Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Bagong laya, patay sa riding-in-tandem sa Kyusi

$
0
0

PATAY ang isang 52-anyos na lalaki na kalalabas pa lamang sa kulungan dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa Quezon City kagabi Mayo 06, 2018 (Linggo).

Kinilala ni Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) chief, Supt. Rodel Marcelo ang biktima na si Angelito Cruz, binata,walang trabaho.

Si Cruz ng 20 Magralita St.,Brgy.Gulod,Novaliches,QC ay nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan 20 Magralita St.,Brgy. Gulod, Novaliches,QC.

Ayon sa ulat ni PO3 Jorge Caculba naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa no.20 Magralita St., Brgy.Gulod, Novaliches, QC dakong 9:40 ng gabi.

Sinabi ng witness na si Joana Cruz sa pulisya dalawang hindi kilalang suspek na pawang naka-bonnet ang pumasok umano sa bahay ng biktima at matapos ang ilang segundo ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig sa lugar.

Nabatid pa sa ulat na matapos umano ang pamamaril lumabas ang mga suspek dala ang kanilang baril na ginamit sa pamamaril saka sumakay sa motorsiklo na hindi mabatid ang pangalan at plaka.

Ayon pa sa ulat dati umanong nakulong ang biktima dahil sa kasong R.A. 9165 Sec. 11 illegal possession of Dangerous Drug nitong nakalipas na Disyembre 2016.

Matapos ang pitong buwan nakalaya ang biktima nitong nakalipas na Hulyo 2017 sa naturang kaso.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa naturang insidente ang pamamaril sa biktima habang inaalam na ng mga pulis ang mga suspek sa naturang insidente. SANTI CELARIO


2 foreigner nabiktima ng salisi sa Malate

$
0
0

DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District- General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang dalawang Swedish national matapos matangayan ng mamahaling gamit sa loob ng inookupahang kuwarto sa isang hotel sa Malate, Maynila.

Sa reklamo ng mga biktimang sina Kristan Palero Coleman, 36, at Gerhard Haider, 33, kapwa Swedish national at nanunuluyan sa Room 801 ng Orchids Garden Suites Hotel sa P. Ocampo St. Malate, Maynila kay MPD-GAIS Chief PC/Insp. Joselito de Ocampo, dakong 4:08 kahapon nang madiskubre ang insidente.

Nabatid na dakong 10:32 ng umaga nang umalis ng hotel ang dalawa para kumain at bumalik dakong 12:35 ng hapon saka lumabas uli at pumunta sa pool ng hotel.

Nang bumalik si Coleman sa kuwarto, dito na nadiskubre na nawawala na ang kanyang pasaporte, cash na P15,000, alahas, IPhone 8 at prescription glasses sa pinaglagyang vault.

Kaagad naman nagreklamo si Coleman sa front desk at hiniling na makita ang record ng CCTV.

Nabatid sa CCTV na 3:31 ng hapon nang makita ang suspek na pumasok sa kanilang kuwarto at lumabas dakong 3:34 ng hapon.

Nakita pa ang suspek na may inilalagay sa kanyang bulsa at may dalang bag nang tumakas palabas ng hotel.

Kaagad naman sinamahan ng duty manager ng hotel na si Paterno Filamor ang mga biktima sa MPD-Police Station 9 na siyang nagdala sa kanila sa himpilan ng MPD-GAIS.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas tangay ang gamit ng mga biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Helper sinaksak ng traydor na katrabaho, kritikal

$
0
0

NASA kritikal na kalagayan sa ospital ang isang truck helper matapos pagsasaksakin ng kasamahan sa trabaho sa loob ng kanilang quarter, linggo ng gabi, May 7 sa Malabon City, .

Patuloy na inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong dalawang saksak sa katawan si Leonel Nuyles, 41, ng 3138, B2, A2, Sawata, Maypajo.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad upang maaresto ang suspek na si Alexander Abad, nasa hustong gulang, truck driver at residente ng Paranaque City.

Sa pinagsamang imbestigasyon nina PO3 Roger Gonzales at PO2 Aaron Blanco, pasado alas-7:00 ng gabi, natutulog ang biktima sa kanilang quarter sa loob ng Menorian Freight Forwarder Company na matatagpuan sa Asuzena St., Brgy. Longos nang dumating ang suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ito ng dalawang saksak sa katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang sa kabila ng tinamong saksak sa katawan nagawang makahingi ng biktima ng tulong sa kanyang ka-tarabaho na si Jerome Biñas na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.

Ayon kay Malabon Police Insp. Rolando Domingo, narekober sa crime sceme ang ginamit na patalim ng suspek habang inaalam na kung anu motibo nito sa pananaksak sa biktima. ROGER PANIZAL

Armadong lalaki, patay sa engkwentro

$
0
0

PATAYsa engkwentro ang isang hindi pa kilalang lalaki sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa Batangas police, nakatanggap sila ng ulat na namataan ang isang armadong lalaki sakay ng motorsiklo sa Barangay Sto. Niño.

Agad namang rumesponde ang pulisya at naglatag ng checkpoint.

Dakong alas-9:10 kagabi, nilapitan ng mga pulis ang hinihinalang suspek, pero tumakas ito at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasugat ng suspek.

Itinakbo sa ospital ang suspek pero wala na itong buhay nang dumating doon.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na nakaitim na sumbrero, short at puting t-shirt. JOHNNY ARASGA

Inspector, nahulihan ng walang lisensyang baril dahil sa illegal parking

$
0
0

TIMBOG ang inspector ng isang security agency matapos mahulihan ng shotgun sa loob ng minamabeho nitong sasakyan sa IBP Road sa Barangay Batasan, Quezon City.

Nabisto ang baril sa loob ng sasakyan matapos magsagawa ng operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga taxi na iligal na nakaparada.

Kinilala ang suspek na si Enriqueto Flores ng Safe Force Security Investments Investigation Agency.

Ayon naman sa suspek, hindi niya alam na may baril sa minamaneho niyang Mirage na kulay gray.

Binigyan naman ng 24 oras ng Quezon City Police District Station 6 ang suspek para maglabas ng dokomento, kung hindi makakapaglabas mahaharap si Flores sa paglabag sa gun ban na umiiral ngayon dahil sa barangay at Sangguniang Kabataan elections. JOHNNY ARASGA

Obrero, patay sa napikong kainuman

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang mauwi sa saksakan ang inuman ng mga construction worker sa ginagawang tower sa Baraka Street sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Larry Boy Zamora, 27-anyos na construction worker na idineklarang dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos Hospital kagabi.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng Homicide section, nag-iinuman ang biktima at suspek sa ika-apat na palapag ng gusali kung saan sila nagtratrabaho nang magkapikunan at nauwi sa saksakan gamit ang isang kitchen knife.

Nagkahabulan pa ang dalawa hanggang sa 3rd floor kung saan doon na tumumba ang biktima.

Inaalam naman ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

25 kabataan, nasagip laban sa human trafficking

$
0
0

NA-RESCUE ang 25 menor de edad ng mga ahente ng National Bureau of Investigation–International Airport Investigation Unit (NBI-IAIU) sa isinagawang pagsalakay sa dalawang apartment sa Pasay City.

Ang nasabing mga menor de edad ay kinakalinga ng isang aktibong recruitment agency nagpapaalis ng mga domestic helpers papuntang Saudi Arabia .

Ayon kay Atty. Vicente de Guzman, hepe ng NBI-IAIU, may 137 kababaihan ang nasagip nila sa dalawang apartment kabilang ang 25 menor de edad na may edad 15-17 na naghihintay ng kanilang ‘flight’ papuntang Riyadh, Saudi Arabia para mamasukan na DH.

Nag-ugat ang pagsagip sa mga kababaihan sa isang 16-anyos na naharang ng Immigration Officers nang nagtangkang lumabas ng bansa papuntang Riyadh, Saudi Arabia noong Mayo 4 para masagip ang iba pang menor de edad.

