Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

QCPD, AIDSOTF, pinangarangalan sa anti-drug haul

$
0
0

PINANGARALAN kaninang umaga (Mayo 14) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang police units para sa kanilang matagumpay na operayon laban sa illegal drugs.

Nakumpiska ng 2 units ang shabu na may halagang P230 million.

Sinabi ni PDEA spokesperson Derrek Carreon, na pingaralan ng ahensiya ang Quezon City Police District, At ang Philippine National Police’s Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force dahil sa pagkakakumpiska ng may  46 kilos ng shabu at pagkakakuwelyo sa mga suspect ba nasa likod ng drug transactions, ayon pa kay Carreon.

Tinanggap ni QCPD director Senior Superintdent Richard Albano, at ni Senior Superintendent Napoleon Taas ng AIDSOTF ang nasabing parangal .

Noong Abril 29, natiklo ng QCPD ang tatlong suspect sa ikinasang isang buy-bust operation, at nakumpiska ang 40 kilos ng shabu.

Noon namang Mayo 1, nadakip ng  AIDSOTF operatives ang tatlong suspects na may bitbit na 6 kilos ng shabu.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129