Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

13 anyos nakuryente,patay; 1 pa kritikal

$
0
0

PATAY ang isang 13 anyos na binatilyo habang kritikal sa pagamutan ang isa pa nang makuryente sila sa pagtitipon ng grupo ng mga bading sa Port Area, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si John Quel ng Gate 17 Parola Compound sa Tondo, habang ang pangalan naman ng isa pang biktima ay si JL Mark Zabala,20,taga Gate 17 Parola Compound,Tondo,Maynila

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo, dakong alas 11:25 kagabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid na nag-organisa ng “Search for Feeling Pogi 2013” ang Rivas Gay Club, isang federation ng mga bading sa lugar.

“Nagsisimula na daw na rumampa yong mga contestant kaya naglapitan ang mga tao para manood> Dito na nakita ang biktima na bumagsak sa sementadong kalsada na nagkikisay matapos na humawak doon sa bakal sa may stage,” ani Vallejo.

Nakita naman ni Zabala ang nangyari sa biktima kaya nilapitan upang tulungan ngunit maging siya ay nakuryente rin.

Bunsod nito, nagsigawan sa takot ang mga nanonood kaya pansamantalang natigil ang kontest ng mga bading sa lugar.

Agad namang isinugod sa Gat Andres Bonifacion Hospital ang dalawa ngunit nasawi si Quel makalipas ang ilang minuto.

Nagkasundo na naman yong pamilya at yong organizer na Rivas Gay Club. Sinagot ng grupo ang gastos sa pagpapalibing at pagpapa-ospital ng mga biktima


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>