“Sila ay mga willing victims, siguro dahil sa kahirapan sa kanilang lugar sa Mindanao ay napipilitan sila na sumama sa kanilang recruiter,” ayon kay de Guzman.

Naaresto rin ang tatlong katao na kasabwat ng Global Connect Manpower Resources na sina Patricia Lambino alyas Mommy, Rosie Lopez at Marilyn Filomeno.

Sinabi ni Cathy, 15, di tunay na pangalan na may isang buwan na siyang nasa apartment at naghihintay kung kelan makakaalis.

Nalaman na ang Global Connect Manpower Resources, ay isang aktibong recruitment agency na nagsasaayos ng mga dokumento ng mga menor de edad at naghahanap ng kanilang employer sa Saudi Arabia, kung saan ang recruitment agency rin ang nagbibigay sa kanila ng certificate on TESDA training at pre-departure seminar kahit pa sa hindi dumadalo ng training at seminar ang mga aplikante.

Nabatid na karamihan umano ng mga babaeng nasagip ay mula sa Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Sur at Cotobato.

Nabatid na patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI sa nabanggit na recruitment agency.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 kilala bilang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na inamiyendahan bilang RA 10364 (Expanded Anti-Human Trafficking in Persons Act of 2012) ang RA 8042 kilala bilang (Migrant Workers and Overseas Filipino Workers). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Salvage victim, itinapon sa basurahan sa Tondo

$
0
0

NAKASILID pa sa sako nang madiskubre ang isang pinaniniwalaang biktima ng salvage sa isang madilim na lugar sa Tondo, Manila Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alexander Maloyloy-on, 44, may asawa at residente ng Block 57, Lot 31, Bagumbong, Caloocan City.

Sa report ni Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 10:45 ng kagabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa madilim na bahagi ng southbound lane ng Road 10, sa Tondo, na sakop ng Barangay 110, Zone 9.

Kasalukuyan umanong nagbabantay ang barangay tanod na si Genero Tabada Jr., di kalayuan sa lugar nang isang basurero ang lumapit sa kanya at sinabing may natagpuan silang bangkay ng lalaki.

Nangangalakal umano ng mga mapapakinabang basura ang basurero nang makita ang sako at kaagad itong binutas ngunit laking gulat nang makitang bangkay, na may mga saksak sa leeg, ang laman nito kaya’t isinumbong sa barangay tanod.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga tauhan ng MPD-homicide section ang insidente upang matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen, ano ang kanyang motibo sa pagpatay, at agaran itong madakip upang mapanagot sa batas. JOCELYN TABANGCURA-DOMEMDEN


Sniper ng Maute Group, huli sa Cubao

$
0
0

DAHIL sa kooperasyon ng komunidad, naaresto ang isang hinihinalang miyembro ng Maute group na nagtatago sa Quezon City.

Nagsumbong ang mga residente na isang lalaki ang nanggugulo sa lugar kaya rumesponde ang mga pulis.

Nahuli ang suspek na nabatid na takas mula sa Mindanao dahil sa umiiral na martial law sa rehiyon.

Ang lalaki ay nasa listahan ng umanoy sniper ng teroristang grupo.

Narekober mula sa suspek ang isang baril at isang granada. JOHNNY ARASGA

Barangay Tanod na pusher, timbog sa drug bust

$
0
0

SAN Pascual,Batangas- Nalaglag sa kamay ng mga operatiba ng Intelligence section ng San Pascual PNP sa pangunguna ni SPO3 Renato San Gabriel Melecio at sa ilalim ng pamumuno ni Police Chief Insp. John Ganit Relian ang hepe ng nasabing bayan ang isang Barangay Tanod na nagbebenta ng iligal na droga sa bayang ito sa isang buy bust operation.

Ang suspek ay nakilalang si Dante Bayneto, 47, residente ng Brgy. Danglayan ng San Pascual.

