Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Lolo nagbitbit ng bebot sa motel, inatake sa puso

$
0
0

BUMAGSAK sa ospital ang isang lolo nang atakihin ito sa puso matapos magbitbit ng babae sa loob isang motel sa Iloilo kaninang madaling araw (Mayo 4).

Inoobserbahan sa St. Paul Hospital sanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo ang biktimang si John Viseno, 52-anyos, residente ng Mandurrioa, Iloilo City.

Bagama’t ang nagsugod kay Viseno sa SPH ay ang mismong babaeng inupahan nito ng panandaliang aliw, bigla rin naglahong parang bula at inabandona ang kanyang kliyente sa ere.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling araw sa loob ng isang kuwarto ng Katrina Lodge sa Lapaz, Iloilo City.

Bago ito, pumasok ang biktima sa nasabing lodge bitbit ang isang bata, seksi at magandang babae na nagbebenta ng panandaliang aliw.

Pero makalipas lamang ang halos kalahating oras, lumabas ng kuwarto ang naturang babae para humingi ng tulong dahil ang lalaking kasama niya ay nanikip ang dibdib.


2 sundalo tinamaan ng kidlat, 1 todas 1 kritikal

$
0
0

NATUSTA ng buhay ang isang sundalo habang kritikal naman ang isa pa nang tamaan ng kidlat sa Zamboanga Sibugay kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong 3rd degree burns sa buong katawan ang biktimang si Pfc. Jaymar Tumarong habang nakaratay naman sa Ipil Provincial Hospital sanhi rin pagkalapnos ng balat sa buong katawan ang isa pang biktima na si Pfc. Jemar Destrajo kapwa miyembro ng 6th Special Forces Battalion ng Philippine Army na nakabase sa nasabing lalawigan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7 ng umaga sa may Post 2, sa Sitio Dk, Barangay Libertad, Tungawan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Bago ito, nasa puwesto ang dalawang biktima nang biglang sumama ang panahon at nagsimulang pumatak ang ulan na may kasabay ng pagkulog at pagkidlat.

Sa takot, nagkubli ang dalawa sa kanilang poste pero minalas na doon tumama ang kidlat.

Saudi police nab 2 stranded OFW in Riyadh

$
0
0

UPDATE:  Migrante Partylist condemns in strongest terms the arrest and detention of stranded OFWs who staged a camp out protest today at the PHL Embassy in Riyadh, Saudi Arabia.

200 undocumented OFWs staged their protest today, 70 are women with 10 children, taking cue from the ongoing camp out protest being done by stranded OFWs at the Tent City in Jeddah. (Please see attached photos)

Like those at the Jeddah Tent City, the OFWs are also calling for free, immediate and mass repatriation by the Aquino government. Since the Tent City broke out, not one OFW has been repatriated by the Philippine government.

According to reports from Migrante-Riyadh, the OFWs were holding their peaceful protest outside the PHL post compound when Riyadh POLO Case Officer Abdullah Umpa arrived with the Saudi police.

“It was Umpa who pinpointed to the Saudi police who to arrest. Imbes na harapin ng gobyerno ang ating mga OFW sila pa mismo ang nagpaaresto sa kanila. Traydor ang gobyernong ito sa mismong mamamayan niya!” said Garry Martinez, Migrante Partylist 2nd Nominee and Migrante International Chairperson.

All those arrested are men and leaders of the OFWs, namely, Lyndon Salonga, Juan Carlos and Jon Jon de Vera. As of this posting, it is not yet known where the Saudi police took them.

The arrests came in the wake of the successful three-day Solidarity Campout held by families of stranded OFWs at the Tent City and promises declared by the Department of Foreign Affairs (DFA) to ensure the protection and welfare of stranded OFWs in light of the Saudi crackdowns.

“Ito ba ang hinihintay ng goberyong Aquino? Ang tuluyan nang mapahamak ang ating mga kababayan sa Saudi? Heads must roll, those responsible for their arrests should be held accountable,” Martinez said.

As of this posting, the OFWs are resolved to maintain their campout. More are expected to join the campout, according to the OFWs. Saudi police arrest stranded OFWs in Riyadh

Migrante Partylist condemns in strongest terms the arrest and detention of stranded OFWs who staged a campout protest today at the PH Embassy in Riyadh, Saudi Arabia.

