ANG militar na ngayon ang nangangalaga sa seguridad sa isang bayan sa Sulu dahil sa umiinit na bangayan ng magkakalabang mga kandidato.
Ani Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman B/Gen. Domingo Tutaan Jr., kanila nang tinake-over ang trabaho mula sa Philippine National Police sa bayan ng Tongkil town ayon na rin sa naging kasunduan nila ng Commission on Elections, AFP at PNP.
Binalot naman ng tensiyon ang barangay sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao sa pagpasok ng ilang armadong kalalakihan sa presinto sa isang barangay sa naturang bayan.
Dahil dito, agad na nagsitakbuhan palabas ng naturang presinto ang mga BEIs dahil sa takot na baka saktan sila ng mga armado.
Dahil dito, naiwan ang ilang mga balota sa naturang presinto dahil naman sa pagmamadaling makalabas ng mga tao kasama na ang BEIs sa naturang presinto.
Dahil dito, kasalukuyang humihingi ng tulong ang mga opisyal ng naturang barangay sa mga militar upang maresolba ang naturang problema at mawala na ang takot ng mga residente sa lugar.