Base sa report dakong 8:30 ng gabi nitong Martes ng ilatag ang naturang operasyon at madakip ang suspek matapos nitong bentahan ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang karagdagan tatlong piraso ng heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang kaha ng sigarilyo matapos itong kapkapan.

Pansamantalang naka ditine sa San Pascual Custodial Facility ang suspek na si Bayneto at nahaharap sa kasong paglabag sa Violation of Section 5 at 11 ng Republic Act. 9165. JOSE KOI LAURA

Teacher, patay sa ex-boyfriend pulis

$
0
0

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang isang pulis matapos nitong patayin ang kanyang dating kasintahan na guro sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa kaliwang pisngi, kanang balikat, dibdib at leeg ang biktimang si Lyka Jane Ariaga, 27, Teacher ng Blk 3, Kaunlaran Village, Brgy. 22 at ang suspek na si PO1 Danilo Roa, 29, nakatalaga sa Caloocan Police Community Precinct 1 at residente ng 6658 Jose Abad Santos Alley, Libis Espina, Brgy. 18 na may tama naman ng bala sa kanang sentido.

Ayon kay Caloocan police chief Sr. Supt. Restituto Arcangel, alas-5:30 ng hapon, nasa loob ng kanyang inuupahang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at sapilitang pumasok sa loob matapos sirain ang pinto sa harap.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ang mga kapitbahay at mga bystanders ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa loob ng bahay ng biktima kaya humingi ng tulong ang mga concerned citizen sa pulisya.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng PCP-2 sa naturang lugar at unang nakalap na impormasyon ng mga sa mga residente ay isang hostage taking kaya humingi sila ng tulong sa mga tauhan ng SRU/SWAT.

Ilang beses na sinubukang kinumbinsi ng mga pulis sa pangunguna ni Supt. Ferdinand Del Rosario ang suspek at ng mga kaanak na lumabas subalit walang sumasagot sa loob kaya napilitan ang mga tauhan ng SWAT team na pasukin ang bahay kung saan tumambab sa mga ito ang kapwa walang buhay na duguang katawan ng biktima at ni Roa.

Narekober ng mga tauhan ng NPD-SOCO sa pangunguna ni PSI Sonny Boy Tepace sa crime scene ang isang kalibre .9mm service firearm at anim na basyo ng bala.

Sa pahayag ng isang pinsan ni Arciaga, unang naka-chat niya ang biktima at nagsumbong na natatakot siya dahil nasa apartment niya ang suspek na pilit umanong nakikipagbalikan sa kanya subalit tumanggi ito.

Sinabi pa ng mga kaanak ni Arciaga sa pulisya na mula pa noong Marso ay patuloy umano ang panghaharas ng suspek sa dating kasintahan at nagtangka pa umanong pumasok sa kanyang inuupahang apartment kaya nagreport na ang guro sa mga pulis. RENE MANAHAN

7-anyos na babae nakatakas sa mga kidnapper

$
0
0

NAGAWANG makatakas ng pitong taong gulang na batang babae sa mga taong dumukot sa kanya at nagpasok sa isang van kasama ang iba pang kinidnap na mga bata sa Caloocan City, kahapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng hapon nang tangayin umano ng hindi kilalang lalaki ang 7-anyos na batang babae sa kanilang bahay sa Brgy. 167 matapos magpanggap ang suspek na kaibigan ng kanyang ama.

“Sabi niya pinapasundo daw ako, Tinakpan niya ang bibig ko, Nakatulog po ako, Paggising ko nandoon na lang ako sa van”, pahayag ng biktima.

Nakita din ng biktima ang nasa siyam pang mga bata sa loob ng van kung saan nagawa nitong makatakas ng isa sa tatlong kidnappers ay nakalimutang isara ang pinto ng sasakyan.

“Nakalimutan ng isang lalaki na isarado ang pinto kaya po lumabas po ako. Nagtago po ako sa mga tao, tapos nagtago ako sa likod ng motor”, sinabi ng biktima.

