NANANATILING nasa ospital ang isang lalaki makaraang magtangkang magpakamatay dahil sa pinipilit na pakasalan ang pinsan niyang nabuntis at may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Cabugao, Altavas, Aklan.
Nabatid na uminom ng lason sa daga na inihalo sa sabaw ng niyog ang 20-anyos na lalaki na hindi binanggit ang pagkakilanlan na agad naisugod sa Aklan Provincial Hospital.
Masuwerteng naabutan ang biktima ng kanyang mga kaanak na bumubula pa ang bibig at nangingisay dahil sa ininom na lason.
Nabatid na pinipilit ang biktima ng kanyang kaanak na pakasalan ang kanyang pinsan na 24-anyos ngunit inayawan niya ito dahil na rin sa kondisyon ng babae.