Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Most wanted sa Pasig City, arestado matapos dalawin ang misis na nanganak

$
0
0

Nasakote ang puganteng nasa most wanted list ng Pasig City police matapos ang ilang buwang pagtatago.

Ipinagbigay-alam ng isang concerned citizen na namataan sa Barangay San Miguel si Ronald Russel Santos na suspek sa panghahalay sa isang 15 taong gulang na babae noong 2016.

Rumesponde ang Pasig City Police Station Intelligence Unit at natimbog si Santos dakong alas-10:15 kagabi.

Ayon sa pulisya, binisita ni Santos ang kanyang asawa na nanganak noong nakaraang linggo.

Nahaharap si Santos sa tatlong bilang ng kasong rape.

Nakakulong na si Santos sa Pasig City Police Station. (Johnny Arasga)


2 Bebot tiklo sa 250 grams ng shabu at 1 kilo ng marijuana sa Rizal

$
0
0

Cainta, Rizal- Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit RDEU PRO4A at Special Drug Enforcement Team SDET ng Cainta PNP sa ilalim ng direktiba ni Calabarzon Regional Police Chief Supt. Guillermo T. Eleazar ang dalawang babaeng nagbebenta ng ligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa bayan ng Cainta.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Laika Camille D. San Pedro at isang Cecia B. Baylon mga nasa hustong gulang.

Base sa imbestigasyon dakong 12:45 ng madaling araw nitong Huwebes ng ilatag ang operasyon laban sa dalawang babaeng suspek matapos bentahan ng iligal na droga ng mga ito ang isang undercover agent na nagpanggap na poseur buyer nakuha sa posisyon ng mga suspek ang isang big plastic sachet na may laman 250 grams ng hinihinalang shabu na may street value na Php one million two hundred fifty thousand pesos (1,250,000.), isang kilo ng Marijuana o kilala rin sa tawag na KUSH na may halagang one million five hundred thousand pesos (Php1,500,000.) at ang ginamit na marked money.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng pulisya galing abroad ang mga nasabing iligal na droga na ipinapadala bilang package gamit ang iba’t-ibang pangalan para huwag matukoy ng mga otoridad.

Kasong paglabag sa Violation of sec 5 at 11 ng Republic Act. 9165 ang kakaharapin ng dalawang suspek. (JOSE KOI LAURA)

NCRPO Regional Director Cascolan sa mga pulis: igalang ang karapatang pantao

$
0
0

IGALANG ang karapatang pantao at maging disiplinado.

Ito ang paalala ni NCRPO Regional Director Camilo Cascolan sa mga opisyal at kagawad ng Manila Police District (MPD) sa kanyang unang opisyal na pagbisita sa punong tanggapan ng MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Ginamit pa ni Cascolan ang polisiya na “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan” na ipinatutupad ng mga awtoridad noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Paalala pa ng opisyal na kalimutan ang lahat kapag nasa trabaho na at pumukos sa pagtupad sa tungkulin.

Kailangan din aniyang kumain ang mga pulis upang maging masigla sa pagtupad sa tungkulin.

Nais din aniyang maging pursigido ang mga pulis gaya ng pagiging pursigido nila noong si PNP Chief Oscar Albayalde pa ang NCRPO regional director, o higitan pa.

Kasabay nito ay pinapurihan ni Cascolan ang matagumpay na paglalatag ng seguridad ng Manila police sa anim na kritikal na okasyon gaya ng ASEAN, Labor Day noong Mayo 1, Traslacion ng Nuestra Señora Del Carmen, ang TABLIG ng mga kapatirang Muslim; ang Unity Walk ng Iglesia ni Cristo at ang katatapos na Barangay at Samahang Kabataang Election noong Mayo 14.

Kaya naman nais ng opisyal nabigyang pagkilala ang bawat pulis ng Maynila sa naging tagumpay ng mga natapos na okasyon. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)

AFP, walang namomonitor na banta sa panahon ng Ramadan

$
0
0

WALANG namonitor na imminent threat o banta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panahon ng Ramadan.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo kasunod ng mga naganap na serye ng pagsabog sa Indonesia nitong linggong ito.

Ani Arevalo, hindi nila inaalis ang posibilidad na may mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng gulo para guluhin ang taimtim na pagobserba ng Ramadan.

Gayunman, kanyang sinabi na tinitiyak ng AFP sa publiko na hindi sila tumitigil sa pagsasagawa ng focused military operations para matiyak ang kaligtasan ng ng lahat ng Pilipino.

Unang pinasabog ng mga suicide bombers sa Indonesia ang 3 simbahan sa Surabaya noong linggo ng umaga, at isang apartment building sa Sidoarjo kinagabihan, na sinundan ng pagpapasabog sa Surabaya Police headquarters nitong Lunes ng umaga.

Una nang ang AFP sa mga kapatid na Muslim na makiisa sa AFP sa pagtiyak na mananatiling mapayapa ang paggunita ng Ramadan. (JOHNNY ARASGA)

Kapapanalong first Barangay Councilor, patay sa gun for hire sa Quezon

$
0
0

Mulanay, Quezon- Patay ang isang kapapanalo palang na first Barangay Councilor na sakay ng kanyang motorsiklo matapos pagbabarilin ng isang hindi nakilalalang suspek na sakay din ng isang di naplakahang motorsiklo sa bayan ng Mulanay.

