Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

200 pamilya nawalan ng kabahayan sa sunog sa QC; 3 sugatan

$
0
0

NAWALAN ng kabahayan ang may 200 pamilya habang tatlo naman ang nasugatan nang matupok ng apoy ang isang squatters area  sa Quezon City kaninang umaga (Abril 30).

Ang sunog sa squatters area sa Sitio Militar, Barangay Bahay Toro, Project 8 ay nagsimula dakong 9:25 a.m.

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo bago pa ito naapula ng mga bumbero.

Sinabi ni Superintendent Jesus Fernandez, Quezon City fire chief, na may 100 kabahayan ang natupok ng sunog.

Tatlo aniyang katao ang iniulat na nasaktan.

Aabot sa P2.5 milyon ang naging abo na mga ari-arian.


Binatilyo inginungusong pumatay sa kandidato sa N. Cotabato

$
0
0

INGINUNGUSO ng pulisya ang isang binatilyo hinggil sa pagpatay sa isang municipal councilor bet sa North Cotabato nitong nakaraang Linggo ng gabi lamang.

Sinabi ni Senior Supt. Danny Peralta, North Cotabato’s provincial police director, na naestablisa na rin ng mga imbestigador na si  Omar Gafur ay biktima ng  “vendetta killing,” na tila ay may koneksyon sa isang standing rido o clan war.

Nilinaw naman agad ni Peralta na hindi election related ang pagpatay kay Gafur at ang pumatay dito ay isang 14-anyos na lalaki na miyembro ng isa pang Moro clan na may galit sa Gafur family.

“We are now coordinating with the Department of Social Welfare and Development. We have to initiate police action against the suspect with the guidance of DSWD,” pahayag ni Peralta.

Si Gafur, na tatakbong municipal council ng Banisilan sa ilalim ng United Nationalist Alliance, ay pauwi na mula sa pangangampanya nang lapitan ng suspect at paulit-ulit na binaril sa likod ng .45 caliber pistol.

Balewala naman na naglakad lang palayo sa lugar ang suspek na may isa pang kasama na nagsilbing lookout.

Nagpakalat na aniya ng combat-ready members ng Region 12 police office sa Banisilan bilang parte ng security measures para maiwasan ang awayan sa nasabing lugar.

Pagbili ng 12 fighter jet plane ng gobyerno, nakabinbin

$
0
0

NAKABINBIN pa rin ang plano ng gobyerno na pagbili ng 12 mga fighter jet plane na gagamitin ng hukbong lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Fernando Manalo, hanggang ngayon ay hinihintay pa rim ang dokumento mula sa  gobyerno ng South Korea na gumagarantiya sa kasunduan sa kontrata sa pagbili ng mga jet.

Sinabi pa nito na magiging madali lamang ang naturang proseso kung ang mga fighter jet ay bibilhin sa mismong gobyerno ng South Korea upang magkroon ng government to government transaction.

Nangako naman si Manalo na gagawin ang lahat upang maiayos ang pre-bidding conference upang hindi mabulilyaso pa ang nasabing kasunduan.

Masamang tumingin: Tambay tinarakan, patay

$
0
0

TODAS ang isang tambay matapos tarakan sa kili-kili ng lalaking nag-akusa sa kanya na masamang tumingin sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center si Ramil Quinio Y Garcia, 27-anyos, binata at taga-Kagitingan St., Tondo, sanhi tinamong saksak sa kaliwang kili-kili.

Tumakas naman ang suspek na si Rolando Panlilio Y Aguilar, 24-anyos, vendor at residente ng Paghanapin St., Tondo, bitbit ang ginamit na patalim.

Batay sa ulat ni Det.Richard Escarlan, kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section dakong 2:30 kahapon ng hapon nang maganap ang nasabing krimen sa harapan ng isang barbershop sa 1004 Kagitingan St., sa Tondo.

Nauna rito, nakikipagtalo si Quinio sa kanyang tiyahin na si Imelda Quinio, 57-anyos, nang mapadaan ang suspek sa lugar.

“Bakit ang sama mong tumingin ahh”. sabi ng suspek patungkol sa biktima.

Kasabay ng litanya, nagbunot ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing tinarakan ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang naiwang nakahandusay ang duguang biktima.

Ilang tambay naman sa lugar ang nagmagandang loob na isinugod ang biktima sa naturang pagamutan, subalit idineklara itong dead on arrival.

