PINASABUGAN ng granada ang isang bahay sa Lungsod ng Iriga kaninang umaga.
Nabatid na bandang alas-6:00 kaninang umaga nang dumulog sa himpilan ng pulisya si Ricky Dela Cruz, residente ng Barangay Tubigan upang iulat ang pagsabog na naganap sa harapan mismo ng kanilang bahay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nasira ang sementadong daan ng harapan ng bahay at natagpuan ang mga shrapnel na tumama sa mga kakayuhan.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang naturang pagsabog na wala namang naiulat na nasugatan o nasawi.