NAKA full alert status na ang Philippine national police para sa eleksyon 2013.
Kinumpirma ni Police Chief Supt. Miguel Antonio, deputy national task force commander ng safe 2013, na epektibo kaninang ala sais ng umaga ang full alert status sa buong bansa.
Ayon kay Antonio, open ended ang alertong ito at magpapatuloy hangga’t walang direktiba si PNP Chief, director general Alan Purisima na ibaba ang alerto.
Nangangahulugan na on call ang lahat ng pulisya, walang bakasyon at anumang oras at pagkakataong kailanganin ang mga ito ay mabilis silang maidi-deploy.
Samantala, sa kasalukuyan, umaabot na sa 989 ang bilang ng mga police personnel na inaprubahan ng Commission on Elections para magsilbing protective security escorts sa lahat ng mga humiling na politico o kandidato.
Ayon kay Antonio, batay sa certificate of excemptions na ipinalabas ng Comelec, tatagal hanggang June 12, 2013 ang pagiging protective security escorts ng mga pulis.