Nakauwi ang biktima sa kanilang bahay matapos itong tulungan at ihatid ng isang tricycle driver na nakakita sa kanya na umiiyak.

Agad nagreport ang mga magulang ng biktima sa pulisya na nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation upang mabawi ang iba pang mga bata na dinukot.

Sinabi naman ng mga opisyal ng Brgy. 167 na bago ang insidente, napansin nila na biglang hindi gumagana ang mga CCTV camera na nakakabit sa kanilang lugar kaya nagsasagawa na ang mga ito ng imbestigasyon upang matukoy kung may kinalaman ito sa insidente ng kidnapping. RENE MANAHAN

Barker, pinatahimik ng riding-in-tandem

$
0
0

NASAWI ang isang barker makaraang barilin ng riding-in-tandem habang abala sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko ang una sa kahabaan ng Tandang Sora, Quezon City kahapon Mayo 8, 2018 (Martes).

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU) ang biktima na si Jeffrey Poblete,alyas Popoy,31,barker at naninirahan sa ilalim ng tulay na nasa boundary ng Tandang Sora Avenue at Sangandaan,QC.

Si Poblete ay namatay noon din dahil sa tinamong isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena naganap ang pamamaril dakong alas-4:45 ng hapon sa kahabaan ng Tandang Sora corner General Avenue, Brgy. Tandang Sora, QC.

Nabatid sa pahayag ng nakasaksing bystander na nakilala lamang sa pangalang Randy, abala umano sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko ang biktima habang nagtatawag ng pasahero sa pampasaherong jeep sa nasabing lugar nang hintuan ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo na walang plaka at walang sabi-sabing malapitang pinaputukan sa ulo ang biktima.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay nilapitan pa umano ito ng suspek at nang masigurong patay na ang una ay tumakas ang mga suspek dala ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung ano ang motibo sa naganap na pamamaril at inaalam pa kung may CCTV sa naturang crime scene upang makilala ang mga suspek. SANTI CELARIO

260 adik arestado sa operasyon ng QCPD

$
0
0

TINATAYANG aabot sa 260 drug adik ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa dalawang linggong walang puknat na anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr. ang mga nadakip na drug suspek ay base sa isinagawang operasyon ng District Anti-Drug Enforcement Unit (DEU) ng QCPD sa iba’t ibang police station makaraang maupong district director si chief Supt. Esquivel Jr. nitong nakalipas na Abril 25.

Sinabi pa sa ulat na sa mga dinakip 174 dito ay gumagamit ng illegal na droga kabilang ang sexy starlet na si Katrina Santos miyembro ng all-female sing-and-dance group Baywalk Bodies na nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) dakong 3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Tagaytay St.,corner A. Boni Avenue, Brgy. San Jose ng mga operatiba ng Laloma Police station 1 sa ilalim ni Supt. Robert Sales.

Habang 86 naman sa mga dinakip ay nagbebenta umano ng illegal drug at dalawa umano sa mga suspek ay nakipag putukan sa mga operatiba ng pulis.

Habang aabot naman sa 68.8 grams ng shabu at 88.2 grams ng marijuana ang nakumpiska sa naturang operasyon.

Nahaharap ngayong ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. SANTI CELARIO

Holdaper, patay sa pulis Caloocan

$
0
0

DEDO ang isa sa dalawang holdaper na nangholdap at pumalo pa sa ulo ng isa sa dalawang menor-de-edad na kanilang biniktima matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Ricky Vherghel Quesada, 19 ng 153 Ascano St. Malibay, Pasay City habang nagawa namang makatakas ng kanyang kasama na si certain “Arnel”.

Ayon kay Caloocan police deputy chief for Administration Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong alas-11:30 ng gabi, naglalakad sa kahabaan ng Macabalo St. Brgy, 37 si Edrian Cedri Canomo, 17 ng 355 Int. 4th Avenue, Brgy. 49 at kaibigan na si Jossel Morales, 15 nang harangin sila ng mga suspek na armado ng kalibre .38 revolver saka nagpahayag ng holdap.

