Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 tulak ng droga, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong

$
0
0

DALAWANG tulak ng droga ang hinatulang makulong ng habambuhay ng isang Regional Trial Court sa Naga City matapos itong mapatunayang nagkasala sa paglabag sa anti- drug law.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nasentensiyahang sina Romy Llones y Corpus at Placido Gutierrez y Leano.

Sa desisyon ni Judge Efren G. Santos, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 22 sa Naga City, napatunayan ng prosekusyon na matibay ang hawak nilang ebidensiya laban sa mga akusado na may kaugnayan sa paglabag nila sa Article II, Section 5 ng   Republic Act 9165, kilala rin sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kung kaya pinatawan sila ng habambuhay na pagkakakulong.

Pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng kabuuang halagang P6 milyon at P200,000 multa bawat isa.

Batay sa record ng korte, ang mga akusado ay nahuli noong October 8, 2005, sa isang checkpoint na inilunsad ng San Fernando Municipal Police Station sa Barangay Bonifacio, San Fernando, Camarines Sur.

Nakumpiska sa dalawa ang may 12.4 kilograms na high grade na tuyong dahon ng marijuana bricks.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>