Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

UPDATE: 4 dayuhan, tour guide patay sa usok ng Mayon

$
0
0

UMAKYAT na sa lima katao ang namatay sa pagsabog at pagbuga ng makapal na abo ng Mayon Volcano ngayong umaga.

Ayon sa report, si Kenneth Jesalva  ay isa sa  tatlong tour guide na nakaligtas  nang maabutan  sila ng pagbuga ng  abo  at  pag-ulan  ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.

Sinabi ni Jesalva na  limang dayuhan na mula sa bansang Australia at Korea  ang kanilang sinamahan nang bigla na lamang silang makarinig ng malakas na dagundong.

Nasundan  naman ito ng pagbuga ng usok  at ang  tila pag-ulan ng mga bato na siyang nakadale sa mga turista at isang tour guide.

Si Jesalva na nasa camp site ay sugatan  habang  ang isa pa nilang kasamahang tour guide ay kritikal ngayon.

Rumesponde na ang rescue teams sa lugar  upang  maibaba ang mga biktima.


UPDATE: 4 patay sa pagbuga ng usok ng bulkang Mayon

$
0
0

PATAY ang tatlong turistang dayuhan at isang tour guide nang sumabog at nagbuga ng makapal na usok ang Mayon Volcano ngayong umaga.

Ayon sa report,  si Kenneth Jesalva  ay isa sa  tatlong tour guide na nakaligtas  nang maabutan  sila ng pagbuga ng abo at pag-ulan ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.

Sinabi ni Jesalva na limang dayuhan na mula sa bansang Australia at Korea ang kanilang sinamahan nang bigla na lamang silang makarinig ng malakas na dagundong.

Nasundan naman ang magbuga ng usok at ang tila pag-ulan ng mga bato na siyang nakadale sa mga turista at isang tour guide.

Si Jesalva na nasa camp site ay sugatan  din habang  ang isa pa nilang kasamahang tour guide at kritikal ngayon.

Rumisponde na ang mga  rescue teams sa lugar  upang  maibaba ang mga biktima.

5 todas, 4 sugatan sa Mayon volcano ash explosion

$
0
0

LIMA katao ang namatay habang apat pa ang nasugatan nang magbuga ng makapal na puting usok at mga bato ang Mayon volcano sa Bicol region kaninang umaga (Mayo 7).

Sinabi sa ulat, na sa apat na limang biktima na hindi nakuha ang mga pangalan ay mga foreign tourists habang ang isa naman ay isang Pinoy na tourist guide.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang isa sa apat na nasaktan na hindi rin nakuha ang pangalan kabilang ang isa pang tourist guide na si Kenneth de Salva.

Sa ulat, naganap ang insidente pasado 8:05 ng umaga.

Kuwento ni De Salva, tatlo silang tour guide habang lima naman ang sinamahan nilang turista sa paglalakad sa paanan ng mount Mayon.

Pero maya-maya lamang, nakarinig sila ng pagdagundong ng lupa na sinundan ng pagbagsak ng mga pira-pirasong bato na ang ilan ay sing-lalaki ng pakwan.

Halos silang lahat ay hindi na aniya nagawang ilagan ang pagbagsak ng mga malalaking bato dahil sa dami ay hindi nila alam kung paano ito ilagan.

Tatlong rescue teams na ang ipinadala ngayon sa lugar para iligtas ang mga sugatan, ayon kay Albay Governor Joey Salceda.

Nasaksihan ng mga residente ang ash column na mula sa bubig ng bulkan.

“We were starting our prayer and somebody spotted it. It was really beautiful,” pahayag naman ni Sister Mary Rafael ng Monastery of the Most Holy Redeemer, na nasa Legazpi City sa Albay at nasaksihan ang phreatic (steam-driven) eruption.

Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Nobyembre 2012 ang alesrt level sa Mayon mula sa alert 1 level sa alert 0 level.

Matatandaan na  2009 nang huling maganap ang pagsabog ng Bulkang Mayon.

