Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Kelot todas sa katrabaho

$
0
0

TODAS ang isang kelot matapos pagsasaksakin ng kasamahan sa trabaho makaraan ang pagtatalo sa Valenzuela City Sabado ng gabi, Abril 27.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Victor Tandoc Jr., nasa hustong gulang at stay-in sa Del Mundo cmpd., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Rolly Gorero, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong 7 ng gabi, nagtatalo ang biktima at suspek sa nabanggit na lugar nang kumuha ng patalim ang huli at pagsasaksakin ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala sa VGH ang biktima kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan ng mga ito.


Lalaki tinadtad ng saksak, tigbak

$
0
0

crime-knifeTADTAD ng saksak ang isang lalaki nang makita ng kanyang kaibigan habang nakahandusay sa kalsada matapos manggaling sa sinasabing tulak ng shabu sa Caloocan City Sabado ng gabi, Abril 27.

Dead on arrival sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Roy Abesamis, 45, ng Talipapa, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, naglalakad ang kaibigan ng biktima na si Alfred Alvite sa Road 6, GSIS Village, Talipapa, Caloocan City nang mapansin si Abesamis na duguang nakahandusay sa kalsada.

Agad na dinala sa QCGH ang biktima na huling nakitang buhay papasok sa Road 5, GSIS Village ng lungsod kung saan nakatira ang sinasabing tulak ng shabu na isang Nenita Taela.

Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan sa droga ang nasabing insidente at kung sino ang suspek.

SUV sinuwag ng bus, 3 sugatan sa QC

$
0
0

crime10TATLO katao ang nasugatan nang suwagin ng isang pampasaherong bus ang lumilikong sports utility van sa Quezon City kaninang madaling araw.

Isinugod sa New Era Hospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang isang hindi nakuhang pangalan ng babae at lalaking sakay sa Toyota Innova.

Bukol naman sa ulo ang inabot ng isang 3-anyos na hindi nakikilalang batang babaeng pasahero na nauntog sa upuan ng  Don Mariano Transit Corporation.

Sumuko naman agad ang tsuper ng bus na si Roman Tagorda at pinag-aaralan nang sampahan ng kaukulang kaso.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling araw sa southbound lane ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) at Nueva Ecija Extention, Q.C.

Ayon kay Tagorda, galling siya ng northbound lane ng EDSA nang pinilit na mag-u-turn ang naturang SUV kaya nabangga niya ito.
Sa lakas naman ng pagkakabangga, tumilapon at napunta sa center island ang naturang SUV bago bumangga pa sa poste ng Light Rail Transit (LRT) 1.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang pangyayari na  nagdulot ng trapiko sa lugar.

Trak swak sa bangin, 2 sugatan

$
0
0

diarrhea1DALAWA ang sugatan makaraang mahulog ang isang trak na may hilang trailer at puno ng mga bote ng softdrinks sa 20-metrong lalim na bangin sa Sitio Pamuhatan, Barangay Marilog, Davao City pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Nailigtas ng rumespundeng 911 Urban Search and Rescue Unit ang mga sugatan na sina Adonis Tambuli, 30, drayber ng Prime Mover Truck, nagtamo ng mga sugat sa mukha, ulo at katawan; helper nito na si Mike Cadayona.

Base sa salaysay mismo ni Tambuli, maingat naman umano siya sa pagmamaneho ngunit hindi lang talaga maiwasan ang aksidente.

“Sa itaas pa naka-high gear kasi ako tapos nung pababa na, nagpreno ako pero di na makaya kaya inihandos ko ang low gear ayaw nang pumasok kaya dumiretso na kami sa bangin.”

Agad na isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang mga biktima matapos ma-rescue.

Nabatid na galing sa Cagayan de Oro ang trak alas-5:00 ng hapon kahapon  papunta sana ng Ulas, Davao City upang i-deliver ang karga nito ngunit nadisgrasya at dumiretso sa bangin.

Kinumpirma naman ni PO3 Necson Paraguelles ng Marilog Police, na ang naturang lugar ay itinuturing na pinakadelikadong highway sa Marilog kung saan Nakapagtala na ng record mula taong 2012 na aabot na sa 10 sasakyan ang nadisgrasya at nahulog sa bangin kaya natanggal na ang karamihan sa railings sa gilid ng highway.

