DEAD on arrival sa ospital ang dalawang back rider ng motorsiklo habang kritikal naman ang driver nito makaraang salpukin sila ng isang Isuzu truck sa highway ng Purok Roxas, Barangay Balongating, Guipos, Zamboanga del Sur.
Nakilala ang isa sa nasawi na si Margie Lañohan Balignot, 44, misis ng driver ng motorsiklo.
Nabatid na tumatakbo sa iisang direkyon ang dalawang sasakyan at pagdating sa lugar ng insidente ay sinubukan umanong mag-overtake ang nasabing truck na minamaneho ni Rodrigo Podiotan Matapa, 37, pero aksidente nitong nabangga ang katabing motorsiklo.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro ang mga biktima na naging sanhi ng mga grabeng sugat ng mga biktima.
Kasalukuyan namang nakaratay ang driver ng motorsiklo sa Zamboanga del Sur Medical Center habang naka-detain naman sa detention cell ng Guipos municipal police station ang driver ng nakaaksidenteng truck.