 

 

NGCP tower sa Cotabato, pinasabugan ng IED

$
0
0

SUMABOG ang isang improvised explosive device (IED) na itinanim sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Kabacan, North Cotabato dakong  10 p.m. nitong nakaraang Lunes.

Isa sa NGCP tower ang bahagyang nasira.

Sinabi ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan Philippine National Police, na ang IED, na isang pipe-type bomb, ay may “low order detonation” matapos ang ilan parte nito ay pumalyang sumabog.

Wala naman namatay o nasaktan sa pagsabog dahil ang  NGCP tower sa Sitio Liton, Barangay Kayaga ay nasa malayong lugar, pahayag ni Ajero.

Ang eksplosyon aniya ay isang isolated case lamang pero gayunpaman magkakasa ang pulisya ng mas malalim na imbestigasyon.

Kinukumpirma pa ng pulisya kung pangongotong o extortion ang motibo sa pagpapasabog.

“We have yet to find out if the NGCP has received extortion threats. And if there was, indeed, extortion, we would find out what group is behind it,” pahayag ni Ajero.

Narekober ng pulisya sa blast site ang isang mobile phone, 4 na pirasong nine-volt batteries, circuits, at electrical wires.

Nagdagdag na ang Cotabato Provincial Police Office ng bilang ng puwera para bantayan ang NGCP towers sa Kabacan at sa kalapit na lugar at tinyak ang patuloy na  power supply sa nasabing probinsya.

Hired killer itinumba ng mga partisano

$
0
0

TODAS ang isang hinihinalang hired killer matapos itong malapitang barilin ng isa sa tatlong nagpakililalang mga miyembro ng samahang Partisano habang nanonood ng larong basketball Lunes ng hapon sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Namatay habang ginagamot sa MCU hospital si Reynaldo Villarosa y Santos, aka ‘Boy Laki’, 60, may asawa, ng 14 Chico Road Potrero ng lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang salarin sa pamgitan ng pag- agaw ng isang stainless Kawasaki tricycle na my plakang UW-6769 na pag-aari ng driver na si Ronald Pasag ng nasabing barangay.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Rommel Habig ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 5:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa halfcourt basketball sa Chico road ng nasabing barangay.

Nabatid, masayang nanonood ng paliga ng basketball ang biktima ng palihim na lapitan ng isang minor de edad na suspek at agad  na pinaputukan sa ulo si “Boy laki” dahil sa takot ng mga manood agad nagpulasan at naiwan ang duguang biktima.

Isang tricycle ang kinumander ng mga suspek para gamitin sa pagtakas.

Bago tumakas ang mga suspek nag saboy ito ng mga mga polyeto na nagsasaad na kailangan hatulan ng kamatayan si Villarosa.

Base sa kalatas ng isang nagpakilalang Leni Katindig ng PARTISANO si Villarosa  ay dapat patawan ng kamatayan sapagkat marami na itong kasalanan sa bayan bilang upahang mamamatay tao ng trapong pulitiko kaya walang pakundangan itong kumitil ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad  upang malaman ang tunay na motibo sa nasabing pamamaslang.

Porter tinadtad ng saksak ng kabaro, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang lagay ng isang porter makaraang tadtarin ng saksak ng kasamahan sa trabaho sa loob ng Consignacion Market kaninang umaga Mayo 7 sa Estrella St., Tañong, Malabon City.

Nakaratay at ginagmot sa Tondo Medical Center si Arnold Labarias y Angela, 30, binata, batilyo, ng Paradize Village Tonsuya ng lungsod sanhi ng 18 malalim na tusok ng icepick sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Ronald bitbit ang ginamit na icepick kapwa batilyo sa nasabing palengke.

Base saimbestigasyon ni P02 June Belbes ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 7:00 kaninang umaga ng maganap ang insidente sa nasabing palengke.

Nabatid, selos umano sa trabaho ang pinagmulan ng galit ng suspek.

Patuloy nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na  motibo ng nasabing insidente habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya sa laban sa suspek.