1 sundalo todas, 1 kritikal sa ambush sa Basilan

$
0
0

acetyleneTODAS ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) at nagtamo naman ng mga sugat ang isa pa makaraang tambangan ang mga ito ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan ngayong hapon lamang sa may bahagi ng Brgy. Ubit sa syudad ng Lamitan probinsya ng Basilan.

Nabatid na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga sundalo na pawang nakatalaga sa 32nd Infantry Battalion sa Lamitan.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ang sundalo at nasa kritikal na kondisyon ang isa pa na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa naturang probinsiya, at kapwa hindi pa pinangalanan.

Dahil dito, ipinag-utos ni 1st Infantry Division Commander BGen. Daniel Lucero na tugisin ang mga responsable sa ambush habang inaalam pa rin ang motibo sa pananambang.

Army warns candidates giving in to extortions

$
0
0

ballot-boxesCamp Macario Peralta, Jamindan Capiz –The Army’s 3rd Infantry Division reiterates its call to political candidates not to give in to the demands of the CPP-NPA through their Permit to Campaign (PTC) scheme and other extortion activities.

MGen Jose Z Mabanta Jr Commander 3ID in a statement “We are warning them not to allow the CPP-NPA influence the outcome of this coming election through threats. We have data to support that a handful political contenders are extending financial assistance and giving in to the demands of the CPP-NPA extortionists.

We will not allow this and we will insure that their decision to give in will have legal repercussion.”

Early this year, reports from the Army field units state that some candidates received Permit to Campaign letters from the CPP-NPA. Also, some PTC letters were recovered during the apprehension of CPP-NPA top leaders in the region recently.

Mabanta stressed that “Giving in to the demands is not a guarantee that the CPP-NPA will not harass the candidates anymore and be given access. There is evidence of politicians who give in to extortion demands of the CPP-NPA and continuously being harassed.

This is because of factious leadership on their (CPP-NPA-NDF) organization. They now lack leaders and have inconsistent chain of command.”

Series of armed violence and atrocities that indiscriminately violate human rights and the International Humanitarian Law shows that CNN leadership is not in control and has no grasp of their forces anymore.

Mabanta further stressed that “At this point, there is infighting among their (CNN) top leadership and this will ripple down to their lower levels.”

Due to lack of support and confidence in the CNN higher level leadership, their local leaders are starting to come out in the open in order to extort and are being apprehended by the government authorities.

From the start of this year to date, seven (7) CPP-NPA leaders in Western Visayas were apprehended by the joint forces of the AFP and the PNP through the Regional Joint Peace and Security Coordination Center (RJPSCC) and the AFP-PNP COMELEC checkpoint. All of them have warrants of arrest with cases ranging from arson to murder.

“The CPP-NPA has already lost the support of their mass base and they resort to extort from the people especially the candidates during elections. Candidates who are giving in to the demands are just helping the rebels to regroup and further conduct terroristic activities that victimize innocent people.

We will be pressing criminal charges against those candidates who insist and we will make sure that they will be pinned down, face the consequence and be meted with appropriate penalty,” Mabanta added.

Bebot todas sa panraratrat sa Munti

$
0
0

carjackersPATAY ang isang negosyanteng babae makaraang paulanan ng bala ang kanyang sasakyan, habang sugatan naman ang kanyang kasama kahapon sa Muntinlupa City sa ulat ng pulisya.

Dead on the spot si Maria Fe Banadera, ng Block 18 Lot 56 SPV Central, Phase 3 Molino, Bacoor, Cavite sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sugatan naman ang hindi pa nakikilalang lalaki na kasama niya sa kanyang sasakyang Nissan Strada na may conduction sticker na BS 4537 sanhi din ng tinamong tama ng bala sa katawan nito.

Sa ulat na isinumite kay Muntinlupa police chief S/Supt. Roque Dela Vega, dakong alas-3 ng hapon ng maganap ang insidente sa kanto ng Jasmin at Marigold St., Ruby Park, Victoria Homes, Barangay Tunasan habang lulan ng sasakyan ang dalawa.

Tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa nabatid na lugar makaraang ang pamamaslang, bitbit ang mga ginamit na armas.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng pinangyarihan ang 22 basyo ng kalibre 45 baril, pitong basyo ng kalibre .9mm, dalawang bala at 10 slugs na magpapatunay na niratrat ng husto ang mga biktima upang matiyak ang kanilang kamatayan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang.

