TODAS ang isa habang anim katao ang sugatan makaraang tambangan ang grupo ng mga botante sa Sitio Kansiron, Brgy. Tiptipon, Panglima Estino, Sulu kaninang umaga, Mayo 13.
Base sa ulat ni Chief Insp. Kris Conrad Gutierrez, tagapagsalita ng Sulu Provincial Police Office, papunta na ng presinto upang bumoto ang grupo ng barangay chairman ng Barangay Gaguil, Panglima Estino na kilalang tagasuporta ng isang kandidato sa pagka-alkalde nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek.
Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Samantala, sa Tongkil, Sulu rin naiulat na pinagbabaril din isang grupo ng mayoral candidate na paalis na sa polling center.