MALUBHA ang kalagayan ng isang binatilyo matapositong tadtadrin ng saksak ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad sa daan kaninang madaling araw sa Brgy. Longos, Malabon City.
Nakaratay at inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial hospital si Denzel Jheck Severeno y Solayao, 15, ng Phse 2 Area 3 Longos ng lungsod sanhi ng mga malalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan
Mabilis namang tumakas ang mga suspek dala ang mga ginamit na patalim.
Ayon sa ulat, dakong alas 5:30 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa Habia Alley sa nasabing barangay.
Nakipaglamay ng patay ang biktima habang naglalakad pauwi biglang hinarang ng mga suspek at walang sabi sabi pinagtulungan saksakin.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad.