Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ismagler ng pekeng gamot kinasuhan

$
0
0

SINAMPAHAN ng Bureau of Customs ng kasong smuggling ang lima katao kaugnay sa pag-aangkat ng mga peke at paso ng gamot mula South Korea .

Kinilala ang limang opisyal ng Mountain Glory Agri Sales na sina Manuel Navarro, pangulo ng kumpanya, mga miyembro ng Board of Directors na sina Loreto Concepcion, Marlowe Carino, John Michael Gersalia at Ernesto Empenio.

Naganap ang pormal na pagsasampa ng kaso sa DOJ sa pangunguna ni Dep.Comm. for Revenue Collection and Monitoring Group na si Peter manzano.

Lumabag umano ang mga opisyal ng Mountain Glory sa Section 101 at 2530 ng Tariffs and Customs Code of teh Philippines at RA 8203 na kilala ring “an act of prohibiting Counterfeit Drugs  at RA 9711 na mas kilalang Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009.

Kinasuhan ang Mountain Glory bunsod ng tangkang pagpuslit ng isang 40 ft. container van na may 20 paletang ibat ibang gamot mula South Korea at walang kaukulang permit mula sa Food and Drugs  Administration.

Natuklasan din na walang accreditation ang kumpanya sa FDA at hindi awtorisadong umangkat ng mga gamot.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>