Alternatibong ruta para sa pagdiriwang ng Labor Day, inilatag ng MPD

$
0
0

INILATAG na ng Manila Police District (MPD) sa publiko ang paggamit ng alternatibong ruta sa Maynila bukas, Mayo 1.

Ito ay para mabigyang daan ang inaasahang pagdagsa ng mga militanteng grupo na magsasagawa ng rally bilang pagdiriwang sa Araw ng Paggawa.

Batay sa ulat ng MPD, maaring dumaan sa Ayala Boulevard patungong Arlegui Street at Quezon Boulevard Quiapo.

Gayundin sa Bilibid Viejo at Loyola, Claro M. Recto Avenue, Morayta patungo sa Espanya Boulevard.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng MPD na sapat ang pwersa ng kapulisan upang masiguro ang kaayusan sa isasagawang kilos protesta ng mga militanteng manggagawa.

2 Chinese nalunod sa El Nido Palawan, todas

$
0
0

TODAS ang dalawang Chinese national makaraang malunod sa Miniloc Island Resort , El Nido, Palawan.

Nabatid na unang nalunod si Mary Zi, 52 at nakita na lamang na lumulutang sa dagat kung saan tinangka pang sagipin subalit binawian din ng buhay sa ospital.

Habang si Zhu Ding, 32 ay nalunod habang kasama ang kanyang asawa.

Mabilis na rumesponde ang nurse ng resort para bigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang biktima na agad ding isinugod sa rural health center pero hindi na umabot ng buhay.

Hinihinalang inatake sa puso ang mga biktima habang naliligo sa dagat.

Isasailalim pa sa autopsy ang labi ng mga biktima.

German national todas sa atake sa puso

$
0
0

TODAS ang isang German national makaraan atakehin sa puso sa  Barangay Pagdalan Norte sa San Fernando, La Union.

Kinilala ang biktima na si Helmoc Alex, 69, ng naturang lugar.

Nabatid na nagpasaklolo ang biktima sa asawa nitong si Evangeline Alex, tubong Atabay, Bugias, dahil sa paninikip ng dibdib nito.

Humingi naman ng tulong si Evangeline sa mga kapitbahay at nakatawag naman ng doctor ang mga ito ngunit hindi rin pinalad na mabuhay pa.

Isasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay upang malaman ang totoong ikinamatay nito.

Matansero, pinagtataga ng dating kaibigan

$
0
0

MASWERTENG nabuhay ang 39-anyos na matansero makaraang pagtatagain ng dati niyang kaibigan matapos sundan ng nauna at hamunin ng away kahapon sa Pasay City.

Inoobserbahan pa sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Ramil Penasbo, 39, ng 833 B. Mayor St.,matapos magtamo ng mga tama ng taga sa ulo, leeg at braso.

Nadakip naman sa follow-up operation nina Senior Insp. Rommel Resureccion ng Police Community Precint (PCP) 7 ang suspek na si Aldwin Badajos, 36, pedicab driver, malapit sa tinitirhan niyang bahay sa 829 Mayor St., sa naturang lungsod.

Ayon kay Pasay city police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca, nagbabantay sa isang laruan ng pool sa kanilang lugar sa Mayor St. si Badajos  nang dumating ang biktima dakong alas-4 ng hapon at nag-ingay na labis na ikinairita ng mga naglalaro.

Sinabihan ni Badajos ang biktima na huwag mag-ingay dahil naiirita ang mga naglalaro subalit siya ang binalingan at sinapak sa mukha.

Nang umuwi na si Badajos, sinundan umano siya ni Penasbo at hinamon ng away kaya’t kumuha na ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima.


Informer ng pulis tinodas sa Taguig

$
0
0

TAGUIG City – Patay ang isang “police informer” matapos pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng ‘di nakilalang salarin sa kahabaan ng P. Mariano Street, Barangay Ususan, Sabado ng madaling-araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng naturang lungsod, nakilala ang pinaslang na si Joselito Auro, ng V. Flores Street, Barangay Tuktukan, Taguig City at sinasabing informer ng Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force ng Taguig City Police Headquarters.

Ayon sa ulat ng IDMS, alas-3:00 ng umaga nang tambangan at paulanan ng bala ng cal .45 ang biktima ng ‘di nakilalang salarin.