200 undocumented OFWs staged their protest today, 70 are women with 10 children, taking cue from the ongoing campout protest being done by stranded OFWs at the Tent City in Jeddah. (Please see attached photos)

Like those at the Jeddah Tent City, the OFWs are also calling for free, immediate and mass repatriation by the Aquino government. Since the Tent City broke out, not one OFW has been repatriated by the Philippine government.

According to reports from Migrante-Riyadh, the OFWs were holding their peaceful protest outside the PH post compound when Riyadh POLO Case Officer Abdullah Umpa arrived with the Saudi police.

“It was Umpa who pinpointed to the Saudi police who to arrest. Imbes na harapin ng gobyerno ang ating mga OFW sila pa mismo ang nagpaaresto sa kanila. Traydor ang gobyernong ito sa mismong mamamayan niya!” said Garry Martinez, Migrante Partylist 2nd Nominee and Migrante International Chairperson.

All those arrested are men and leaders of the OFWs, namely, Lyndon Salonga, Juan Carlos and Jon Jon de Vera. As of this posting, it is not yet known where the Saudi police took them.

The arrests came in the wake of the successful three-day Solidarity Campout held by families of stranded OFWs at the Tent City and promises declared by the Department of Foreign Affairs (DFA) to ensure the protection and welfare of stranded OFWs in light of the Saudi crackdowns.

“Ito ba ang hinihintay ng goberyong Aquino? Ang tuluyan nang mapahamak ang ating mga kababayan sa Saudi? Heads must roll, those responsible for their arrests should be held accountable,” Martinez said.

As of this posting, the OFWs are resolved to maintain their campout. More are expected to join the campout, according to the OFWs.

Earlier, Migrants  group said two stranded OFW were arrested by Saudi police in Riyadh.

“We just received reports from our Migrante colleagues in Riyadh, Saudi Arabia that two of the stranded OFWs who are now in front of the Philippine Overseas Labor Office and Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) compound inside the Diplomatic Quarters (DQ) were nabbed by Saudi police,”  according to John Leonard Monterona , Vice chairperson, Migrante #96 party-list group.

Monterona identified the two as only  Mr. Lyndon and Juan Carlos.

“We are still trying to get their full name and other details,” he said.

At around 10:00 a.m. Saudi time, about 200 stranded OFWs, mostly women with children, went to POLO-OWWA offices to seek a dialog with PH embassy and labor officials to attend on their repatriation.

“We call on PH” Ambassador to KSA Ezzadin Tago to face and talk to the stranded OFWs. Amb. Tago should listen to their pleas for their repatriation. We would like to remind Amb. Tago that as per our April 30 dialog with DFA sec. Del Rosario, the good secretary committed to us that the PH embassy will provide all the needed assistance to all stranded OFWs who are seeking govt. assistance for repatriation.

“We call on DFA Sec. Del Rosario to instruct embassy officials, accordingly.

“We also call on the Saudi government to respect the rights of the stranded Filipino workers who are only seeking a peaceful dialog with PHL embassy and labor officials,” Monterona said.

Rider todas, abogado kritikal sa riding in tandem

$
0
0

CAMP OLIVAS, Pampanga- Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang isang abogado sa magkasunod na pamamaril na isinagawa ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa bayan ng Mexico.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni OIC Pampanga Police Provincial director, P/Senior Supt. Oscar Albayalde, wala umanong kinalaman sa pulitika ang pagkakapaslang kay Joseph Lacina, 40, ng Brgy. Buenavista, Mexico Pampanga na pinagbabaril ng isa sa dalawang armado habang pauwi at lulan ng tricycle sa Hapon Road, Brgy. Tagle, Mexico, Pampanga.

Inoobserbahan naman sa Mexico Community Hospital si Atty. Ryann Rueda, 31, ng Blue Diamond Subdivision, Brgy. San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga na pinagbabaril din ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Olongapo-Gapan Road sakop ng Brgy. Parian, Mexico.

Kinailangan pang basagin ng mga pulis ang salamin ang sasakyan ng biktima para mailabas ito.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa nasabing karahasan.

2 mag-iitik pinagbabaril, todas

$
0
0

SANTIAGO CITY-Walang buhay na bumulagta ang dalawang mag-iitik matapos pagbabarilin sa kubong kanilang pahingahan sa gitna ng bukid na pag-aari ng kanilang amo.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Santiago City Police director P/Supt. Severino Abad, Jr., kinilala ang mga biktima na sina Jimboy Antonio at Ric Castillo.