Nakilala ang biktima na si Felix Moldon, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Sto. Nino ng nasabing bayan.
Base sa report nangyari ang insidente ng pamamaril sa biktima dakong 7:45 ng umaga nitong huwebes habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima ay sinabayan ng suspek na sakay din ng isang motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na agad binawian ng buhay.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo at dala ang dipa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaslang.
Nagsasagawa na ng hot pursuit at follow up operation ang mga otoridad para matukoy ang motibo at pagkatao ng salarin na pumaslang  sa biktima. (Jose Koi Laura)

PNP, malapit nang matapos ang pagsusumite ng case folders ng mga napatay sa drug war

$
0
0

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na makakatugugon sila sa utos ng Korte Suprema na isumite ang case folders ng mga napatay sa kanilang anti-drug campaign.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, patapos na sila sa paghahain ng mga kinakailangang dokumento ng Supreme Court (SC) sa 4,000 cases ng mga drug personalities.

Sa katunayan nga aniya ay bago pa lumabas ang kautusan ay compliant na sila sa SC.

Sadyang kinapos lang talaga sila sa oras dahil masyadong maikli ang 15 araw na unang hininhing deadline ng SC para makapaghanda ng karagdagang operational documents ang PNP.

Matatandaan na kamkailan lang ay humiling ang Office of the Solicitor General na kumakatawan sa PNP ng karagdagang 60 araw sa SC para makapag-validate at makakolekta ng case folders.

Bukod sa case folders, kasama rin sa hiling ng SC ang statistics ng internal cleansing ng PNP; drug watchlist, reports kaugnay sa mga sinasabing drug war victims na sina Aileen Almora, Rowena Aparri, at Jefferson Soriano; at buy-bust incidents sa San Andres Bukid, Manila mula July 1, 2016 hanggang Nov. 30, 2017; listahan ng warrants at warrantless arrests sa high-value target police operations; at listahan ng case under investigation sa ilalim ng PNP Internal Affairs Service. (Johnny  Arasga)

Grade 10 student, timbog sa multiple counts of rape

$
0
0

Silang, Cavite- Arestado ang isang menor de edad na Grade 10 student ng mga kapulisan ng Silang Municipal Police station para sa kaso ng panggagahasa sa bayan ng Silang.

Nakilala ang suspek na si Piolo Buli, 17, tubong Tagaytay City at kasalukuyang residente ng Brgy. Malabag ng nasabing bayan.
Sa inisyal na report ng pulisya naaresto ang menor de edad na suspek dakong 2:30 ng hapon nitong Huwebes matapos isilbi ang tatlong arrest warrant para sa kasong 1.Rape by Sexual Assault na may piyansang Php 200,000 2. Rape with 5 counts, No bail recommended at 3. Rape with 3 counts, No bail recommended na may petsang May 11, 2018 sa hindi pinangalanan na biktima na isa rin menor de edad na babae na inisyu ni Hon. Raquel V. Asoiras- Sanchez, Presiding Judge ng RTC, Branch 3-Family Court ng Tagaytay City.
Pansamantalang nakaditine ang suspek na si Buli sa Silang custodial Facility station. (Jose Koi Laura)

Pagsasapubliko ng mga barangay officials na nasa narco-list, naging epektibo sa nakalipas na eleksyon – PNP

$
0
0

Naging epektibo ang pagsasapubliko ng mga barangay officials na nasa narco-list.

Ito ang paniniwala ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa resulta ng katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan elections nitong Lunes.

Ayon kay Albayalde, bagaman may iilan pa rin na nakalusot na opisyal ay masasabi nya pa rin na sa pangkalahatan ay naging tagumpay ito.

Kung hindi raw kasi nalaman ng mga botante ang kanilang profile ay marahil 100 percent ng mga official na nasa narco-list ang nanalo.

Nabatid na sa Metro Manila pa lang, 6 sa 12 opisyal na idinadawit sa iligal na droga ang nanalo.

Paliwanag ng hepe ng PNP, dahil nga local elections ang idinaos, masyado itong personal dahil magakapamilya, magkakamag-anak at magkakaibigan ang nagdadala ng kandidato.

Gayunman, tiwala naman siya na kahit papaano ay mas naging matalino ang mga botante ngayon dahil mas kumilatis sila ng tao na nararapat sa posisyon. (Johnny Arasga)


Big time drug supplier sa Makati, timbog sa Region 4A

$
0
0
SINUSURI ni Calabarzon Regional Director PCSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga shabu at baril na nakumpiska sa suspek na si Marcial ”Tantan” Orbigoso, isa sa tatlong malalaking suppliers ng droga sa Makati City, matapos madakip sa isinagawang buy-bust operations sa Lipa City ng mga tauhan ni P/Supt. Rogart Campo, hepe ng Regional Special Operation Unit (RSOU) ng Kamp Vicente Lim, Calamba, Laguna City. Tinatayang aabot sa dalawang million halaga ng shabu ang nakuha sa suspek. JUN MESTICA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>