Empleyado ng LP niratrat, todas

$
0
0

crime-shootingTODAS ang isang empleyado ng Liberal Party sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur nang barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki bandang alas-8:45 kaninang umaga sa Purok Tinangkong Uno, Brgy. Balintawak.

Kinilala ang biktima na si Nelson Escario,  driver ni Tyrone Singco, dating chief of staff ni ex-Governor Aurora Ceriles.

Naniniwala naman ang liderato ng Liberal Party sa lugar na posibleng may kinalaman sa plunder charges na inihain ni Singco sa mag-asawang Aurora at Antonio Cerilles kung saan ang biktima ang isa sa mga tumayong testigo, at kasalukuyang affiliation ng biktima.

 


3 Malaysians arestado sa pagnanakaw

$
0
0

abortionistKULONG ang tatlong Malaysian nationals makaraang mahuling nagnanakaw sa isang ATM booth sa loob ng isang mall sa Iloilo City.

Nabatid na naganap ang pang-uumit ng mga suspek na kinilalang sina Ching Seng Jun, 25; Chang Yong Siang, 32 at Tan Boon Fooi, 24 alas-3:00 ng hapon sa SM City Mall, Mandurriao, Iloilo City.

Ang tatlo ay pansamantalang nanunuluyan sa Hotel del Rio.

Sa imbestigasyon, namimili ang tatlo at nang maubusan ng cash ay gumamit ang mga ito ng skimming device na idinidikit sa ATM booth dahilan para makapang-umit ng pera.

Nakuha sa mga suspek ang isang skimming device na nakadikit pa sa ATM machine, dalawang double-sided tape, gunting, cutter,  at P10,970 cash.

Hustler sa larong pool, kritikal sa tinalong lasing

$
0
0

KRITIKAL ang isang hustler sa larong pool matapos tarakan ng hindi pa kilalang lasing na natinalo sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Christopher De Pedro, 21 ng Maria Hizon, North Bay, Manila, sanhi ng saksak ng tako sa ulo at saksak ng patalim sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang dumayo ang biktima sa Fishpond, Maypajo, ng lungsod kung saan nakalaban ang suspek na lasing.

Dahil sa likas na magaling ang dayo ay hindi nanalo ang suspek na naasar hanggang sa baliin ang hawak na tako at isinaksak sa ulo ng biktima.

Hindi pa nakuntento ang suspek at nagbunot ng dalang patalim bago tinarakan uli sa katawan ang biktima.

Dinala ang biktima sa PDMMMC habang inaalam na kung sino ang suspek.

No.1 wanted sa droga sa Davao swak sa selda

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang wanted sa kasong droga matapos ang apat na taong pagtatago sa  batas ng madakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya noong April 24, 2013 sa Davao City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling pugante na si Jason Taladua Buhisan, alias Echang/Richard Buhisan, 28, mangingisda  ng Purok 2,Barangay 76-A, Davao City na itinuturing na numero uno sa target ng mga awtoridad  sa Davao.

Ayon kay Cacdac, si Buhisan ay nadakip sa bisa ng isang warrat of arrest na ipinalabas  ng Branch 9 Davao City RTC ng mga tauhan nina PDEA Regional Office 11 (PDEA RO11)  Director Emerson Rosales, Davao City Police Office (DCPO), at Sta. Ana Police Station, sa lugar nito sa Barangay 76-A, mga bandang alas 7:30 ng umaga .

Sinabi ng PDEA ang operation ay may kaugnayan sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II,  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si Buhisan ay pansamantalang detenido sa DCPO-Investigation and Detection Management Branch (IDMB) Jail Facility, sa Camp Capt. Leonor, San Pedro Street, Davao City.

Empleyado ng munisipyo huli sa 150 gramo ng shabu

$
0
0

AABOT sa 150 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang empleyado ng isang munisipyo na umanoy pinaniniwalaang supplier ng iligal na droga Maguindanao.

Si Arman Adam, 37 anyos , alias Taps, empleyado sa munisipyo  ng Mother Kabuntalan, Maguindanao at residente sa Upper Capitol, Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay inaresto sa bisa ng search warrant  na inisyu ng branch 13 ,Honorable Bansawan Ibrahim, Al Haj, Executive Judge, 12th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) , Cotabato City,at  isinilbi sa kanyang bahay noong April 26, 2013.