Ayon sa may-ari ng itikan na si Richard Coloma, nadatnan niyang kapwa naliligo sa dugo ang dalawang biktima sa loob ng tolda na nagsisilbing pahingahan ng mga ito sa Brgy. Rizal. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima.

2 holdaper nakipagbarilan sa parak, tigbak

$
0
0

LAGUNA – Dead-on-the-spot ang riding-in-tandem na hinihinalang miyembro ng robbery holdup group matapos makipagpalitan ng putok sa mga elemento ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at San Pablo City PNP sa checkpoint kamakalawa ng hapon sa Barangay. Sta. Ana, San Pablo  City.

Kinilala ni P/Supt. Eric Dilag, hepe ng pulisya sa naturang lungsod ang isa sa dalawang nasawi na si Aldren Dote y Cadelino, residente ng Tiaong, Quezon habang ang kasama nito na hindi pa nakikilala ay inilarawan lamang na edad 30, may taas na 5″3, kayumanggi, nakasuot ng puting T-shirt, brown shorts at itim na sandals.

Sa ulat sa tanggapan ni P/SSupt. Pascual Munoz Jr., Laguna Police Provincial director, planong biktimahin ng mga suspek ang dalawang negosyanteng Bumbay.

Minalas ang mga suspek dahil natunugan ng mga awtoridad ang kanilang plano kaya sa pamamagitan ng inilatag na checkpoint ay nasabat ang mga ito.

Bodyguard ng customs chief namaril,’di kukunsintihin – Biazon

$
0
0

“MANANAGOT ang may sala, kahit tauhan ko pa siya!”

Ito ang mariing pahayag ni Customs Commissioner Ruffy Biazon tungkol sa kanyang security detail na isang miyembro ng Philippine Marines matapos itong mamaril ng tatlo katao sa mismong Liberal Party meeting ng kanyang amang si Sen.Pong Biazon sa lungsod ng Muntinlupa.

Kinilala ang suspek na si Marine Corporal Nelson Ray Lubrin,28 anyos  na securty escort ng nakababatang Biazon, habang ang mga biktima ng pamamaril ay mga security aide naman ng nakatatandang si Rep. Rodolfo Biazon na nakilalang sina Oscar Parahili,32 anyos ,Nilo Marollano 53 anyos at Victor Marollano,31,pawang mga residente ng Putatan,Muntinlupa.

Ayon sa pulisya, dakong alas 10 ng gabi nuong Abril 26 ay nagdaraos ng miting sina Biazon at mga kapartido sa isang covered court sa Soldiers Hills ,ng biglang umalingawngaw ang tatlong putok
ng baril kung saan makaraan ang ilang sandali ay nakabulagta na ang mga sugatang biktima na pinutukan n Lubrin na agad tumakas sa lugar.

itinakbo naman sa Asian Hospital ng Customs chief ang mga biktima kung saan ginagamot ang mga ito sa kasalukuyan. Makalipas ang walong oras ay isinuko ni Col.Fernando Gomez, assistant chief of staff for Intelligence ng Phil.Navy,ang suspek na si Lubrin sa Muntinlupa Police ,pati na ang baril nito na ginamit sa pamamaril.

Napag-alaman na ilang sandali bago naganap ang pamamaril ay pinagtulungan ng tatlong biktima na gulpihin ang suspek kayat napilitan itong bumunot ng baril at putukan ang mga ito.  Isang matagal ng altan ang nakikitang dahilan na namagitan sa mga ito na nauwi sa basag-ulo kahit nasa trabaho at nagbabatay ng kanilang mga amo.

2 kelot pinagbabaril, tumimbuwang sa kalye

$
0
0

HINIHINALANG may kaugnayan sa bawal na shabu ang naganap na pamamaril sa dalawang lalaki sa Parola Compound sakop ng Binondo, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga tumimbuwang na biktimang sina Cesar Gating,33 anyos, vendor, ng Gate 54, Area C, Parola Compound, Binondo at Ernie Flores, 28 anyos, pedicab driver, ng Gate 56, Area H, Parola Compound ng nasabing lugar.

Samantala, malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Manila Police District dahil lumalabas na haka-haka lamang ng ilang residente sa lugar na kompetisyon umano sa pagtutulak ng shabu ang motibo ng pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Mabilis naman na tumakas ang mga salarin matapos isagawa ang krimen.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Julieto Malindog kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section, naganap ang pamamaril dakong 6:30 ng gabi sa Gate 52,Area C,Parola Compound sakop ng Binondo.

