sa loob ng compound si Angelito pero napatay din ng mga suspek.

Anim na putok ng baril ang narinig sa lugar mula sa dalawang suspek na ang isa’y naka-helmet, habang ang angkas ay nakatakip ang mukha.

Hinala ng kaanak ng mga biktima, posibleng may kinalaman sa pagpatay sa mag-asawa ang minsan nang naging tenant ng mag-asawa sa paupahan nito na sinampahan nila ng kaso dahil hindi nagbabayad ng upa.

Dahil simula umano na palayasin ng mag-asawa ang dati nilang tenant, lagi umano itong nagbabanta na papatayin ang dalawa.

Anim na basyo ng baril ang nakuha sa lugar, habang inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa bawal na gamot ang insidente. JOHNNY ARASGA

5 narco-tanod, dedo sa drug ops

$
0
0

IMBES magbantay laban sa kriminalidad, limang aktibong barangay tanod na luminya sa pagbebenta ng droga ang napatay nang kumasa sa Quezon City Police District (QCPD) operatives nitong Miyerkules ng gabi.

Naitakbo pa sa ospital sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang target ng operasyon na si Raymond “Rara” Santa Rita at mga kasamahan nitong sina Arnel Lascano, alyas Gangster, Rykel, at Nonom, pawang mga tanod ng Brgy. Commonwealth.

Wala namang namatay o nasugatan sa mga tauhan ng QCPD station 6 na nagsagawa ng anti-drug operation sa lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:55 p.m. sa isang pribadong lote sa may Samsung St., Doña Nicasia Subd. sa Brgy. Commonwealth.

Bago ito, nakabili ang isang poseur buyer ng halagang P1,500 ng shabu pero nakatunog ang mga suspek kaya pinaputukan ang mga operatiba.

Nang gumanti naman ng putok ang kapulisan, napatimbuwang agad ang mga suspek.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, hinala nilang kaya pumasok ang limang napatay na suspek bilang barangay tanod nito lamang taon ay upang maikubli ang kanilang pagtutulak ng droga. BOBBY TICZON

Ama napagkamalang tulak, inutas sa harap ng mag-iina

$
0
0

TIGOK ang isang ama ng tahanan matapos mapagkamalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa GSIS Compound, Brgy. Rosario sa Pasig City.

Ang biktimang si Enrico Ranjo, 40, ay pinagbabaril ng tatlong lalaking naka-maskara sa loob ng kanilang bahay bago maghatinggabi.

Nasaksihan pa ng live-in partner ni Enrico at tatlo nilang anak ang pagpatay sa kanya ng mga suspek na pumasok mismo sa tinitirahan nilang barong-barong.

Isang “Fernando” umano ang hinahanap ng mga suspek, pero nang sinabi nilang walang ganon sa lugar ay binaril at pinatay pa rin ng mga ito si Enrico.

Ayon kay Gng. Enrica Ranjo, ina ng biktima, walang ibang bisyo ang kanyang anak maliban sa pag-inom at pamilya at ang trabaho lamang nito ang kanyang pinagkakaabalahan. JOHNNY ARASGA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>