Samantala, tatlong araw bago pinaslang ang biktimang si Auro, agad din na binawian ng buhay ang isang Ayang Sandigan, nasa hustong gulang, ng Barangay Central Signal Village, Taguig City nang pagbabarilin din ng ‘di nakilalang suspect dakong 12:10 ng gabi sa kahabaan ng Maguindanao Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Patuloy pa rin sa pagsisisyasat ang mga elemento ng IDMS hinggil sa magkahiwalay na pamamaslang.

Task force vs NPA bubuuin ng DOJ

$
0
0

NAKATAKDANG bumuo ng task force ang Department of Justice (DOJ) upang imbestigahan ang ilang krimen na kinasasangkutan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kabilang na ang extortion activities nito.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima , ang  task force ay bubuuin ng state prosecutors at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ng kalihim na  ilan sa mga tututkan ng task force ay ang pag-atake kay Gingoog Mayor Ruthie Guingona,  asawa ni dating  Vice-President Teofisto Guingona Jr.

Magugunitang inako ng NPA ang pamamaril sa alkalde subalit iginiit ni kampo ni Guingona na mga rebelde ang unang nagpaputok.

Iimbestigahan din ang umano’y pangingikil ng rebeldeng grupo sa ilang kandidato na aabot sa ilang miyong piso.

Quezon nilindol ng magnitude 5.5

$
0
0

NILINDOL ng magnitude 5.5 ang Quezon ngayong 1:38 ng hapon.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol sa layong 76 kilometro (km) hilagang-silangan ng bayan ng Jomalig.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 95 km.

Walang nasugatan at naitalang pinsala ang naturang lindol ngunit inaasahang may mga aftershocks matapos ang pagyanig.

Sinto-sinto hinalay, kelot kalaboso

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang delivery boy matapos halayin ang kalugar na dalagang sinto-sinto sa Valenzuela City, Martes ng gabi, Abril 30.

Nakilala ang suspek na si Hernan Joseph, 30 ng M. Gregorio st., Canumay West ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan at kausapin ng suspek.

Nagawang mabola ng suspek ang biktima hanggang sa madala sa bakanteng lote ng nabanggit na lugar at doon nahalay.
Pag-uwi ng biktima ay nagawang makapagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek

Kinarnap na sasakyan sa junk shop natagpuan

$
0
0
DAHIL sa inilatag na follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Anti Carnapping and Hi-jacking Investigation Section, natunton ang sinasabing karnap na sasakyan sa loob ng isang “junk shop” sa Calaca, Batangas, iniulat ng pulisya.
Gayunman, nadamay din at nakapiit ang suspek na nakilalang sina Maribel Patulot, 40 anyos, may-ari ng Bher Junkshop, sa 194 Sitio Laguerta Brgy.Uno, Calaca, Batangas at ang helper nitong si Rolando Macatigbak, 29 anyos ng nasabing lugar.
Narekober at kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-Headquarters ang isang kulay puting Mitsubishi Fuso Canter (NIY 447) na umano’y kinarnap, habang nakaparada sa V. Mapa St., Sta.Mesa nitong nakaraang Sabado ng madaling araw.
Base sa ulat ni P/Sr.Insp. Rosalino Ibay, dakong 8:30 kamakalawa ng gabi nang bibitbitin nila ang dalawa sa nasabing Junkshop sa Sito Laguerta, Brgy., Unoi, Calaca, Batangas.
Bago ang pag-aresto nitong nakaraang April 27, bandang 4:15 ng madaling araw nang tangayin ng di nakikilalang suspek ang sasakyan na nakarehistro sa Jalan Transport Services, Inc.
Ang pagtangay sa nasabing sasakyan ay nakuhanan ng Closed Circuit Television (CCTV) sa barangay kung saan isa ding lalaki ang tumangay dito.
Nabatid pa kay Sr. Insp. Ibay na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa isang junkshop na kung saan ay naroroon ang kinarnap na sasakyan, kaya agad na nagsagawa ng follow-up operation at natunton ito sa nasabing lugar.
Lumitaw sa ulat ng pulisya na umano’y por kilo ang naging bentahan ng sasakyan na umabot lamang sa  P60,000.00
Narekober sa nasabing junkshop ang sasakyan at mga Goldilocks products na nagkakahalaga ng P100,000, na siya namang mariin ang pagtanggi ni Patulot na may kinalaman sila sa aktibidades ng hindi pa tukoy na mga suspek.
Inaalam din ng awtoridad kung may kaugnayan ang ginang sa naturang operandi.