Kotse ng vice mayoralty bet sa Cavite, niratrat, pamangkin na may dala, sugatan

$
0
0

SUGATAN ang pamangkin ng isang vice mayoralty bet sa Cavite nang ratratin ng riding in tandem ang kotseng kanyang minamaneho na inakala na ang may dala ay ang kanyang pulitikong tiyuhin na kanilang target sa Bacoor, Cavite kaninang madaling araw (Mayo 7).

Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa tiyan ang biktimang si Ferdinand Malvar, pamangkin ng isang hindi pinangalanang vice mayoralty bet sa Bacoor. Nagpapaga- ling na lamang ito sa hindi nabanggit na ospital sa lunsod.

Hinahanting na ngayon ng Bacoor PNP ang mga suspect na pinaniniwalaang hired killers na inupahan ng kalaban sa pullitiko ng tiyuhin ng biktima.

Naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling araw sa national road ng Barangay Aniban, Bacoor.

Bago ito, minamaneho ni Malvar para sa pangangampanya ang kotseng pag-aari ng kanyang tiyuhing pulitiko.

Pero pagsapit sa lugar, dalawang lulan sa motrosiklong suspect ang biglang sumulpot at niratrat ang sasakyan ni Malvar.

20 mountaineers, na-trap sa Mayon ash explosion

$
0
0

UPDATE: Maliban sa limang namatay, mahigit 20 pang mga mountaineers ang na-trap sa pagbuga ng makapal na puting usok ng Mayon volcano sa lalawigan ng Albay kaninang umaga.

Sinabi ni Albay Gov. Joey Salceda na mayroong dalawang grupo ang umakyat sa bulkan bago nangyari ang insidente.

Ayon pa kay Salceda, hinahanda na nila ang gagawing rescue operations sa mga naiipit na mga biktima upang sa lalong madaling panahon ay maibaba sila mula sa terrain ng naturang bulkan.

Sa panayam kay Kennenth de Salva, isa sa nasugatan na mountaineer, kinumpirma nito na tatlo sa kanyang mga kasamahan kabilang na ang isang German at Australian national, ang namatay agad matapos madaganan ng mga malalaking bato na ibinuga ng bulkan.

Maliban dito, isa pa ang naiwan at kritikal ang kondisyon at naghihintay ng saklolo mula sa mga rescuers maliban pa sa mga nakaligtas na pawang sugatan din at may mga bali sa katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang ginagawang assessment ng Phivolcs at lokal na pamahalaan ng Albay para sa mga susunod na hakbang kaugnay sa pagpapakita ng abnormalidad ng bulkan.

Samantala, libu-libong mga residente na sa paligid ng Mayon volcano ang nagsilikas sa takot na sila ay madamay sa pag-aalburuto ng bulkan.

Ang nasabing mga evacuees ay mula sa mga bayan at lungsod dito sa lalawigan ng Albay.

Inaasahan na madagdagan pa ang mga nagsilikas sakaling muling magpakita ng abnormalidad ang bulkan at sa susunod na ipapalabas na kautusan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ikinabigla ng mga residente ang pagbuga ng abo ng bulkan kaninang umaga dahil walang anumang senyales na ipinakita ang Mayon nitong mga nakalipas na araw at maging ang paggalaw sa alert level status ng bulkan.


Babaeng pusher,1 pa nalambat ng PDEA

$
0
0

NALAMBAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng pusher at kasabwat nito matapos mahulihan ng shabu nitong nakalipas na Mayo 5, 2013 sa Quezon City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si Marites  Dela Cruz,  41,  at Bryan Caderao, 19 kapwa residente ng  23 Ruby Street, ROTC Hunters, Tatalon, QC.

Ayon sa PDEA nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region sa ilalim ni Director Wilking Villanueva matapos iabot ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang 10 grama sa isang PDEA  poseur–buyer sa isang buy bust operation  sa Tatalon.