Nauna rito, bandang alas 5:00 ng hapon, nagpaalam umano si Flores sa kanyang kinakasamang si Desiree Fernandez na pupunta sa kanyang mga kaibigan na malapit rin sa lugar.

Gayunman, nagtataka si Fernandez na isang oras na ay hindi pa umuuwi ang ka-live-in at nabalitaan na lamang nito na natagpuang patay ang biktima. Ang kasama ng biktima na si Gating ay naisugod pa sa  Gat Andres Bonifacio Medical Center, subalit dakong 8:00 ng gabi bawian na ito ng buhay dahil sa tama ng bala sa katawan.

Narekober sa crime scene ng mga operatiba ng MPD ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril at 10 basyo ng bala ng 9MM.

Bigo ang pulisya na makakuha ng impormasyon sa mga taong naroroon dahil tila bulag at pipi para magbigay ng linaw at makilala ang mga salarin.


Hubot hubad na salvage victim, ikinalat sa QC

$
0
0

ISA pang salvage victim ang ibinalandra sa Quezon City kaninang umaga.

Ang bangkay ng hindi nakikilalang lalaking isinilid sa kulay itim na garbage bag at may tattoo na Mendador dela Cruz ay nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Scene of the Crime Operatives (QCPD-SOCO), natuklasan ang bangkay dakong 6 a.m. sa southbound lane ng A. Bonifacio Avenue, sa Barangay Amoranto NS, Q,C,

Ayon kay SP02 Anthony Tejerero, CIDU investigator,
napansin ng isang basurero na may bahid ng dugo ang naturang garbage bag kaya niya ito binuksan.

Sa kanyang pagbukas, tumambad ang hubo’t hubad na bangkay ng lalaki na ipinagbigay alam naman nito kay Randy alba, traysikel drayber na napadaan sa lugar.

Teyorya ng CIDU, sa ibang lugar pinatay ang biktima bago itinapon sa naturang lugar para ilihis ang ikakasang imbestigasyon ng awtoridad.

2 stude todas sa obstacle race sa Isabela

$
0
0

3-deadTODAS ang dalawang high school students na sumabak sa obstacle race sa sinalihang youth camp sa Barangay Minagbag, Quezon, Isabela.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima na kinilalang sina Chris Isaah Semila at Jaire Salang-uy, kapwa 15-anyos at third year high school students.

Nabatid na nahulog ang dalawa sa malalim na bahagi ng tubig habang sumasabak sa obstacle race ng Summer Baptist Youth Camp. Kung saan wala umanong salbabida ang mga biktima at pawang hindi marunong magsipaglangoy.

Police arrest a rape suspect in Surigao del Sur

$
0
0

A 30-year old delivery boy charged with rape in Baganga, Davao Oriental was arrested in Brgy Labisma, Bislig, Surigao City on May 4, at 9:25 a.m.

Melquediz Pesano Ibañes has a warrant of arrest issued by Hon. Emilio G. Dayanghirang III of RTC Branch 7 dated February 26, 2013 docketed under criminal case numbers 3994, 3995 and 3996 respectively for rape in relation to R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”)

Ibañes, whose case is non-bailable, is now under the custody of Bislig City Police Station and will be turned-over to the issuing court.

Suspects gun down a gold panner

$
0
0

JULIE Dotillos Lamoste, 32, married and a resident of Brgy Tambis, Barobo, Surigao del Sur was pronounced dead on arrival at the hospital in Agusan del Sur after he was shot by unidentified suspect in Brgy Amaga of said town.

Victim was driving his XRM single motorcycle with backriders, Joel Pader and Dariel Pilino heading towards Sitio Hollywood of Brgy Tambis around 8:00 a.m. yesterday when shot by the suspects.

Lamoste sustained gunshot wounds on his head and back portion of his body, which resulted in his death, while his companions manage to run and hide.

Responding elements recovered two (2) fired cartridges of caliber .45 pistol, one black wrist watch, one (1) pair of slippers from the crime scene, one (1) slug and one (1) deformed slug from Dollete Funeral parlor.

Remains of the victim now lies at Dollete Funeral Parlor, San Francisco, Agusan del Sur, while Barobo police is still conducting in depth investigation on the case.