6 sugatan sa tumagilid na bus

$
0
0

ANIM katao ang nasugatan makaraang tumagilid ang isang pampasaherong bus sa Litex Road, Commonwealth, Quezon City ngayong hapon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nawalan ng preno ang Jackpherlyn Bus na may biyaheng Quiapo-SM Fairview dahilan ng pagtagilid nito.

Isinugod sa malapit na ospital ang mga sugatan kabilang ang isang malubhang pasahero na nagtamo ng bali sa paa.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng bus.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.

Koreano ninakawan ng P280K alahas ng katulong

$
0
0

TINATAYANG P280,000 halaga ng alahas ang ninakaw ng isang katulong mula sa isang Korean national sa Salud Mitra Barangay sa Baguio kamakalawa ng gabi.

Base sa pahayag ng biktimang si Hyunmi Song, 43, may-asawa, ng nasabing lugar, napansin niyang nawawala ang kangyang mga alahas kabilang na ang gintong bracelet na nagkakahalaga ng P200,000; gintong necklace na nagkakahalaga ng P40,000; gintong singsing na may halagang P10,000 at anim na piraso ng earrings na nagkakahalaga ng P30,000.

Habang inamin naman ng mga katulong na si Marivic Mandapat, ng San Anthony Village, Lopez Jaena, Aurora Hill, Baguio City, na siya ang nagnakaw at nagsanla sa isang mall sa naturang lungsod nang komprontahin ito ng biktima.

Pinoproblema ni Mandapat kung paano matutubos ang mga alahas sa pawnshop dahil ang Alyas niya ang kanyang ginamit sa transaksyon at wala siyang maipakitang valid ID card.

Sinampahan na ng Koreano si Mandapat ng kasong qualified theft na kasalukuyang nakakulong sa Baguio City Jail.


Illegal recruiter ng mga sekyu tiklo

$
0
0

KALABOSO ang isang illegal recruiter na nambibiktima ng mga security sa isang entrapment operation sa Bacolod City.

Huli si Jonah Antiojo, 37, ng Brgy. Granada, Bacolod City sa entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group at Police Station sa isang mall.

Bago ang naturang operasyon ay nakatanggap ng tawag ang awtoridad sa isang Gerald Escala matapos inalok siya ng trabaho sa Jeddah, Saudi Arabia ngunit dapat munang magbayad ng P10,000.

Nabatid pa na marami nang nabiktima ang suspek na mga security guard.

Tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag ang suspek matapos mahuli.

Binata kritikal sa boga ng parak

$
0
0

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang 23-anyos na binata nang habulin at mabaril ng isang nagpakilalang pulis kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Kasalukuyang isinasailalim sa operasyon sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Wilmar Turno, empleyado ng Universal Robina matapos magtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan nito.

Batay sa pahayag ng taxi driver na si Rey Naval, 43, stay-in sa kanilang garahe sa  75 Tadeo St., Valenzuela City  kay SPO1 Roderick Navarro ng Investigation Section ng Pasay police, alas-4:30 ng madaling-araw habang nag-aabang siya ng pasahero sa kanto ng EDSA at Park Avenue nang mapansin niya ang paghabol ng isang inaakala niyang pulis sa dalawang lalaki.

Sa kagustuhang matulungan ang pulis sa paghabol sa dalawang lalaki, isinakay niya ito sa kanyang minamanehong taksi hanggang sa bahagi ng Roxas Boulevard kung saan nagtatakbo ang dalawa.

Nang bumaba ng taxi ang pulis, nakarinig na lamang siya ng putok ng baril hanggang atasan siya ng pulis na dalhin sa pagamutan ang duguang biktima at hahanapin pa nito ang nakatakas na kasamahan.

Hindi na nagpakita pa sa pagamutan ang pulis kaya’t  isinailalim sa imbestigasyon si Naval na nagpahayag na hindi siya sigurado kung tunay na pulis nga ang kanyang isinakay at tinulungang humabol sa biktima at sa isa pa.

Fast food chain inararo ng SUV

$
0
0

HINIHINALANG sobrang pagod at antok ang naramdaman ng isang retiradong Overseas Filipino Worker (OFW) kaya nagkamali sa kanyang pagmamaneho ng kanyang Sports Utility Vehicle (SUV) nang mabangga niya ang salamin ng isang kilalang fast food chain na kanyang kinainan na nagresulta sa pagkakasugat ng isang crew dito kaninang madaling araw sa Pasay City.