Nakumpiska sa mga suspek ang pares na stainless scissor, dalawang disposable  lighters, improvised tooter at P500 bill na ginamit sa buy- bust.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous  Drugs) Article  ll ng Republic Act 9165 na mas kilala na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dentist pinagbabaril sa loob ng klinika, patay

$
0
0

SAKSI ang 3-taong gulang na lalaki sa pagpaslang ng hindi nakilalang salarin sa kanyang amang dentista nang pagbabarilin sa loob ng kanyang klinika kaninang tanghali sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital si Dr. Carlos Acuesta, 49, residente ng 3553 Gen. Lukban St., Brgy Bangkal, Makati City sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon nina SPO3 Allan Valdez at SPO1 Faustino Erlano ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nasa loob ng kanyang klinika ang dentista kasama ang anak sa Unit 1sa ikalawang palapag ng Don Antonio Building sa Arnaiz Avenue nang pumasok ang armadong suspek dakong alas-11:30 ng umaga.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan bago nagmadaling tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

Nakuha ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng pamamaslang ang anim na basyo ng kalibre 45 at dalawang bala.

Hindi pa batid ang dahilan ng pamamaslang.

Draft report sa Sabah standoff, hawak na ng NBI

$
0
0

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang draft report kaugnay sa ginawang imbestigasyon sa naganap na kaguluhan sa Sabah claim.

Ang imbestigasyon ay isinulong ng NBI matapos na ipag-utos ng Pangulong Benigno Aquino na magpalabas ng “airtight cases” laban kay Sulu Sultan Jamalul Kiram at mga tauhan nito.

Nabatid na maari umanong matapos ang kabuuang report ng NBI sa Sabah standoff ngayong linggo.

Matatandaan na nauwi sa marahas na labanan sa pagitan ng Malaysian forces at Royal Security Forces ng SUltante of Sulu dahil sa pag-aagawan sa teritoryo.

Sasakyan ng Kagawad,sinunog; mahigit P.5M pinsala

$
0
0

NASUNOG ang isang Toyota Hi-Ace van habang nakaparada sa tapat ng Central Market sa Quezon Blvd. Quiapo, Maynila kaninang madaling araw.

Ayon kay arson investigator Lords Hernandez ng Manila Fire Department na posibleng sinadya ang pagsunog dakong alas 3:40 ng umaga sa sasakyan na may plakang RAV 450, pag-aari ni barangay kagawad Ernesto Latata.

Hindi naman, aniya, umaandar ang sasakyan para magresulta sa overheat.

Tinatayang aabot sa mahigit kalahating milyung piso ang naging pinsala ng sunog.

Nagsasagawa na rin ng follow-up investigation ang mga bombero para matukoy kung sino ang responsable sa naturang insidente.

SPO2 Mendoza naghunger strike dahil Luneta hostage crisis

$
0
0

NAG-HUNGER strike ngayon si SPO2 Gregorio Mendoza dahil sa kawalang aksiyon ng gobyerno para panagutin ang mga tunay na may-sala sa Luneta hostage taking na ikinamatay ng kanyang kapatid na si dating Police Senior Inspector Rolando Mendoza.

Naglatag ng lamesa si Mendoza sa harapan ng Bus Terminal ng Philippine Rabbit sa Oroquieta St., Recto, Maynila ngayong Miyerkules kungsaan kanyang inilahad ang samu’t saring mga dokumento hinggil sa naparaming kaso na kanyang hinaharap sanhi ng pagkakadawit sa madugong Luneta hostage crisis.

Ipinaskil din ni Mendoza sa isang plywood ang kanyang mga hinaing at panawagan sa mga kinauukulan tulad ng Ombudsman na repasuhin ang desisyon nito na nag-aalis sa kanyang kapatid sa serbisyo bago namatay.

Ayon sa pulis, mananatili ang kanyang hunger strike hanggang hindi napapanagot ang tunay na may sala sa hostage-taking sa Luneta noong August 2010.

Eroplano naputulan ng landing gear sa NAIA; 14 flights na-delay

$
0
0

NAPUTOL ang landing gear ng isang Piper Aztec plane na may tail number na RPC 1095 habang nagla-landing sa Domestic Airport ng NAIA sa Pasay City.

