ISANG hindi pa nakikilalang lalaki ang nasunog ng buhay makaraang ma-trap sa nasusunog na tatlong palapag na townhouse sa Barangay Sta. Cruz sa Quezon City noong Biyernes ng hapon.
Ayon kay Fire Officer 2 Rey Romero, nangyari ang sunog mga bandang alas 3:30 noong Biyernes ng hapon na nagsimula sa ikatlong palapag na gusali ng Lanai na nasa Gen; Lim St., Barangay Sta. Cruz, Quezon City.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula alas 3:30 ng hapon bago ito naapula pasado alas 4:06 ng hapon.
Sinasabing ang nasawi na kinilala sa alyas na Eduardo, tinatayang nasa 50 anyos ay kasama ng ibang manggagawa na nagwe-welding noon sa loob ng bahay bago sumiklab ang sunog.
Patuloy pa ring inaalam ng mga arson investigators kung ano ang pinagmulan ng apoy bagamat pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa may ari ng townhoue dahil sa hindi paglalagay ng fire extinguisher sa loob ng bahay .
Napag-alaman din ng BFP na wala permit ang may ari ng townhouse para sa renovation ng townhouse.