ILANG oras bago umarangkada ang May 13 midterm elections, inambus ang vice mayor ng Banisilan, North Cotabato, at ang kanyang bodyguard nitong Linggo ng gabi (Mayo 12).
Kapwa dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si vice mayor Floro Allado at ang bodyguard nitong si Bebot Maruc.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang may kagagawan ng pangaambus pero tiniyak na ang pagpatay sa mag-amo ay may kaugnay sa eleksyon.
Bago ito, nanggaling mula sa Liberal party headquarters ang mag-amo at pauwi na ng bahay sakay sa kanilang sasakyan nang paputukan ng mga suspect na sakay sa motorsiklo.
Si Allado ay tumatakbo muli bilang vice mayor at maybahay nito si incumbent Banisilan Mayor Betty Allado