Unidentified victim was shot to death in Agusan del Sur

$
0
0

A victim of shooting incident is yet to be identified by authorities in San Francisco, Agusan del Sur. Victim was shot to death on May 4, at around 2:00 a.m. in Brgy 5, San Francisco town, while he was riding a tricycle.

Victim sustained gunshot wound on his chest. He is between 30-35 years of age. Cadaver of the victim now lies at Dollete Funeral Homes in San Francisco, Agusan del Sur.

Investigation is underway to identify the victim, determine the motive and identify and apprehend the suspects.

Militar at pulisya, handa na para sa eleksyon sa Bulacan

$
0
0

MALOLOS, Bulacan, – Lubos ang ginagawang paghahanda ng militar at pulisya upang matiyak na magiging maayos ang pagsasagawa ng Halalan sa Bulacan sa Mayo 13.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga kasapi ng peace and order council kamakailan, sinabi ni Police Provincial Director Sr. Supt. Joel Orduña na nasa final stage na nang pag-de-deploy ng mga pulis sa iba’t ibang voting centers sa bawat munisipalidad kasama ang 238 karagdagang tropa mula sa Armed Forces of the Philippines headquarters at First Scout Ranger Regiment (FSRR).

Iniulat din niya na mula ng ipatupad ang firearms ban, nakakumpiska na ang pulisya ng halos 105 high powered and low powered firearms at 76 na iba pang kaugnay na mga gamit.

Pinag-iingat naman ni 56th Infantry Battalion commander Lt. Col. Bernardo Oña ang publiko laban sa mga taong nagpapanggap na mula sa Army at napapabalitang lumilibot sa lalawigan upang mangikil sa mga pulitiko.

Idinagdag pa niya na kung may mga kandidatong hihingi ng security, ito ay dapat na magkaroon ng wastong koordinasyon sa Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC).

Mister sinaksak ng asawa ng nakaalitan ng kanyang misis

$
0
0

KRITIKAL ang lagay ng isang mister matapos itong saksakin ng asawa ng nakalitan ng kanyang misis Linggo ng umaga sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Inoobserbahan sa MCU hospital si Esteban Dela Cruz y Teodoro, 56,  may asawa, ng Anonas Roadm Potrero ng lungsod sanhi ng isang malalim n saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang susepk na nakilalang si Jinki Cerdon, 27, may asaw ng 77 Anonas Road ng nasabing barangay bitbit ang ginamit na patalim.

Ayon sa ulat, dakong alas 7:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa kahabaan ng kalye Anonas sa nasabing barangay.

Nabatid nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang asawa ng biktima na si Carmelita Dela Cruz at ang asawa ng suspek hanggang sa makarating kalaman kay Cerdon.

Hinanap ng suspek si Carmelita hanggang sa harapin ng biktima na kung ano man ang problema sa pagitan ng kanilang asawa ay baka pwde sa barangay na lamang pag- usapan.

Hindi nagustuhan ng suspek ang tinuran ng biktima kaya agad na nagbunot ng patalim at agad inundayan ng saksak ang biktima.

Maakaraan ang insidente tumakas ang suspek habang ang biktima ay agad namang dinala sa nasabing ospital.

Patuloy na nagsasgawa ng imbestigasyon ang mga awtoridada at isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa suspek.


Tricycle driver sinaksak ng kabaro, kritikal

$
0
0

MALUBHA ang lagay ng isang mister matapos itong saksakin ng isang tricycle driver sa harap ng isang tindahan Linggo ng gabi sa Celia 2, Brgy. Bayan-Bayanan, Malabon City.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center si Ernesto Pireto y Velasco, 24, may asawa, tricycle driver, ng 164 Bayan Bayanan ng lungsod sanhi ng tinamong isang saksak sa kaliwang kili-kili at isa sa kaliwang kamay.

Arestado at naharap sa kasong fraustrated murder si Ramil Ignacio y Merules, aka Bagwis, 39, may asawa, ng Rodriguez 1 Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.

Ayon sa ulat, dakong alas 10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa kalye Celia 2 ng nasabing barangay.

Nabatid na mag-isang umiinom ng beer ang biktima sa Edna store nang dumaan ang suspek at inimbita ng biktima ngunit hindi nagustuhan ng suspek at kanyang binalikan sa tindahan hangang sa nagbunot ng patalim at dalawang ulit sinaksak Pireto.

Nadakip naman ang suspek sa isinagawang follow up operation.

