MUNTIK nang magsalpukan ang dalawang grupo matapos ang botohan sa Caloocan City Lunes ng gabi, Mayo 13.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, sakay ng isuzu truck ang grupo ni Garry Castro nang parahan ang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng t-shirt na may tatak na Liberal Marshal.
Kinumpronta ng grupo ni Garry Castro ang kabilang grupo subalit nagdatingan ang mga pulis na naging dahilan upang masaway ang mga una.
Napilitan magsisakay sa dalang truck ang grupo ni Castro at mabilis na tumalilis kung saan inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pag-iinit ng ulo ng grupo ng mga una.