Nakuha ng mga operatiba sa bahay ni Adam ang dalawang malalaking plastic bag  na naglalaman ng shabu na may bigat na 150 gramo; mga drug paraphernalia; apat na kalibre .45 pistols; isang cal. 30 Carbine; cash na P11,800; at isang Toyota Fortuner,  MFG-187.

Si  Adam ay ikinukonsiderang malaking target mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot nito sa distribusyon ng shabu sa autonomous region, particular sa mga probinsiya ng Maguindanao, South Cotabato at General Santos City.

Dahil dito si Adam ay kinasuhan ng paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. At karagdagang kasong paglabag sa RA 8294 (Illegal Possession of Firearms) at Omnibus Election Code (Election Gun Ban).

Iniwan ng misis at anak: Construction worker nagbigti

$
0
0

TINAPOS ng isang construction worker ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti matapos iwanan ng kanyang asawa’t anak sa Sampaloc, Manila, Lunes ng tanghali.

Bagama’t tumangging paimbestigahan ang nasabing pagpapakamatay ng mga kaanak ng biktima na si Ronaldo Mijares, may asawa, taga-Lacson St., Sampaloc, nakakuha pa rin ng ilang detalye si Det. Christian Caparas ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section.

Batay sa report ng pulisya, dakong 11:00 ng tanghali, nang makitang nakabitin ang biktima gamit ang electrical wire.

Nabatid sa ulat ng pulisya, na masyadong dinibdib ng biktima ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis na OFW na binitbit pa ang mga anak.

Supporter ng tumatakbong alkalde sa Bukidnon tinaga, dedo

$
0
0

TODAS ang tagasuporta ng kumakandidatong alkalde sa Talakag, Bukidnon makaraang pagtatagain ng apat na lalaki na sinasabing pinamunuan umano ng pamangkin ng katunggaling kandidato sa pagka-mayor sa nasabing bayan.

Kinilala ni dating Iligan City police director S/Supt. Oscar Aguda ang biktima na si Allan Ubaan, ng Sitio Colasoyan, Brgy. Lapok, Talakag, Bukidnon.

Ayon kay Aguda, naganap ang pananaga habang papauwi na si Ubaan mula sa campaign sortie ni re-electionist Talakag Mayor Nestor Macapayag.

Habang kinilala ang itinuturong suspek na si Alyong Sayana na pamangkin ni Talakag Vice Mayor Renato Sulatan.

Nabatid na si Ubaan ay supporter ni Macapayag ng Partido Liberal habang ang suspek na si Sayana ay supporter ng kanyang katunggaling si Sulatan.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen.

Parak dinukot ng ‘NPA’ sa ComVal

$
0
0

DINUKOT ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley.

Nabatid kay Senior Supt. Camilo Cascolan, Provincial Director ng Compostela Valley Police, maaaring naharang sa ginawang road block ng mga hinihinalang NPA si SPO1 Allan Pansoy sa Park 6, Malamud sa Maco.

Patungo sanang political rally ang biktima upang magbigay ng seguridad bilang tugon sa kahilingan ni Governor Arturo Uy nang maganap ang pandurukot.


Bebot kulong sa tangkang pagtangay sa nene

$
0
0

kidnapper

HINDI nakaligtas sa selda ang bebot na nagbaliw-baliwan matapos mahuli nang tangkain tangayin ang siyam na gulang na batang babae sa Caloocan City Linggo ng madaling araw, Abril 28.

Nakilala ang suspek na si Ma. Katlea Velasquez, 32, ng Antigue st., Bago Bantay, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, pumasok ang suspek sa bahay ng biktimang edad 9 sa BMBA ng nasabing lungsod.

Hinatak ng suspek ang biktima na nagising hanggang umabot sa kalsada ang hatakan.

Nakita naman ng isang kapatid ng biktima ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Naabutan pa ng mga tanod ang hatakan na naging dahilan upang dakpin ang suspek at ibalik sa magulang ang nene.

Sa presinto ay umaktong wala sa sarili ang suspek subalit isinelda na rin ito ng mga pulis upang maimbestigahan at masampahan ng kasong attempted kidnapping.

