TODAS ang isang lolo makaraang atakihin sa puso habang nasa presinto upang bumoto sa San Pascual, Batangas.
Inatake sa puso si Luis Manalo, 66, habang nasa Hilerang Kawayan Elementary School upang bumoto nang manikip ang kanyang dibdib hanggang mawalan ng malay.
Posibleng ang mainit na panahon ang dahilan ng paninikip ng dibdib ng biktima na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.