Nang kunin na ng mga suspek ang P250 cash ay tinangka umanong pumalag ni Canomo kaya hinataw ito ni Quesada sa ulo gamit ang puluhan ng baril bago mabilis na nagsitakas.

Humingi ng tulong ang mga biktima kay kagawad Jon Balmes bago nag-report ang mga ito sa mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 na agad namang nagsagawa ng follow-up operation kasama si barangay 37 chairman Reynaldo Macabalo hanggang sa makita ang mga suspek Macabalo Street.

Sa halip na sumuko, nagtangkang tumakas ang mga suspek at naglabas ng baril si Quesada saka pinaputukan ang papalapit na mga pulis kaya napilitang gumanti ng putok si PO1 Jerly Tañamor na nagresulta ng kanyang kamatayan. RENE MANAHAN


Babae, tinodas ng kapitbahay dahil sa kambing

$
0
0

TODAS ang 23-anyos na babaeng vendor matapos pagbabarilin ng kapitbahay na nakaalitan dahil sa alagang kambing ng suspek sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan si Gladys Gunabe ng Phase 9 Package 2 Gawad Kalinga Execss Lot, Brgy. 176 Bagong Silang.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis para maaresto ang suspek na nakilalang si Anthony Calaus, 36 alyas “Tony Mata” at ang kanyang dalawang hindi kilalang kasama na nagsilbing mga lookouts.

Nabatid na bago ang pamamaril, nakaalitan ng biktima ang suspek matapos makita ng huli ang biktima na itinataboy nito sa pamamagitan ng pagbato ang alagang kambing ng suspek na nakitang sumisira sa halaman ng biktima.

Ayon kay Caloocan deputy chief of police for administration Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong alas-11 ng gabi, matutulog na si Gunabe at ang kanyang live-in partner na si Jime Perez, 25 sa loob ng kanilang bahay nang sapilitang buksan ng suspek na armado ng baril ang pinto.

Nang makapasok, walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang biktima sa harap ng kanyang live-in partner bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 sa pangunguna ni Chief Insp. Raymond Nicolas subalit, nabigo ang mga ito na maaresto ang suspek at kanyang mga kasama. RENE MANAHAN

Basurero, patay sa kainuman

$
0
0

PATAY ang isang 41-anyos na basurero habang sugatan ang kuya nito nang mauwi sa kaguluhan ang kanilang masayang inuman sa Tondo, Maynila, kaninang umaga.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Victor Camua Trinidad ng 757 Pavia St., Tondo dahil sa tatlong tama ng saksak sa dibdib at likod habang ginagamot naman sa Ospital ng Tondo ang nakatatandang kapatid na si Rolando Trinidad, 48, sanhi ng saksak sa kanang balikat.

Pinaghahanap naman ng pulisya anc suspek na tumakas matapos ang insidente na si Joey Dadap Magramo, nasa 25 hanggang 30-anyos, na ginawang tirahan ang tapat ng Landmatrix Trading sa 1317 Antipolo St., sa Tondo.

Sa report ni PO3 Donald Panaligan ng Manila Police District (MPD)-homicide Section, dakong 8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa gitna ng pag-iinuman ng magkapatid kasama ang suspek at isa pang lalaki.

Sa gitna ng inuman nagtalo ang suspek at Rolando hanggang sa kumuha ng malaking tipak ng bato ang huli at inihampas sa mukha ng suspek.

Bagamat duguan na ang suspek ay nakabunot pa ito ng balisong mula sa beywang at inundayan ng saksak si Rolando sa balikat.

Tinangka ring palakulin ni Victor ang suspek subalit maagap itong nakaiwas hanggang siya naman ang inundayan ng saksak.

Nang makitang kapwa may tama ang magkapatid ay mabilis na tumakas ang suspek sa direksiyon ng Rizal Avenue, sa Blumentritt Sta. Cruz, Maynila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

AWOL na pulis, arestado sa drug buy-bust operation

$
0
0

NAARESTO ang isang pulis sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro.