Magkaribal sa nililigawan nagrambulan, isa patay, isa sugatan

$
0
0

NAUWI sa madugong trahedya ang panliligaw ng magkakaribal sa iisang babae makaraang magtagpo tagpo sila sa bahay nito na nauwi sa patutsadahan  hanggang sa magkasaksakan sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Namatay noon din sa lugar ng insidente si Howard Oliver Abina,  27 anyos,  ng Salanap compound, Sito Mendez, Brgy. Baesa  at helper sa isang auto repair shop sanhi ng tinamong saksak sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Naitakbo naman ng  kasamahan niyang si Danilo Corpuz, 37, kapitbahay ng biktima ang sarili nito kahit duguan sa East Avenue Medical Center na nagtamo rin  ng saksak sa katawan.

Batay sa isinumiteng ulat ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang  insidente pasado ala 1:30 ng madaling araw sa  bahay ng isang Shirley Oliveria sa Salanap compound , Sitio Mendez , Brgy. Baesa .

Ayon sa ulat pagdating umano ng mga biktima sa bahay ni Shirley ay nadatnan nila ang tatlong kalalakihan bisita rin ng babae na nakaupo sa living room .

Sinasabing nag-umpisa ang gulo ng sitahin umano ni Corpuz ang mga suspek at sinabihan “ bakit” may problema ba “ kung kaya nauwi sa  mainitang argumento hanggang sa sila’y magkarambulan .

Sa gitna ng rambulan bumunot umano ng patalim ang isa sa mga salarin bago inundayan ng sunod-sunod na saksak ang mga biktima bago nagsitakas.

Namatay agad si Abina samantalang si Corpuz na bagamat sugatan ay mag-isang isinugod ang sarili sa EAMC na agad naming nalapatan ng lunas.

Kaugnay nito patuloy ang isinasagawang pagtugis ng mga pulis sa mga tumakas na suspek.

Rape victim ni Malapitan nagpasaklolo sa DSWD

$
0
0

DUMULOG sa tanggapan ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman ang dalagang hinalay ng kandidato sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Caloocan City na si Along Malapitan upang makakuha ng case records na magagamit niya sa pagbubukas ng kanyang kaso.

Sa tulong ng abogadong si Trixie Angeles-Cruz ay lumiham ang biktimang itinago sa pangalang Mila, 21, ng Bagong Barrio, Caloocan City sa tanggapan ng DSWD-NCR upang makakuha ng kopya ng case records nito upang maisulong ang kaso nito laban sa anak ni 1st District Congressman Oca Malapitan na si Along.

Matatandaan na kamakailan ay lumapit na rin ang biktima sa tanggapan ng DSWD-NCR upang makakuha ng case records para sa kanyang kaso ngunit tinanggihan ito dahil sa dahilang “confidentiality policy” na ipinatutupad ng nasabing tanggapan.

Sa pamamagitan ng liham na ipinadala ng mga ito kay Secretary Soliman, sinabi ni Mila na dismayado ito sa ipinatutupad na polisiya ng DSWD dahil paano ito makakukuha ng katarungan kung ipagkakait ng naturang tanggapan na mabigyan sila ng kopya ng kanilang kinakailangan para mapabuksan ang kanyang kaso.

Ayon kay Angeles-Cruz, base sa batas, ang tanging ipinagbabawal lamang sa katulad ng mga ganitong kaso ay ang pagsasapubliko at paglalathala ng mga impormasyon higit sa lahat kapag wala itong pahintulot mula sa biktima.

“Denying her access to her own records is not only ridiculous, it is outright illegal,” sabi pa ng abugado ng biktima.

Sinabi pa nito, hanggang sa ngayon ay nahihiwagahan pa rin sila kung bakit hindi pa rin sila pinapayagan ng DSWD-NCR na makakuha ng case records ni Mila kahit na nakarating na sa tamang edad ang biktima na 16-anyos pa lamang nang maganap ang insidente.

Bagama’t dismayado ay ayaw pa ring maniwala ni Angeles-Cruz na may gustong protektahan ang DSWD-NCR kaya’t patuloy ang pagtanggi ng mga ito na bigyan sila ng case records ng biktima.