Isinugod sa San Juan De Dios Hospital si Rizalde Largado, 29, service crew ng nasabing fast food chain sa kahabaan ng Andrew Avenue malapit sa NAIA Terminal 3 matapos tamaan ng mga bubog ng nawasak na salamin makaraang salpukin ng minamanehong Toyota Revo (WGA-344)  ni Segundo Martinez, 60,  ng No. 2 Montisito, Newport City, Pasay dakong alas-4:16 ng madaling araw.

Lumabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Ricky Murillo ng Pasay City Police Traffic Enforcement Unit na paalis na si Martinez sa harapan ng fast food chain matapos kumain nang almusal ng umabante ang sasakyan sa halip na umatras na nagresulta sa pagsalpok ng sasakyan sa salamin papasok sa loob ng establisimiyento.

Bagama’t ikinatwiran ni Martinez na nagloko ang makina ng sasakyan, may hinala ang pulisya na inantok ang retiradong OFW kaya nagkamali ng pagmamaneho lalo na’t napag-alaman na galing pa ito sa Baguio at dumaan lamang upang kumain sa naturang burger chain.

Tindera sa Tondo todas sa pangraratrat

$
0
0

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng 36-anyos na babae nang barilin sa leeg at sa ulo matapos paputukan ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang kalibre 45 kagabi sa Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat. Andres Hospital ang biktimang si Jenalyn Cenarillos, ng Block-8 Extension, Baseco, Compound, Fort Area, Manila.

Sa report na isinumite ni SPO2 Ronald M. Gallo ng Manila Police District-Homicide section, alas-7:55 ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong tindahan ng biktima sa nasabing

lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasa tindahan ang biktima nang dumating ang salarin at nagpanggap na bibili ng candy nang bigla na lamang magpaputok.

Ayon sa nakasaksing si Renalyn Canellada Tutay, 17, malapit sa lugar ng krimen, isang lalaki di umano na nakasuot ng itim na jacket at may hawak na hand gun.

Natagpuan namang nakahandusay ni Renato Canellada y Jamaybay, 44, kinakasama ng biktima ang duguang katawan ng ka-live in.

Dinala naman ang bangkay sa morgue para sa isasagawang autopsiya.

Patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang salarin.

Paglikida sa mga kriminal sa QC, itinuturo sa vigilante

$
0
0

AKTIBO pa ba ang vigilante group sa Quezon City o ito ay kaso ng onsehan sa droga kaya marami ang biktima ng summary execution ang itinatapon sa nasabing lunsod.

Sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) head Dante Jimenez na naniniwala siya na hindi pa rin tumitigil ang mga vigilante group na ikasa ang kanilang pagpatay sa masasamang loob.

Ito, aniya, ay bilang hahagi ng kanilang adhikain para mabawasan ang bilang ng mga tinik sa lalamunan o magbigay ng babala para huminto sa pagkasa ng krimen ang mga kriminal sa lunsod

Sunod-sunod aniya ang pinapatay na mga kawatan na kundi snatcher, holdaper, carnapper, tulak ng droga at kidnapper at ikinakalat lamang ang kanilang bangkay sa mga lansangan.

“May report ako na may mga vigilante group na ang objective ay linisin ang mga hanay ng kriminal. May religious sect daw na behind this,” pahayag ni Jimenez.

Pero iba naman ang paniwala ni Supt. Ramon Pranada, hepe ng Quezon City Police District- Batasan police station 6, na ang mga serye ng pagpatay sa l7ynsod ay pawang mga kilalang drug suspects.
“Nagkaka-onsehan sila, may mga hindi nakapag-remit. Involved sila sa illegal na droga o robbery incidents,” pahayag ni Pranada.

Pero hindi naman isinasantabi ni Pranada ang posibilidad ng pagkakaroon ng vigilante group dahil kilala na ang lunsod sa tawag na Capital City of salvage victims.

Pinatotohanan naman ito ni Police Director Richard Albano, hepe QCPD), na nakatanggap sya na hinggil sa pagkakaroon ng vigilantes.

“Sinabi ko naman sa mga kapulisan natin na we should be in control. Hindi naman ‘Wild, Wild West’ ang style. Hindi naman tayo papayag doon,” paliwanag nito.

Kaugnay nito, magkakasa ng kampanya ang QCPD laban sa mapamuksang motorcycle riding gunmen na madalas na umaatake sa mga residente ng lunsod.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>