SINAKSAK at napatay ng isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang kanyang kasamahan pero napatay din ito nang kumasa sa humuhuling kabaro sa Zamboanga del Sur kaninang madaling araw (May 11).
Dead on the spot sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Alberto Cabilin habang nasa kritikal na kondisyon sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspect na si Jay Siay. Sina Cabilin at Siay ay kapwa miyembro ng Cafgu at nagbabantay ng PCOS machines sa isang eskuwelahan sa bayan ng Labangan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Sa ulat ng Labangan municipal police station, nangyari ang insidente dakong 2:30 ng madaling araw habang magkasama ang biktima at ang suspek na nagbabantay sa compound ng Latian Elementary School sa bayan ng Labangan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur sa PCOS machines.
Sa hindi pa malamang dahilan, biglang nagtalo ang sina Cabilin at Siay na humantong para saksakin ng huli ang una.
Tumakas naman agad ang suspek at umuwi sa kanilang bahay pero sa paglunsad ng pursuit operation ng kapulisan ni Insp. Nedsfar Hassan, hepe ng Labangan municipal police station, kasama ang ilang tropa ng mga CAFGU ay naabutan nila ang suspek habang sumasakay ng pampasaherong bus para makatakas sa lugar.
Imbes sumuko ay nanlaban ang suspek gamit ang dala nitong M16 rifle kaya binaril na rin siya ng kapwa nito CAFGU.