“Why does the DSWD-NCR want to prevent Mila from accessing her records, which incidentally include her court records? As she was a minor at the time her case against then Barangay Captain, now Congressional candidate Dale Gonzalo “Along” Malapitan for rape was being litigated, she knew very little of what was going on and had no say in the decisions made about her. Her records will reveal the full extent of the whys and wherefores of the dismissal of her case, as well as her own admission and custody in the DSWD,” paliwanag pa ni Angeles-Cruz. “But it seems, this victim is being victimized again,”.

Napag-alaman pa na ang biktima ay napunta sa pangangalaga ng DSWD mula April 2008 hanggang November 2011 matapos na maisampa ang kaso sa Caloocan City Prosecutor’s Office hanggang sa mapunta ito sa Regional Trial Court (RTC) Branch 131.

“Sometime last week, my staff and I went to DSWD to inquire about obtaining the records, particularly the judicial records of rape victim “Mila” who by then had become our client. We were informed that we needed to give a letter of request,” ayon pa kay Angeles-Cruz.

Dahil sa paghahangad ng abugado na Mila na mabuhay ang kaso kaya’t nagpupursige ito na makuha ang court records kung saan ay nahaharap sa kasong panghahalay si Malapitan, tiyuhin nito na umano’y namatay na, mga tanod na sina Joselito Lim, Roderick Antonio and Danilo Bautista, kagawad na sina Pedro Tolentino, mga alyas na sina Larry, Michael ang iba pang hindi na natukoy ang pagkakakilanlan.

“We followed up the next day and informed the Director’s staff that we needed the records ASAP (as soon as possible). The following day again, we followed up and we were informed that our request was going to be denied, but that they couldn’t give us a formal response yet because the Director was out of her office. We received the formal denial by email the day after that,” dagdag pa ng abugado.

Pekeng pulis lamog sa taumbayan

$
0
0

BUGBOG  sarado sa taumbayan ang isang  nagpanggap na pulis matapos mangholdap ng pasahero sa Tondo, Maynila.

Arestado ang suspek na si Rommel Sebastian, 41, ng 1319 Masinop Street Tondo Maynila dahil sa reklamo ng biktimang si Winifredo Torres, 39,  ng 139  Halcon Street Laloma, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Edgar Julian ng MPD ANCAR, alas-12:00 ng madaling-araw kanina nang isagawa ng suspek ang insidente sa Wagas  at Lakandula Street Tondo, Maynila.

Nauna rito,  naging pasahero ng biktima ang suspek nang sumakay sa Blumentritt at nagpahatid sa area ng Tondo.

Nang may madaanang  tindahan ay inutusan ng suspek ang biktima na bumili ng sigarilyo ngunit pagbalik nito  ay  wala na ang kanyang minamanehong tricycle  na Honda Motorcycle  na may plakang (1170-TA) kaya inireport ito sa pulisya.

Ganap na ala-1:00 kaninang madaling araw  ay namataan ng biktima ang kanyang  tricycle sa  Blumentritt na nakaparada kaya humingi ng  tulong  kay Antonio Villaruel, tanod ng Barangay 33, Zone 3 .

Nang makita ang suspek ay nagkaroon ng habulan hanggang sa makarating sa Tondo, na naging dahilan upang makorner ng taong bayan at nabugbog ang pekeng pulis.

Kelot nakipagbarilan sa mga parak, tigbak

$
0
0

PATAY ang isang lalaking patong-patong ang kaso matapos ang naganap na barilan nang salubungin ng bala ng una ang mga pulis na aaresto sa Caloocan City Martes ng umaga, Abril 30.

Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Michael Ignacio, alyas Bulag, nasa hustong gulang ng Pla-Pla st., Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang lusubin ng mga pulis ang bahay ng biktima dala ang mga arrest warrant ng suspek sa mga kasong murder, robbery hold-up at droga.

Papasaok pa lang ng bahay ang mga pulis ay sinalubong na ng mga putok ng suspek kung saan pinalad ang isang pulis na tinamaan ng bala sa dibdib subalit dahil sa suot na bullet vest ay hindi tumagos.

Napilitan ang mga pulis na gumanti ng mga putok na naging dahilan upang mataan ang suspek at dalhin sa TGH.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang kalibre .45, 2 .38 at isang granda na apple type.

Dinala naman sa presinto ang asawa ng suspek na si Maria Magdalena Ignacio, 19 matapos makuhanan sa dalang pouch ang 8 sachet ng shabu at isang malaking plastic sachet ng shabu.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>