NAGKAROON ng power interruption ang maraming lugar sa Ilocos Sur, Ilocos Norte at Isabela, kaninang umaga.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla, hindi maituturing na blackout ang naganap na kawalan ng kuryente dahil nagkaroon lang ng problema sa transformer at linya ng kuryente ang mga electric cooperative na naayos din makaraan ang isang oras.
Dahil dito, tiniyak ni Petilla na sobra ang suplay ng kuryente sa araw ng halalan kung saan may nakareserbang 2,000 megawatts.