Ligtas naman ang tatlong sakay ng eroplano na kinabibilangan ng pilotong si Capt Miguel Perrey, co-pilot nito at isang pasahero na nakilalang si Lawrence Uy.

Nagdulot naman ng pagka-antala sa 14 na flight na nakaiskedyul na lumipad dahil naka bara pa ang nabanggit na Piper plane sa runway ng paliparan.

Anumang sandali ay nakatakda nang hilahin ang eroplano upang makalipad na angibang mga eroplano at magamit ang runway.

15 anyos nagpasabog sa Divisoria mall, hawak na ng MPD

$
0
0

NASA kostudiya ngayon ng Manila Police District–Women’s Desk ang isang menor de edad na responsable umano sa pagpapasabog sa ikatlong palapag ng Divisoria Mall sa Maynila noong April 26, 2013.

Isang kapitbahay ng menor de edad na binatilyo ang umano’y nagsuplong sa pulisya na marunong umano itong gumawa ng improvised explosives device o IED.

Ang binatilyo ay 15 anyos pa lamang at isang high school student sa isang Chinese school sa Sta Cruz, Maynila.

Sa panayam, inamin ng binatilyo na  gumamit siya ng ilang kemikal sa paggawa ng pampasabog.

Pinigilan naman ang mga kawani ng media na kausapin ang bata at kanyang mga magulang.

Ayon naman sa pulisya, crude bomb lamang ang nabuo ng menor-de-edad na maihahalintulad sa paputok na yari sa pinaghalong mga kemikal tulad ng aluminum at magnesium.

Sa panayam naman kay MPD spokesman, Chief Insp. Erwin Margarejo, ang batang estudyante ay sasailalim sa counseling ng Women’s Desk at social workers ng DSWD na mas eksperto sa paghawak ng kaso ng mga menor de edad.

Nakiusap naman ang mga magulang ng bata na huwag babanggitin sa media ang kanilang pagkakakilanlan tulad ng tirahan at eskwelahan.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung ang binatilyo rin ang responsable sa mga mahihinang pagsabog sa Aranque Market sa Recto, Sta Cruz  at sa bisinidad ng Mall of Asia sa Pasay City noong nakaraang buwan.


Bangkay ng 5 kaswalidad sa Mayon, natagpuan na; rescue ops tuloy pa

$
0
0

NATAGPUAN na ng rescue teams kaninang umaga (Mayo 8) ang bangkay ng limang biktima sa kasagsagan ng Mayon Volcano ash eruption nitong nakaraang Martes.

Gayunman, sinabi ni Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council head Cedric Daep na gugol pa ng panahon bago madala ang mga bangkay sa  Camp 1 area.

“Within the day, kung kaya before 12 (noon),” pahayag ni Daep sa isang kapanayam sa dzBB radio nang tanungin ito kung kailan madadala ang mga bangkay sa Legazpi City.

Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes ng gabi, kinilala ang isa sa lima na si Filipino tour guide Jerome Berin.

Ang apat pang bangkay ay pawang mga German nationals pero pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Sinabi ni Daep na ang mga bangkay ay natagpuan  malapit sa Camp 2 ng Mayon, na may indikasyon na ang mga biktima ay nasorpresa sa biglang phreatic explosion.

Ayon pa sa ulat, ang mga biktima ay nangahas aniya na lumapit ng hanggang 1.6 to 1.8 km mula sa bibig ng bulkan.

Pero sinabi ni Daep na mapanganib para sa isang helicopter na makaabot sa lugar, dahil sa malalim na dalisdis o steep slope.

“We need a combination of ground and air-to-ground operations,” dagdag pa nito.

Para naman, aniya, sa 12 nasaktan, sinabi nito na walo na ang naibaba nila mula sa bulkan.

“Meron pang reported na apat na kailangan balikan sa Camp 2,” pahayag nito.

Samantala, iginiit ni Daep ang paalala ng ahensya na nagbabawal sa mga turista na umakyat sa bulkan.