Si PO3 Armando Viana Jr., 30 anyos ay una nang nag-AWOL makaraang bumagsak sa isinagawang drug test.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, information officer ng MIMAROPA Police, nadakip si Viana, alas-11:45 ng gabi ng Miyerkules (May 9) sa ikinasang buy-bust operation sa loon ng isang subdivision sa Barangay Pag-asa.

Kabilang din sa nadakip ang hinihinalang drug pusher na si Desiree Acong, 28-anyos na residente naman ng Malabon City.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Tolentino na nagsimulang mag-AWOL si Viana noong April 16 makaraang lumabas na positibo siya sa isinagawang random drug rest. JOHNNY ARASGA

8,000 barangay, pasok sa hotspot area ng Comelec

$
0
0

HALOS nasa 8 libo na mga barangay ang tinukoy ng Commission on Elections (Comelec) na kabilang sa itinuturing na hotspots sa buong bansa para sa Barangay at Sanguniang Kabataang (SK) elections.

Hindi naman binanggit ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga lugar na kabilang sa mga hotspot.

“The reason we’re not doing that identification is to avoid the disruption that this causes. Remember ang hotspots hindi naman ibig sabihin na may kaguluhang nagaganap”, paliwanag ni Jimenez kong bakit hindi nito tinukoy ang mga lugar na itinuturing na hotspots.

Nabatid na nasa kabuuang 7,915 barangay ang nasa watch list mula sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.

Samantala, sinabi naman ni Philippine National Polcie (PNP) Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, na kabilang sa may pinakamaraming barangay hotspots ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) .

Mayroon namang tatlong klasipikasyon ang gobyerno sa hotspots.

Ito ay yellow, red at orange.

Ayon kay Bulalacao ang yellow hotspots ay may naitalang marahas na insidente ngayong election period, political rivalry, dating inilagay sa comelec control, at may presensya ng private armed groups.

Sa ganitong kategorya ay kailangang dagdagan ang mga pulis na magbabantay sa mga polling centers upang lalong mapaigting ang checkpoints at patrolya.

Ang orange hotspots ay may mga factors sa ilalim ng yellow category pero may presensya rin ng ibang grupo gaya ng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at Abu Sayyaf Group (ASG).

May presensya naman ng lahat ng bagay na nasa ilalim ng yellow at orange ang red na kategorya kung saan maaring maging election inspectors ang mga pulis at irerekomenda ang security escort sa mga kandidato.  JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

41 arestado sa buy-bust; chairman, tinokhang

$
0
0

SINUYOD ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 2 ang isang barangay sa Tondo na ikinaaresto ng 41 kalalakihan kaninang umaga sa isinagawang pagsalakay.

Ayon naman kay Supt. Santiago Pascual, hepe ng MPD-Station 2, ang mga naaresto ay dinala sa kanilang istasyon para sa berepikasyon at imbestigasyon.

Lumabas na mula sa nasabing bilang, 20 dito ang drug suspect habang ang 21 ay inaresto sa paglabag ng city ordinance.

Napag-alaman din na pagkatapos ng isinagawang buy bust operation, tinokhang ng kanyang mga tauhan si Chairman Arnel Dungo ng Barangay 255, Zone 23 Dist.2

Kabilang umano si Dungo sa narcolist at umano’y matagal ding nagtago nang umatake ang mga riding in tandem na pakay ang mga opisyal ng barangay na nasasangkot sa iligal na droga.

Ayon pa kay Pascual, aminado naman aniya si Dungo na dati siyang user pero hindi pusher.

Ayon pa sa impormasyon mula sa pinagkakatiwalaang source , huling ni-raid ang nasasakupan ni Dungo noong Mahal na Araw kung saan naaresto ang ilang mga kababaihan kabilang ang isang tomboy habang aktong nagdodroga. JOCELYN DOMENDEN-TABANGCURA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>