Bebot binoga sa mata, todas

$
0
0

PATAY ang isang babae matapos barilin sa mata ng di nakilalang salarin sa Baseco, Port Area, Maynila.

Nakilala lamang sa pangalang si Rose Pacquiao ang biktima at tinatayang nasa edad na 20 hanggang 25, balingkinitan, may taas na 5” hanggang 5”2,  mahaba ang buhok, nakasuot ng pink sleeveless undershirt at itim na maong short pants.

Sa report ni PO3 lestrer Evangelista, dakong alas 3:30 kahapon ng maganap ang insidente sa kahabaan ng iskinita sa Blk.15, sa nasabing lugar.

Nabatid na nakita na lamang ng dalawang barangay tanod ang biktima na duguan at may tama sa itaas na bahagi ng kanyang mata kaya agad itong itinakbo sa Gat Andres Hospital kung saan inabutan ito ng kamatayan.

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente na hinihinalang droga ang dahilan ng pagbaril sa biktima.

200 bahay sinira ng buhawi sa Tarlac, 1,000 katao apektado

$
0
0

DUMULOG ang may 1,000 katao sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang umaga (Mayo 6) dahil sinira ng isang malakas na buhawi ang may 200 kabahayan sa limang lugar sa Tarlac.

Sa ipinosteng website, sinabi ng NDRRMC na naganap ang pananalasa ng buhawi dakong 3 p.m. nitong nakaraang Biyernes sa Paniqui town at naapektuhan ang Barangay Ventinilla, Cabayaoasan, Tablang, Salumangue, at Ncamarinanan villages.

Sinabi pa sa ulat, na naapektuhan ng buhawi ang may 254 pamilya o 1,095 katao, kabilang ang 169 pamilya o 753 katao sa Ventinilla, 5 pamilya o 14 katao sa Cabayaoasan, 13 pamilaya o 44 katao saTablang, 58 pamilya o 248 katao sa Salumangue, at 9 pamilya o 36 katao sa Ncamarinanan.

Habang 205 kabahayan ang nasira at 49 naman ang nawasak, ayon pa sa ulat.

Sa 49 kabahayan na nasira ng buhawi, 24 ay sa Ventinilla, 2 sa Cabayaosan, 2 sa Tablang, 11 sa Salumangue, at 7 sa Nicamarinanan. Sa nasirang 205 kabahayan, 142 ay sa  Ventinilla, 3 sa Cabayaoasan, 11 sa Tablang, 47 sa Salumangue, at 2 sa Ncamarinanan.

Full alert idineklara ng PNP sa buong bansa

$
0
0

NAKA full alert status na ang Philippine national police para sa eleksyon 2013.

Kinumpirma ni  Police Chief Supt.  Miguel Antonio, deputy national task force commander ng safe  2013,  na epektibo kaninang ala sais ng umaga ang full alert status sa buong bansa.

Ayon kay Antonio, open ended ang alertong ito at magpapatuloy hangga’t walang  direktiba si PNP Chief, director  general Alan Purisima na ibaba ang alerto.

Nangangahulugan na on call ang lahat ng pulisya, walang bakasyon at anumang oras at pagkakataong kailanganin ang mga ito ay mabilis silang maidi-deploy.

Samantala,  sa kasalukuyan, umaabot na sa 989 ang bilang ng mga police personnel na inaprubahan ng Commission on Elections  para magsilbing  protective security escorts sa lahat ng mga humiling na politico o kandidato.

Ayon kay Antonio, batay sa certificate of excemptions na ipinalabas ng Comelec, tatagal hanggang June 12, 2013  ang pagiging protective security escorts ng mga pulis.

Bulkang Mayon, nagbuga ng puti na usok

$
0
0

NAGBUGA ng makapal na puting usok ang Bulkang Mayon kaninang umaga.

Natakot naman ang mga residente na nakatira sa paanan ng bundok dahil sa pagsabog ng bulkan .

Gayunman, hindi naman umano maituturing na isang pagsabog ang pangyayari dahil wala namang magma na lumabas o kasama sa pagbuga ng makapal na usok.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs),  bunga lamang ito ng nakulob at naipon na  pressure dahilan upang magbuga ng makapal na usok na umabot sa halos 500 metro.

Bukod dito, walang naitalang pagyanig kaya wala umanong paggalaw sa ilalim ng lupa.

Matatandaan na  2009 nang huling maganap ang pagsabog ng Bulkang Mayon.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>