4 Pinoy UN peacekeepers, dinukot sa Syria

$
0
0

IKINALUNGKOT ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang panibagong insidente ng pagdukot sa apat na UN peacekeepers sa Golan heights  sa bansang Syria.

Ayon kay  AFP spokesman Brig Gen Domingo Tutaan  na napasabihan  na nila ang pamilya  ng apat  na sundalong  kabilang sa mga binihag.

Kasabay naman nito ang pagtanggi  ni Tutaan sa pagkakakilanlan ng mga biktima, bagaman kinumpirma nito na isa ay opisyal ng Philippine army habang ang tatlo ay pawang mga enlisted personnel.

Ang apat na UN peacekeepers ay sinasabing dinukot ng mga rebeldeng Martyrs of Yarmouk habang nagpapatrolya sa bahagi ng Golan heights.

Ang grupong ito ang sinasabing siya ring dumukot sa 21 UN peacekeepers nitong nakalipas na buwan ng Marso na pinalaya din makalipas ang tatlong araw na pagkakabihag.

3 Thailanders nasagip pa sa Mayon; 1 pa nawawala

$
0
0

NASAGIP ng mga rescuers ang tatlong Thailand nationals nitong Martes ng gabi mula sa pananalasa ng Mayon volcano ash at rock falls.

Nagtamo sugat at lapnos sa mukha at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Ujun Cayas Peter at Bern Samacorn at si Wue Chun.

Sa panayam sa isa sa mga rescuers na si Darwin Cerilla, kinumpirma nito na nadala na nila sa ospital para magamot ang mga dayuhan.

Naging emosyunal, aniya, at halos hindi makapagsalita ang nasabing mga Thai nationals nang tuluyang makababa ng buhay mula sa bulkan.

Kahapon, na-rescue rin ang dalawang pang Thai na sina Nithi Ruangpisit at Tanut Ruchipiyrak, kapwa  26-anyos na nailigtas sa Centennial Park, Lidong sa nabanggit na bayan.

Una rito, may kabuuang 27 climbers kabilang ang mga German nationals, Thai nationals, Austrian national at mga Pinoy tour guide ang umaakyat sa bulkang Mayon pero biglang nagka-0phreatic explosion ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo.

Evacuation centers sapat kung sasabog ang Mayon

$
0
0

TINIYAK ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario na may matutuluyang evacuation centers ang mga pamilyang posibleng maapektuhan kung sasabog ang bulkang Mayon.

Sinabi ni Del Rosario na lahat ng municipal government hanggang sa provincial level ay may kani-kanyang evacuation centers na maaring gamitin sakaling magkaroon ng pagsabog.

Pero inihayag ni Del Rosario na batay sa kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Phivolcs, mananatili sa zero ang alert level na aniya’y nangangahulugang walang imminent eruption.

Ang nangyari aniya sa Mayon ay isang normal occurrence na nangyayari sa alinmang aktibong bulkan.

Hanjin shipyard pumatay ng Pinoy worker

$
0
0

ISA na namang manggagawang Pinoy ang namatay sa shipyard sa Subic ng Korean company na Hanjin, kung saan mahigit 40 na ang biktima buhat noong 2008.

Ayon sa ulat ni PGen. Orlando M. Madella (ret.), hepe ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Law Enforcement Dept. kay SBMA Chair/Administrator Roberto V. Garcia, ang pinakahuling biktima ay si Pancrasio Mariñas, 25, welder, ng 66 Foster St., New Kababae, Olongapo City.

Nag-welding umano si Mariñas kasama si Jeffrey Taala sa loob ng isang “tank” habang nasa labas naman si Glen Navalta bandang ala una ng hapon noong Biyernes nang matagpuang wala nang buhay sa loob ng naturang “tank.”

Inaalam pa ng mga kinauukulan ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Mariñas.

Ayon kay Angelito Longos ng DOLE Region 3, may mga paglabag sa “safety regulations” silang nakita sa Hanjin.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>