ISANG ama ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Zone 9, Barangay Zambowood sa Zamboanga City makaraang malaman na nagtanan ang kanyang 19-anyos na anak.
Nabatid na ilang oras bago makita ang nakabitin na bangkay ni Mario De Guzman, 48, namataan pa ito ng kanyang mga kapitbahay na mag-isang umiinom ng alak nang malaman na nagtanan ang kanyang anak na si Ivy.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa naturang insidente.