NABIKTIMA ang isang negosyante ng limang hindi pa kilalang mga lalaki na nag-alok muna ng drum sa Valenzuela City Sabado ng hapon, Mayo 11.
Sa pahayag ng biktimang si Jesus Baria, 53, ng San Andres st., Veinte Reales ng lungsod, dakong ala-1:30 ng hapon nang magpunta sa kanilang bahay ang mga suspek at nag-aalok ng drum.
Sinabi ng biktima na dalhin na lang upang makita ang inaalok subalit pagtalikod ng una ay sininalya siya papasok ng bahay ng mga suspek sabay bunot ng mga baril.
Iginapos ang biktima at iniwan sa banyo bago naghalughog sa bahay ang mga suspek.
Makalipas ang ilang oras ay nagawang makawala ang biktima at nalaman na natangay ng mga suspek ang cash na P50,000, mga alahas at iba pang gamit na aabot sa P100,000.
Nagsumbong sa mga pulis ang biktima kung saan inaalam na kung sino ang mga suspek.